Akhira's Pov "Akhira, aalis kami ngayon. Gusto mo bang sumama at mamasyal sa Dubai?" Natigilan ako sa akmang pagsubo ng kinakain kong biryani nang dahil sa sinabi ni Nanay. Kanina ko pa ini-enjoy ang masarap na pagkain na nakahain sa lamesa ngunit ngayon ay tila ba nawalan na ako ng gana. "Nanay, alam niyo naman na ayaw na ayaw kong mangibang bansa. Sorry po pero hindi ang sagot ko," magalang na sagot sa kabila ng pagkadigusto. Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Nanay kaya napatingin ako sa gawi niya. At saktong nakatingin siya kay Tatay sa puntong iyon kaya dumapo rin ang paningin ko sa kina-uupuan ni Tatay ay nakitang umiling ito. Alam na alam naman nila ang sagot ko sa tuwing gano'n ang sinasabi nila. Pero bakit paulit-ulit ko pa rin naririnig ang mga salitang