VON DREW'S POV
"Sir, your brother wants to talk to you." bungad sa'kin ni George habang busy ako sa pakikipagchat sa latest girlfriend ko. I mean, magiging girlfriend ko na maya-maya.
Diana Ross, a commercial model. Sexy, alluring at higit sa lahat, 36-24-36 ang vital stat. Phew!
"Tell him im not around." Bored na sagot ko sakanya habang nagtatype ng bagong message para kay Dianne.
Me: Chicharon ka ba?
Napangisi ako habang hinihintay ang reply nya. Alam na alam ko ang kiliti ng mga babae. Kahit literal na 'kiliti' ay alam na alam ko rin.
Ilang sandali pa lang na nakakaalis si George ay bumukas na ang pinto ng office ko at bumungad ang kunot nuong mukha ng Kuya ko kasunod si George na hindi alam kung anong sasabihin.
"I'm sorry, Sir pero nagpumilit po syang—"
"Leave us alone, George." pigil ko sa sasabihin nya. My brother knew me very well. Very very well actually.
Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto ay nagsalita agad ako. I knew exactly what brought him here. And I am not really up to a boaring arguments right now. Mas mayroon pang kuwenta ang mambola ng babae kaysa pag-usapan ang walang kwentang si Kyle Chen.
"So, what brought you here, Kuya?" kunwari ay bored ng tanong ko.
"Don't ask as if you really don't know why I’m here." mariing sagot nito. I can’t help but grin. You know me too damn well, huh?
"If it's still about the bastard cousin of your girlfriend, I’m very sorry to disappoint you, Kuya.. I’m not interested to even talk about it." I made it sound like I am bored already.
"Tell me, Vodie. Did he make something to upset you? Kyle is a good person and a fair businessman. You shouldn't treat him like this. And let me remind you that business is business, kaya kung may personal kang galit sakanya, just leave it to the both of you."
Nakita kong may nag-pop up na reply galing kay Dianne.
Dianne: Huh? Bakit?
Napangisi ako at excited na nagtype ng message.
Me: Ang sarap mo kasing papakin. :)
Then i pressed the ENTER button.
"Vodie!" mariing tawag ni Kuya. Umangat ang isang kilay ko at umayos ng upo.
"What did you say?" maang na tanong ko sakanya. Actually, narinig ko yung sinabi nya. Hindi ko lang ma-take yun kaya binalewala ko nalang. Good person? Fair businessman? That doesn’t define even the tip of that bastard’s finger.
Inis na napahawak sya sa ulo at napahilot sa sentido.
Back off, Kuya. Wala kang magagawa kung ayaw ko. Kung gusto nya, kay Kuya sya magproposed ng deal pero mukhang malabo yun dahil cars ang business nya at foods naman ang hawak ni Kuya.
That’s off.
"Set an appointment with Mr. Chen and try to review his proposals." mariing utos nito. Napatingin ako sakanya bago sumagot.
"Try? Fine. All I have to do is try to review his proposals, right? At pag hindi pumasa sa'kin, pasensyahan nalang, Kuya." Determinado kong sabi.
He gave out a sharp look bago nagsalita.
"I already reviewed his proposals at wala akong nakitang mali dun. At kung tatanggihan mo man yung proposals nya, just make sure na kaya mo yung i-defend sa'kin dahil hindi ako mag-aatubiling hingin ang opinion ni Daddy dito." final sa sabi nito at tuloy tuloy na lumabas ng opisina ko. I just shrugged my shoulders.
"As if takot ako kay Daddy." napapailing na bulong ko nang makaalis sya.
Isa lang naman ang kinatatakutan ko eh. That one person who can intimidate and control me.
Si Lolo.
Sinusubukan talaga ako ng Kyle na yun, huh? Well, kailan ba sya nanalo sa'kin? Ang akala ba nya porke malakas sya sa Kuya ko ay mahahawakan na nya ako sa leeg?
Dream the f**k on, man!
Nagkakamali ka kung yun ang iniisip mo, Kyle Chen.
Gusto mong makipaglaro sa'kin? Pagbibigyan kita. Pero, bago yun, uunahin ko munang agawin ang girlfriend mo.
Napangisi ako nang mabasa ang reply ni Dianne. Yeah, she's Kyle's latest girlfriend. Bukod kasi sa pagiging sikat na model nito ay isa rin itong anak ng multimillionaire businessman.
Nagtype ako ng message na alam kong hindi nya matatanggihan.
Me: Can we talk about our business over lunch? Hassle kasi kung dito sa chat.
Napasuntok ako sa hangin nang mabasa ko ang reply nya.
Dianne: Okay, see you later, handsome! ;)
Napatayo ako at nag-inat inat.
"Let the game begins. Yebah!"