Akhira's Pov Kinabukasan ay nagising ako dahil sa panggigising ng isang boses. Naka-ilang tawag iyon bago ko binuksan ang aking mga mata. Marahas akong napabuntong hininga nang mapagtanto na ang katulong iyon. Tumingin ako sa loob ng aking kwarto, umaasang makita sa sulok si Adrian. Mas nadagdagan ang pagiging tamad ko sa araw na iyon nang hindi masilayan ang mukha ni Tanda. "Akhira, gising ka na ba?" Narinig kong sabi ulit ng boses mula sa labas ng kwarto. "Opo, manang. Gising na..." tinatamad na sigaw ko. Umupo ako sa ibabaw ng kama hanggang sa tuluyang magising ang aking diwa. Ilang sandali pa ay muling may kumatok sa pintuan. "Bukas iyan," sigaw ko. Ilang segundo lang ay bumukas na iyon at iniluwa nito si Manang Beng. "Akhira, maghahanda ba ako ng agahan mo?" tanong nito. Na