Akhira's Pov Nang umagang iyon ay hindi ako pumunta ng School. Nanatili lamang ako sa kwarto at sa tuwing darating si Manang at kakatok sa pintuan ay lagi kong sinasabi na mamaya na lang ako baba para kumain. Naka-ilang balik din sila kaya naawa rin ako saka tuluyang lumabas ng aking kwarto. Wala sa labas ng kwarto ko si Adrian kaya napa-iling ako. Kung hindi nila ako kailangan, mas lalong hindi ko sila kailangan sa buhay ko. Nabuhay ako nang wala sila, kakayanin ko rin mabuhay kahit na hindi pa nila ako kausapin. "Akhira, ayos ka lang ba?" Tanong ni Manang habang kumakain ako ng agahan. Tapos na silang kumain pero sinamahan ako ni Manang sa loob ng kusina. Siguro ay napansin niya ang pagiging matamlay ko. "Ayos lang po ako, Manang. Don't worry about me. Siguro ay nami-miss ko