Chapter 1
C1 TRSB
“Dad!” sigaw ko kay Daddy ng makita ko siya sa labas ng school namin, tumakbo ako papunta sa kanya dahil masaya akong nakita siya na sinundo niya ako sa school namin. Lagi kasi siyang busy sa office, kaya wala na siyang time sa akin.
Simula pagkabata ay si Daddy na ang kasama ko, dahil bata pa lang ako ng mawala si Mommy. Ang sabi ni Daddy na aksidente raw sila noon kaya nawala si Mommy. Nang makalapit ako kay Daddy ay agad akong yumakap sa kanya.
“Dad, masaya ako at ikaw ang nagsundo sa akin ngayon,” masaya kong sabi sa kanya habang yakap ko pa rin siya.
“Gusto ka kasi makita ng Tita Rose mo,” sagot ni Daddy kasabay ng paglabas ng isang babae sa frontseat ng kotse. Nagtaka naman akong napatingin kay Dad, dahil simula ng bata ako, ngayon lang siya may pinakilala sa akin na babae.
“S-sino po siya Dad?” taka kong tanong kay Daddy.
“Anak, Sha, siya ang magiging Mommy mo,” ngiting wika ni Daddy sa akin sabay hawak niya sa kamay ng babaeng lumapit sa amin. Nailing naman akong tumingin sa kanya.
“Pero Dad, hindi po ba sabi mo, hindi ka na maghahanap pa ng ibang babae? H-hindi ko naman kailangan ng Mommy Dad,” naiiyak kong wika sa kanya.
“Iha, mahal ko si Tita Eli mo, matagal ng wala ang Mommy mo, kaya pwede ba anak, pagbigyan mo naman si Daddy. Alam kung naguguluhan ka pa ngayon, pero mas masaya ang pamilya natin kapag marami tayo kasama sila,” paliwanag sa akin ni Daddy.
“S-sila?” sambit ko sa kanya.
“Elias anak, halika ka rito ipakilala kita sa kapatid mo.” Napatingin ako sa kotse ng bumaba roon ang isang lalaki, sa tingin ko ay mas matanda siya sa akin. pero teka lang k-kapatid ibig sabihin may kapatid ako.
“Marga, ako si Tita Eli mo, pwede mo rin akong tawaging Mommy, siya rin si Kuya Elias mo, anak ko siya kapag kasal na kami ng Daddy mo maging Kuya mo na siya,” ngiting wika niya sa akin. habang kunot-noo naman akong tiningnan ng anak niya.
Gusto ko sanang tumutol sa desisyon ni Daddy dahil ayaw ko sa kanila at ayaw ko rin na maging kapatid ang pinakilala nila sa akin pero wala akong magawa. Alam kong hindi ako pakinggan ni Daddy.
Habang sakay kami sa kotse ni Daddy ay masaya naman nag-kwentuhan si Daddy at Tita Eli. Ang sabi ni Daddy magpapakasal na raw sila sa susunod na buwan at habang naghihintay sila sa kanilang kasal. Sa bahay na titira si Tita, kasama ang anak niya kapag kasal na sila ni Daddy.
Nilingon ko naman si Elias habang busy ito sa kanyang phone.
“Why are you looking at me?” asik niya sa akin habang nasa phone pa rin ang kanyang paningin. Hindi ko naman mapigilang magulat sa kanya, dahil paano niya napansin na tinititigan ko siya eh, hindi niya naman ako tiningnan.
Agad ko namang nilingon ang bintana at hindi siya sinagot. Napansin ko naman na nasa bahay na kami at binuksan na ng guard ang malaking gate namin.
Nang huminto ang kotse ay agad akong bumaba, ganoon rin si Dad at Tita pati na rin si Elias. Tahimik naman akong sumunod sa kanila habang sinalubong kami ng mga katulong namin at ipinakilala ni Daddy sa kanila si Tita at ang mayabang niyang anak. Nayayabangan ako sa kanya dahil sa pananalita niya at tingin niya sa akin. akala mo kung sino siya, tse! Makikitira lang naman sa bahay namin.
Busy naman si Daddy at Tita sa pakikipag-usap sa mga katulong kaya nagpasya na akong umakyat na muna sa taas. Nang mabuksan ko ang aking kwarto ay agad kong tinapon sa sofa ang aking bag at humiga sa kama. Tumingala ako sa kisame habang napabuntong hininga. Unti-unti ring pumatak ang aking mga luha sa mata dahil nasasaktan ako sa desisyon ni Daddy. Ayoko sana siyang mag-asawa pang muli.
“What are you doing here?” agad akong napatayo ng makita ang anak ng magiging asawa ni Daddy. Ano kaya ang pumasok sa utak niya at bigla na lamang siyang pumasok sa room ko.
“Your room is nice,” aniya sabay higa sa aking kama, tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinila. Napatili ako ng bumagsak ako sa kanyang dibdib.
“Pervert!” sigaw ko sa kanya at mabilis na umalis sa kanyang ibabaw. Matalim naman ang aking mga mata na tumingin sa kanya, dahil pangiti-ngiti lamang siya habang nakatitig sa akin.
“Tsk, do you know what pervert means?” aniya habang ang kanyang mukha ay madilim.
“Pwede ba lumabas ka na Kuya.” madiin kong wika sa kanya, habang ang kanyang noo ay nag-sasalubong.
