Chapter 39: His Lies 2

1305 Words

Malakas na tunog ng cellphone ni Sophie ang nagpagising sa kanya kinabukasan. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, naka-flash sa screen ng cellphone niya ang number ni Rachel. Magkasabay na bumangon ang kaba at guilt sa dibdib niya. Ni ayaw nga siyang kausapin ng maldita bakit siya nito tatawagan? Alanganin niyang sinagot ang tawag. "H-hello." "Sophie. It's Rachel, " pormal na sagot nito sa kabilang linya. "Why did you call?" "I want to talk to you. Babae sa babae." Pakiramdam niya nanuyo agad ang lalamunan niya. Lalong bumigat ang dibdib niya. "S-saan?" "Sa Casa Vieja. Lunchtime?" Lumunok siya at tumikhim. "Yeah. I know the place. Pupunta ako." Hindi na sumagot pa si Rachel, agad nitong pinutol ang tawag. ----- Ang Casa Vieja ay isang de-klaseng restaurant na malapit lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD