Pababa pa lang ng parking lot ng isang sikat na French restaurant si Sophie nang matanawan niya sa loob niyon si Rob. Ilang araw din silang hindi nagkita dahil naging busy ito sa mga client meetings nito. At siya naman, naging abala sa ilang mga interviews at guestings.
Kaya naman nang ayain siya nito na magdi-dinner daw sila sa labas ng gabing iyon, hindi na siya tumanggi. She wore her classy little black dress from Chanel and nude pumps from Louboutin. She also opted to let her long straight hair down and went for a subtle make-up. It took her hours to finally decide on the ensemble she'd wear. Hindi niya alam kung bakit, but she really wanted to look a little bit extra tonight. This is the first time in years that Rob had invited her to dine out. So, she really wanted to look good.
Kinawayan siya ni Rob nang tuluyan siya nitong makita sa entrance ng restaurant. Mabilis itong tumayo, namulsa at hinintay ang paglapit niya. Maya-maya pa, unti-unti itong ngumiti habang ang mga mata, titig na titig sa kanya—as if admiring her, mesmerized by her.
Her breathing hitched. Few moments more, there goes the familiar yet weird thugging of her heart again.
What the hell is wrong with me? naguguluhan niyang tanong sa sarili. It's been days since she'd been feeling that way and it's starting to annoy her. Hinigpitan niya ang hawak kanyang bitbit na minaudiere at lihim na pinagalitan ang sarili. She secretly shook her head after and tried to take hold of her composure.
"You're beautiful," seryosong komento nito nang tuluyan siyang makalapit, pinaghila pa siya ng upuan.
She cleared her throat and tried to sound casual. "Y-yeah, I know."
He gave out a low laugh before sitting on the chair infront of her. Nang tumitig ito sa kanya, tumitig din siya. Na hindi sana niya dapat ginawa dahil lalo lang tumindi ang pagkabog ng dibdib niya.
"S-sige na, order na tayo. N-nagugutom na ko e," natataranta niyang pagdadahilan matapos umiwas ng tingin.
Natawa ulit ito at kaswal na uminom ng tubig. "Kahit kailan, 'yan talagang tiyan mo, hindi marunong mag-preno. Mamaya ka na um-order may hinihintay pa tayo."
Nagsalubong ang kilay niya. "H-ha? Sino?"
Hindi ito sumagot. Bagkus ay tumingin ito sa direksiyon ng pinto ng restaurant sa likuran niya. Maya-maya pa, umaliwalas ang mukha nito.
"There she is." Tumayo ito. Nagmadali naman siyang lumingon.
There she saw a woman gracefully sashaying her way towards them like she owned the whole place. Exaggerated ang pag-indayog hindi lang hinaharap nitong nasisilip sa mababang neckline ng haltered dress nito kundi pati na rin ng balakang nito sa bawat paghakbang nito. Kaya naman lahat ng customers sa bawat table na madaanan nito, napapalingon. Naisip niya, hindi kaya ito mabalian ng balakang? Tinalo pa nito ang lahat ng klase ng walk ng mga beauty queens e. At hindi pa nakuntento, maarte pa itong nag-hairflip. Akala mo naman natural na natural ang buhok nitong halatang alaga sa rebond at hot oil.
Nalukot na ang mukha niya. Ngayon pa lang, sumisingaw na ang inis niya sa babaeng hindi pa man niya nakikilala ay nakakairita na. Paanong hindi siya maiirita, inari na nitong lahat ang wala siya--nakasisilaw na kaputian, umaalog na future, at overflowing confidence, na hanggang ngayon, pinag-aaralan pa rin niya. Kung sino man ito, hindi sana ito si--
Nanlaki ang mga mata niya nang halikan ni Rob sa pisngi ang babae nang makarating ito sa mesa nila. Humahagikgik pa itong itong lumambitin sa leeg ni Rob.
Lalong nanikwas ang nguso niya nang makaharap ito sa malapitan. Pakiramdam niya, tinakasan na siya ng kakapiranggot na self-confidence na meron siya. The woman is not only beautiful; she's exaggeratedly gorgeous in every inch.
"Rachel, I'd like you to meet my bestfriend Sophie. And Sophie this is Rachel Espinosa, my girlfriend," ani Rob maya-maya, ngiting-ngiti. Bumaling sa kanya si Rachel, flashing her perfect set of white teeth.
Ugh! Ba't hindi ito bungi! lihim niyang reklamo.
Gusto niyang magmaktol. Si Rachel talaga ang nakakairiting babae!
Mabilis siyang tumayo at bineso ito. Agad namang dumating ang waiter at nag-abot kay Rob ng menu.
"Finally we've met," ani Rachel nang makaupo na sila, ang isang kamay nito nakapulupot sa braso ni Rob. "I've heard so much about you."
She faked a smile. "R-really, like?"
"That you're a big trouble. Nothing but just a trouble," sarkastiko nito ng sagot kahit na nakangiti pa din.
Unti-unting nawala ang peke niyang ngiti. Bigla ring nangati ang kamay niya, parang gusto niyang manabunot nang wala sa oras. Minamalditahan siya ng babae kahit na kakakilala pa lang nila! At sa harap pa ni Rob!