“Kuya huh!” aniya habang tumayo siya.
“Elias, Iho anong ginagawa mo riyan?” Napatingin ako sa pinto ng makita si Tita Elizabeth, oo Tita pa rin ang tawag ko sa kanya dahil ayoko siyang tawaging Mommy at isa lang ang Mommy ko.
“Naligaw lang ako Mom, akala ko kasi ito ang banyo,” naiinis naman akong tumingin sa kanya habang naglalakad siya papunta sa pinto. Ang ganda naman ng room ko para maging banyo. Palibhasa kasi mahirap lang siguro sila kaya hindi niya alam ang pinagkaiba ng banyo at ng magandang room.
*****
“What Dad! Dito na sila titira? Akala ko po hindi pa sila ngayon lilipat? ‘di ba hindi pa po kayo kasal ni Tita?” hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sinabi ni Daddy na rito na titira sila Tita at ang mayabang niyang anak.
“Iha, habang hinihintay namin ang aming kasal, gusto ko na kasi na makasama ang Tita Eli mo,”
“Pero Dad.”
“Anak, please matanda na kami, alam na namin ang mga bagay na dapat naming gagawin,” paliwanag ni Daddy sa akin. napahawak naman ako sa aking noo habang iniisip ang magiging buhay namin kasama sila. Sa totoo lang ayoko talaga si Dad na mag-asawa pa, pero wala na akong magawa para pigilan siya.
“At isa pa anak dapat maging masaya ka, dahil may Kuya ka na, nandyan si Elias para magbantay sa’yo kapag wala ako rito,”
“Dad! Hindi na po ako bata para bantayan pa niya,” hindi ko mapigilang mainis dahil sa sinabi ni Daddy, isa pa masyadong hambog ang Elias na ‘yon, kararting nga lang nila kanina rito sa bahay namin kung umasta siya ay parang siya na ang nagmamay-ari rito.
“Anak, kailangan mong makipag-sundo sa Kuya Elias mo, dahil balak nmin ng Tita Eli mo ang magbakasyon at kayo lang ng Kuya mo ang maiiwan dito,” Namilog ang aking mga mata sa sinabi ni Daddy sa akin, bakit ba kasi nila naisipan na magbakasyon at iwan pa niya ako sa Elias na mayabang na ‘yon.
“Dad, nandito naman po sina Manang, bakit po kailangan mo pa akong pabantayan ni Elias?”
“Kuya, Marga. Ayaw ko nang marinig pa ang pagtutulol mo, sa ayaw at sa gusto mo sundin mo ang Kuya mo habang wala kami rito.” Napapikit ako sa aking mga mata at agad lumabas ng pinto sa library ni Daddy, kahit anong gawin ko ay hindi na niya ako pakikinggan pa. pinunasan ko naman ang aking luha sa aking mga mata ng patuloy ang pagbagsak nila sa aking pisngi. Dati kung anong sasabihin ko kay Daddy ay sinusunod niya ako, pero ngayon. Napailing ako habang pumasok ako sa aking kwarto. Sana hindi na lang niya nakilala si Tita Eli, dahil nag-iba na si Daddy simula ng makilala niya ito.
“Marga, makinig ka sa Kuya mo, ‘wag kang masyadong pasaway sa kanya,” bilin sa akin ni Daddy habang humalik siya sa aking noo.
“Opo Dad,” sagot ko sa kanya habang niyakap ko si Daddy, ngayon pa lang ay miss ko na siya dalawang buwan kasi silang mawawala ni Tita dahil magbabakasyon sila sa ibang bansa. Ang company naman namin ay kay Elias iniwan ni Daddy. Wala naman akong tiwala sa kanya dahil baka hindi siya marunong magpatakbo ng companya.
“Iha, mag-ingat kayo dito ng Kuya mo,” ngiting wika ni Tita habang humalik siya sa aking pisngi. Tanging ngiti naman ang sagot ko sa kanya. Napansin ko naman si Elias na tahimik lang sa aking tabi habang tinapik siya ni Daddy at humalik sa kanyang pisngi ang kanyang Mommy.
Kumaway ako kila Mommy at Daddy habang sumakay na sila sa kotse.
“Pumasok ka na.” ma-awtoridad na utos sa akin ni Elias kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng isa kong kilay. Dahil kaalis nga lang ni Daddy ganito na niya ako kausapin.
“Bingi ka ba?” ulit niyang sabi sa akin.
“At paano kung ayaw ko?” sagot ko sa kanya habang nakataas pa rin ang isa kong kilay.
Kumunot naman ang kanyang noo habang titig na titig sa akin.
Nakita ko naman siyang naglakad palapit sa akin kaya kumunot ang aking noo, habang nakatingin sa kanya.
“Anong gagaw-. Ahhh! Ibaba mo ako Elias!” sigaw ko habang hinampas ang kanyang likod, dahil bigla niya lang akong isinampay sa kanyang balikat.
“Don’t move if you don’t want me to throw you.” aniya sabay palo sa aking pang-upo.
“Walang hiya ka, Elias! Wala kang karapatan gawin sa akin ‘to!” galit ko namang sigaw sa kanya.
“Before but now I have the right.” anong sinasabi niya? anong karapatan? Nababaliw ba siya hindi ko naman talaga siya Kuya at hindi ko siya kapatid at kahit kailan hindi ko siya matatanggap bilang kapatid.