Chapter 1

2058 Words
Akhira "What?" Pasigaw na tanong ko habang pataas-pababa ang tingin sa lalaking deretso lang na nakatayo sa harapan ko. "Nanay, Tatay, hindi ko kailangan ng personal bodyguard. Marami na akong bantay," nagrereklamong dagdag ko pa. Tsk! Ano bang gagawin ko sa mga lalaking ito para sumuko silang lahat sa pagbabantay sa bawat galaw ko. Nakaka-inis dahil wala akong kalayaan para gawin ang lahat ng gusto ko. Palagi na lang ay may nakabantay at nagsusumbong sa mga magulang ko. Saglit na nagtama ang paningin namin ng lalaki kaya hindi ko napigilan ang sarili na irapan siya. Pero isang kakaibang ngisi ang ipinakita niya sa akin kaya bahagyang lumaki ang mga mata ko. Hindi kapani-paniwala ang tiwala nito sa kanyang sarili. At mukhang mayabang pa. "Akhira, sa ayaw at sa gusto mo ay siya ang magiging personal bodyguard mo. Pasensiya na anak pero nagrereklamo na ang lahat ng bantay mo. Marami na nga sila pero wala naman silang magawa dahil palagi kang nakakalusot sa kanila. Tulad na lang kagabi. Paano na lang kung napahamak ka sa pag punta sa bar na iyon. My God! Anak naman. Hindi ligtas para sa dalagang katulad mo na pumunta sa mga lugar na iyon," frustrated na sagot ni Tatay. Napanguso ako. Heto na naman ako sa pangaral nila na wala ng katapusan. Gusto ko lang naman aliwin ang sarili ko kaya ako pumupunta sa club na iyon kasama ang mga kaibigan ko. At isa pa ay hindi ako malayang nakakagalaw kapag nasa paligid ang mga bantay ko kaya palagi akong tumatakas sa kanila. Nasa tamang edad na ako kaya nakakahiya kapag maraming nakabantay sa paligid ko. Kaya ko naman protektahan ang sarili ko at hindi ko sila kailangan. "Tatay, hindi na ako tatakas sa mga bantay ko. Please, huwag mo ng dagdagan," sabi ko at saka nagpa-cute kay Tatay. Alam ko naman na hindi niya matitiis ang unica hija niya. "Please, Tatay..." dagdag ko pa nang mariin niya akong tinitigan. Ilang segundo lang ay malakas at marahas nang napabuntong hininga si Tatay. Matamis akong napangiti. Alam kong papayag na siya sa gusto ko. Pasimple kong sinulyapan ang lalaki na wala man lang imik. Kung hindi lang nasa harap ko si Tatay ay sumaludo na ang gitnang daliri ko sa kanya. Tsk! Akala ba niya ay papayag ako na madagdagan ang tatakasan kong bodyguard? Hell, no! Over my gorgeous, hot and yummy body. "Sorry, young lady. But my decision is final. This is Adrian Sarmento, your personal bodyguard from now on. Adrian, siya si Akhira, ang kaisa-isang anak ko na babae pero sakit sa ulo ng pamilya," pagpapakilala ni Tatay kaya napasinghap ako. Mahina siyang natawa nang makita ang reaksyon ko kaya muli akong napanguso. "Adrian, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo, magiging sakit ng ulo mo rin ang batang ito. Kailangan mo ng mahabang pasensiya para magtagal sa kanya," aniya ni Tatay nang humarap sa lalaki na lumampas na yata sa kalendaryo ang edad. Mariin akong tumitig sa kanya. Hanggang saan kaya ang kakayanin niya? Sandaling nagtama ang aming paningin at muli ay nakita ko na naman ang kakaiba niyang ngisi. "Wala pong problema, sir. Sanay ako sa mga kabataan na tulad niya. Ako pong bahala sa kanya," puno ng kumpyansang sagot nito. Tumaas ang kilay ko. "Talaga lang, huh?" hindi napigilan na bulalas ko. "Akhira..." agad na pagsuway ni Tatay sa akin dahilan para mapalunok ako. Tsk! Mabuti nang manahimik na lang, kung hindi ay baka mas lalong pang dagdagan ni Tatay ang mga bantay ko. Umikot ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin ng lalaki. Umingos ako bago tumalikod. Nagsimula akong maglakad patungo sa aking kwarto. "At saan ka pupunta?" tanong ni Tatay dahilan para matigilan ako. "Sa kwarto at matutulog na," walang ganang sagot ko. Wala na. Hindi na ako makakatakas ngayong gabi pero sige lang. May ibang gabi pa naman. "Samahan mo muna si Adrian sa kanyang kwarto," sagot ni Tatay dahilan para mapatingin ako sa lalaki bago nagrereklamong ibinalik ang tingin sa kanya. "Bakit ako? Nandiyan naman si Manang, siya na lang," istriktong umiling si Tatay sa naging sagot ko. "May ginagawa sila