Akhira's Pov "Good morning, Akhi," pag labas ko ng aking kwarto ay sumalubong na sa akin ang nakangiting Hapon. Malawak at matamis ang ngiti nito na para bang nagising na walang problemang kinakaharap. Napatitig ako sa kanya nang ilang sandali at sa puntong iyon na sa kanya lang nakatuon ang mga mata ko ay hindi nabura ang kakaiba niyang ngiti. What's with her? It's kinda weird. She's not like the Mayu I used to know. "Kumusta ang gabi mo, Akhi? Nakatulog ka ba ng maayos?" Aniya. At pansin ko rin na puno ng enerhiya siya sa umagang iyon. "Ayos ka lang?" Nakakunot ang noong tanong ko. Nakangiti siyang tumango nang tumango na mas lalo lamang nagpakunot ng aking noo. "Mukha kang may sakit, hindi ka okay," sagot ko. Naglakad ako at linampasan siya ngunit agad din akong nati