Sumulyap siya kay Rob. Abala ito sa pakikipag-usap sa waiter. Lihim siyang napairap at inisang lagok ang wine na nakasilbi sa goblet sa harap niya.
Kung hindi lang siya lumaking may values, baka kanina pa niya nasakal ang kaharap na babae. But she grew up with valued virtues a good woman should possess that's why she'd decided to let the insult pass.
"I ordered you Saumon a l'oseille. I remembered you like salmon. Is that okay with you?" ani Rob sa kanya maya-maya. Tumango lang siya at tipid na ngumiti. Muli itong bumaling sa waiter at um-order pa ng isang bottle ng wine. Nang umalis ang waiter, kaswal na nakisali sa Rib sa usapan.
She tried her hardest to be interested sa pinag-uusapan ng mga ito. Kaya lang Rachel made her feel so left out that and it made her feel unwelcomed on the table. She felt invisible. The same feeling she had while she was growing up-- when she was still unknown to the world, when she didn't matter.
She groaned silently and slowly sighed her frustrations.
Sa buong panahong magkakasama silang tatlo, sinubukan niyang pumormal at h'wag magsalita masyado. Na madali lang naman niyang nagawa dahil dinomina ni Rachel ang usapan. They were even whispering sweet nothings to each other. Rachel is clearly a flirt. And it infuriated her!
Ito pa lang sa lahat ng naging girlfriends ni Rob ang gano'n—harap-harapan kung makipaglandian sa kababata. Nang hinid na siya nakatiis, nag-text sya kay Raine na tawagan siya. Agad naman itong tumalima. Maya-maya pa nag-ring ang phone.
"Hi,Phil! You called," aniya, inartehan pa ang tinig. Natigil si Rachel sa pagkiskis ng ilong nito sa pisngi ni Rob. Si Rob naman nagsalubong ang mga kilay habang nakatingin sa kanya, seryoso. Ano, sila lang may karapatang maglumandi? Itsura ni Rachel na isinawsaw sa drum ng glutathione!
She covered her phone's mouthpiece and whispered, "It's Phil Lewis. I need to take this call." Bitbit ang minaudiere niya tumayo siya at humakbang patungo sa powder room.
"Gaga! Anong Phil? Si Raine 'to!" inis naman na sagot ni Raine sa kabilang linya.
Hindi niya sinagot ang pagsusungit ng kaibigan. Minadali niya ang pagpunta sa powder room. Nang marating niya 'yon, agad niyang ni-lock ang pinto bago sumandal sa dahon niyon. Saka palang niya pinakawalan ang pinipigil na hininga.
"Hoy, Sophia? Ba't humihingal ka? Buhay ka pa ba? Sumagot ka nga!" aburidong pukas ni Raine sa kanya.
"Buhay pa 'ko!" nagtataray na rin siyang sagot.
"E ano ba kasing drama mo? Pinatawag-tawag mo 'ko tapos sasabihin mong ako si Phil? Lasing k aba?"
Napapalatak na siya. Raine is at it again, ang paborito nitong gawin, mangaral at maglitanya.
"E basta! Pinambugaw ko lang 'yon kanina sa haliparot na isinawsaw sa glutathione." Humakbang siya sa salamin at chineck ang lipstick niya.
"Ano?"
Nanikwas na ang nguso niya. "Saka ko na lang iku-kuwento sa 'yo. Sige na. Ba-bye na," aniya bago tuluyang tinapos ang tawag.
Nagbuga siya ng hininga at muling tinitigan ang sarili sa salamin. Hindi na siya ang dating Sophie na patpatin, maitim at mukhang haragan. She's not the same invisible ordinary girl anymore. Not even the same girl who cried home because no one even tried to dance with her during their highschool promenade. Men now swoons around her. Kung tutuusin she had changed into a lovely swan. She's slim, honey-colored and enigmatic or so the magazines described her.
Pero bakit gano'n, pakiramdam niya walang-wala siya sa kalingkingan ni Rachel at ng iba pang ex-girlfriends ni Rob?
Natigilan siya.
Bakit ba parang ikinukumpara niya ang sarili sa mga naging nobya ng kababata? Nai-insecure ba siya? Kung oo, bakit naman?
Kumabog ulit ang dibdib niya. That same familiar thugging that's been bothering her for days now. Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang dibdib.
She huffed and shook her head furiously. Ayaw niyang mag-isip o mas tamang sabihing, ayaw niyang isipin ang totoong nangyayari sa kanya kahit na mukhang alam na niya kung bakit gano'n ang nararamdaman niya.
At kung anuman iyong nararamdaman niya, kailangan, tigilan na niya. Dahil alam niyang hindi iyon magtatapos sa maganda at tiyak na masasaktan lang siya. Kaya habang maaga pa, kailangan na niya iyong pigilin at tigilan.
Kung kaya niya.
Makailang beses siyang naghugot at buga ng hininga. Muli siyang sumulyap sa sa salamin bago tuluyang lumabas ng powder room.