kaya ikaw na lang ang maghahatid kay Adrian," giit pa nito. "Pero---" "No more but, Akhira," mautoridad na sansala ni Tatay sa akin. Tuluyan na akong nawalan ng gana. Nitong mga nakaraan na araw ay halos nasa akin ang atensyon nilang lahat. I love the way they treated me like a baby. Having all their attention is one of my favourite thing but not this time. Kasi hindi ako nakakatakas. "Kuya..." masayang aniya ko nang makita ang paparating na si kuya Xander. Sa kanilang dalawa ni kuya Jethro ay siya ang mas maluwag sa akin at hindi niya ako kayang tanggihan. "Kuya, 911," agarang dagdag ko para makuha ang buong atensyon nito. Lihim akong napangisi nang lumingon siya kay Tatay. "Anong tulong na naman ang kailangan mo, Akhira?" Seryoso niyang tanong kaya napangiwi ako. Nangangamoy rejection ang 911 ko. "Kuya, kasi si Tatay---" pagsusumbong ko na agad niyang hinarang . Ginawa ko ang makakaya ko para maging malungkot ang tinig ko pero tila ba wala pa rin epekto. Bato na yata ang puso ni Tatay sa akin. "Huwag mo siyang pansinin, Xander. Tumakas na naman iyan kagabi. Kababaeng tao pero walang kadala-dala," napapa-iling na dagdag niya. Matiim akong tinitigan ni kuya Xander kaya patakbo akong lumapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. "Kuya, gusto ko lang naman ng adventure," nakangusong aniya ko. Hinawakan ni kuya Xander ang balikat ko para ilayo sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ako ng matamis pero isang malalim na buntong hininga lang ang ginawa niya. "Tatay, who's this guy?" Sa halip ay naging tanong ni kuya Xander. "Siya si Adrian Sarmento, ang personal bodyguard ng kapatid mo. Sa Lolo mo siya galing kaya subok na ang galing at katapatan niyan," tumango si kuya sa sinabi ni Tatay. "Akhira, late na. Ihatid mo na si Adrian sa kwarto niya at nang makapagpahinga na. Ikaw rin dahil may pasok ka pa bukas," mautoridad na pagpapatuloy ni Tatay. Tiningala ko si kuya para sana humingi ng tulong pero isang tango ang ibinigay niya sa akin. "Peste kang matanda ka," inis na bulong ko. Agad na napasigaw si kuya Xander kaya alam ko na hindi iyon nakaligtas sa pandinig niya. Patay! Dagdag na naman iyon sa kasalanan ko. Tsk! Problema ko talaga ang matandang lalaki na ito. "Akhira..." nagbabanta ang tinig ni kuya kaya mas lalo pa akong napasimangot. "This way, sir," puno ng sarcasm na sabi ko. "Tsk!" he replied. At hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. Aba't! Ginigil talaga ako ng tandang ito, huh? "Xander, sumunod ka sa akin. Kanina pa naghihintay ang Nanay mo sa library," rinig kong sabi ni Tatay. Lihim akong napangisi. Pwede na akong magtaray sa harap ng tandang ito dahil hindi na sila nakatingin. Humanda ka ngayon. Saktong pagdating namin sa labas ng kusina dahil nasa likod niyon ang kwarto ng mga guard ay tumigil ako at nakapamaywang na humarap sa kanya. Blangko lang ang kanyang mukha. Nabura na ang mapaglaro niyang ngisi. "Alam kong katulad ka rin nila. Ilang araw mula ngayon ay susuko ka rin," nakangiti kong sabi. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi niya dahilan para magsalubong ang kilay ko. Bipolar ba talaga siya? "Try me," mapaghamon niyang sagot. "Gagawin ko talaga. Maghintay ka lang. Tsk! Sa tanda mong iyan, hindi magtatagal at baka sa hospital ka na tumira," napapa-iling na sagot ko. Humakbang siya papalapit sa akin kaya kinabahan ako. Pero kahit pa yata napipikon na siya sa akin ay hindi niya pa rin ako kayang saktan dahil nasa loob siya ng pamamahay ko. "Matanda nga ako sa'yo. Pero nasisiguro ko sa'yo na kapag inubos mo ang pasensiya ko ay magsisisi ka. Huwag mo akong subukan, ma'am. Itong matandang lalaki na kaharap mo ngayon ay marami siyang kayang gawin na talagang magugustuhan at hahanapin mo," mahabang litanya niya. Tumaas ang kilay ko nang bumaba ang mga mata nito sa mga labi ko. "Manyak..." sigaw ko. Pero sa halip na tumigil siya ay muli na naman siya humakbang papalapit. Napalunok ako at napaatras. "Huwag kang lalapit. Hanggang diyan ka lang. Sige, isang hakbang mo pa at sisigaw ako," kinakabahan na sabi ko. "Sumigaw ka hangga't gusto mo. Baka gusto mong samahan pa kitang magsumbong sa Tatay mo," matapang niyang sagot. Napasulyap ako sa loob ng kusina. Wala ni isang tao doon. "Ang tanda mo na pero pumapatol ka pa rin sa bata," tanging sagot ko at saka nag-iwas ng tingin. Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang mainit niyang hininga na tumatama sa tapat ng taenga ko. Napalunok ako at pakiramdam ko ay tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. "Umayos ka, Akhira. Matanda man ako sa edad pero nasisiguro ko sa'yo na malakas pa sa kabayo ang katawan ko. Pumapatol ako sa mga batang katulad mo kaya huwag mong ubusin ang pasensiya ko," bulong niya sa tapat ng taenga ko. Pakiramdam ko ay mabilis na natuyo ang lalamunan ko dahil sa mainit niyang hininga na para bang kumiliti sa buong katawan ko. "Hm! Ang bango mo," dagdag niyang bulong sabay pisil sa pang-upo ko kaya napasinghap ako. Nang matauhan ako ay malakas ko siyang itinulak palayo sa akin. Tumaas ang palad ko at akmang sasampalin siya dahil sa kabastusan nito pero maagap niyang nasalo ang pulsuham ko. "Huwag mo nang subukan. Tandaan mo, magmula sa araw na ito. Isang bayolenting galaw mo ay may katumbas na parusa," sabi niya at saka muling ngumisi. Nagsalubong ang kilay ko at masama siyang tinitigan. "At sino ka sa tingin mo para parusahan ako, huh?" Inis na sigaw ko. "Sino ako? Ako lang naman ang inaasahan ng pamilya mo para patinuhin ka," sagot niya. Puno ng kumpyansa ang kanyang tono. "Ikaw? Magpapatino sa akin? Nagpapatawa ka ba? Kasi kung oo? Congratulations, nagwagi ka dahil natawa ako sa biro mo," pabalang kong sagot. Tumaas ang kilay niya habang pinagmamasdan akong tumatawa. At nang bumaba ang paningin niya sa mga labi ko ay natigilan ako. "Manyak..." inis na sigaw ko bago tumalikod sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napakagat labi ako. Putek! Ang sexy ng tawa ng matandang ito. My God! Nanganganib yata ang kweba ko. Tsk! Hindi ako maaakit sa tawa ng tandang manyakis na ito. Ipagkakasya ko na lang ang sarili ko sa panonood ng porn kaysa naman sa magpadilig sa kanya. Sa edad niya, baka mabitin pa ako. Mahirap nang mabitin. Gusto kong sulit ang unang tikim ko. Kaya nga ako nanonood ng porn para maging eksperto sa bagay na iyon at para hindi na ako kailangan turuan ng magiging partner ko. "Anong iniisip mo? Free taste ako kung gusto mo," bulong niya dahilan para bumalik ako sa tamang huwisyo. Putek. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang nag-iimagine. "Kahit free taste ka pa, huwag na. Salamat na lang. Ayaw kong mabitin," wala sa sariling sagot ko. Mabilis kong natakpan ang bibig ko dahil sa pagkapahiya pero huli na. Ang matandang manyakis ay tumatawa na sa harapan ko na para bang aliw na aliw sa akin. Tang*na niya. Talagang mapapamura ako sa subrang panggigigil. Maaga ata akong tatanda nang dahil sa kanya. Hindi siya pweding magtagal sa serbisyo. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapalayas siya. "Aray..." sigaw ko nang pitikin niya ang noo ko. Masakit ang noo ko kaya alam kong namumula na iyon. Walang hiya. Ang lakas ng loob niyang saktan ako kahit kadarating pa lang nito. "Kung ano man ang nasa isip mo ay huwag mo nang ituloy. Hindi ako katulad nila, ibahin mo ako dahil hindi ako marunong umayaw," seryosong sabi niya. Natigilan ako sa pag haplos ng masakit kong noo nang dumapo doon ang palad niya. Pinanood ko ang sunod niyang ginawa at napalunok na lang ako ng sariling laway nang dampihan niya ng halik ang bahaging pinitik niya. "Sorry," aniya. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ang pandinig ko, pero para bang kakaiba ang lambing sa tinig niya. Tila ako na-hypnotize at hindi magawang gumalaw o magsalita man lang. Tulala lamang akong nakatitig sa kanya na mariin ding nakatitig sa aking mga mata. "Late na. Sige na, magpahinga ka na," nakangiti niyang sabi. Nang hindi pa rin ako gumalaw ay itinulak niya ako dahilan para magising ang diwa ko. Putek. Anong nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD