Nag enjoy ang mga bata sa mall. Sa gaming section sila naka tambay nang makarating sa mall. Nag enjoy sila sa mga rides dahil pati ama nila naki ride din. Para din bata ang ama nilang nakipaghahabulan sa kanila. Matapos magsawa sa mga rides ay napunta kami sa mine basketball games, paramihan ng na shoot na bola. As usual ang ama nila ang panalo kaya nagmaktol si Daniel. "Magpaparaya ka daw kasi." bulong ko kay Blaze. "No, way. Paano sila matuto kung lagi akong magpaparaya?" ganting bulong niya sa akin na naghatid sa akin ng kiliti. "Eh, mga anak mo naman yan." giit ko pa. "In real competition, walang gustong magpaparaya. Magkapamilya man kayo or hindi. Kaya kung gusto nilang nilang manalo, paghirapan nila." sabi naman niya sa akin sabay kindat. "Ewan ko sayo, dami mong alam."