Nag-alalang sinalubong kami ni nanay nang makabalik sa bahay. Tiningnan agad niya ang mga galos ko. Napailing na lang si nanay sa nangyari sa akin. Pumasok din sina Blaze sa bahay namin. Medyo nahiya pa ako dahil hindi man lang nka one-fourth yong bahay namin kumpara sa kanila. "Anak, naman. Ang tanda mo na para makipag sabunutan sa kanila." sermon ni nanay sa akin. "Sorry nay. Nakakapikon kasi sila eh." hinging paumanhin ko. "At dahil pikon ka makipagsabunutan ka na lang?" sermon pa rin ni nanay sa akin. "Papasok na sana ako sa bahay ng bigla na lang nila akong sabunutan." rason ko pa. "Syempre tatlo sila kaya hindi ako naka resback." dagsag ko pa. "At ikaw Tina, anong nakain at sumali ka pa talaga sa gulo?" sermon din ni nanay kay Tina. "Aawat lang sana ako, ante. Kasi nakita