Chapter 7

2825 Words
Di mawala-wala sa labi ko ang mga ngiti, may posibilidad kayang gusto rin ako ni Kuya Justine? Napangiti ako sa isipin, napanguso ako muli upang pigilan ang pagtaas ng gilid ng labi ko. "Hoy! Anong ngingiti-ngiti mo dyan?" Sita sa akin ng bestfriend kong si Gail. "In-love ka, no? Hmm let me guess, nag level up na ba kayo ng crush mong mama?" Kung makamama naman to para namang ang tanda-tanda na ni Kuya Justine. "Kung maka-mama ka! Ang gwapo kayang mama nun! Para nga lang kaedad ko yun, eh sa fresh ng mukha mukha!” Pagtatanggol ko kay Kuya Justine. “So, kayo na?” “Hindi... " ‘di ko muling napigilan ang sarili kong mangiti ako, pinanliitan nya ko ng mga mata. "Naku! Yang mga ngiti mong yan Reynalyn Marie, kabisado na kabisado ko na, kinikilig ka!" Ang hintuturo nya'y nakaturo malapit sa mukha ko, ‘di ko mapigilang matawa, ‘di ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ang sarap na lang din tumawa. "Was it because of Kuya Troy's friend?" Natawa pa akong lalo when she put her both hands on my both shoulders sabay yugyug sa aking mga balikat. "Tell me, Reign! Tell me- Aray!" Hinawakan nya ang kamay ko ng pabirong sinabunutan ko sya. "Ang OA mong bruha ka!" natatawa kong saad rito sabay bitaw sa buhok niyang sinabunutan ko. "Totoo nga no? Sabihin mo na nga kasi!" She stared at me, I stared at her, ngunit kahit ganun lang ginawa naming dalawa ay nagkakaintindihan kami kaagad. "’Di nga? Seryoso?" nanlaki ang mga mata nito. "Hindi! Pero parang may something na siya sa akin. I don't know, ayokong mag assume, but…" kinuha ko ang phone, pinakita ko sa kanya ang conversation namin ni Kuya Justine. "Ano sa tingin mo?" Kinuha nito ang phone mula sa kamay ko, nakangiting binasa nya ang convo namin dalawa ni Kuya Justine. "Hoy! Ano sa tingin mo nga!” Sita ko ng hindi niya ako iniimik nanatiling nasa screen ng phone ko ang atensyon niya. “Sagutin mo ko Gail! May pag-asa kaya?" "Alam mo, ang manhid mo! Of course! s**t! Pati ako kinikilig! Bet ka pang maging asawa! Shocks!" ako naman ang sinabunutan nya, nagsisi tuloy akong pinakita ko pa sa kanya. Nakalimutan kong mapanakit din pala itong bestfriend ko kapag kinikilig pareho kaming dalawa. I pulled some strand of her hair also upang awatin ito, habang natatawa. She let go of my hair. “Sandali lang." naalarma ako ng biglang mapatype ito sa cellphone ko, nakangiti pa nga, mas kinikilig pa yata kaysa sa akin. "Hoy! Ano ginagawa mo?" sinubukan kong bawiin ang cellphone kong hawak nya ngunit bigla itong tumayo at itinaas ang cellphone ko. Nang tumayo ako ay tumakbo ito palayo upang wag kong maagaw pabalik ang phone ko. "Mapapatay talaga kitang bruha ka!" Hinabol ko sya ngunit nang huminto ito ay kusang loob na nitong sinauli ang cellphone ko pabalik sa akin pero yong mga ngiti nya talagang ‘di mapagkakatiwalaan, nakakakaba, yong ngiting alam mong may ginawang ‘di maganda. Dali-dali kong tiningnan kong ano ang tinype nya sa phone ko, nanlaki ang mga maya ko kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. ‘Do you mean, bet mo kong maging asawa? Yong totoo? Don't worry gusto ko rin.’ mas domuble pa ang bilis ng t***k ng puso ko ng makitang nagtatype na si Kuya Justine. Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Gail. "Gail naman eh!" parang gusto ko ng umiyak sa ginawa nya, ano na lang sasabihin ni Kuya Justine. Nag-peace sign lang ang bruha sabay ngiti, ngiting nagsosorry. “Naman kasi!” Nalipat ang tingin ko sa cellphone ng biglang tumunog ito, ‘di ko alam kong babasahin ko ba o ano? Natatakot ako sa maaaring reply ni Kuya Justine kaya inabot ko kay Gail ang phone ko. "Ikaw bumasa nito! Bruha ka! Magpaliwanag ka!" Lumapit si Gail, she looked so guilty, inabot niya ang cellphone ko. Nagmartsa ako pabalik sa upuan ko ngunit bago pa man ako makaupo sa silya ay nagulat ako sabay lingon kay Gail nang biglang tumili ito, maging ang iba naming mga kaklase ay napalingon din sa kanya. "s**t!" Tili muli nito. Nacucurious na tuloy ako sa reply ni Kuya Justine ng mapa talon-talon si Gail dahil sa kilig. Patakbong lumapit ito sa akin."Tingnan mo Reign bilis!" ‘So, does it mean, it's okay with you, if I court you?’ "Aaaaackkkk! Kakakilig!" habang nangingisay sa kilig si Gail, nanatili naman akong nakatulala. Ayaw pang magsink-in sa utak ko ang nabasang reply mula kay Kuya Justine. Hinablut ko mula sa kamay ni Gail ang cellphone ko na hawak niya at binasang muli ang reply ni Kuya Justine. Sinisigurado ko kung tama ang nabasa namin dalawa ni Gail. Ilang ulit kong binalikan ang bawat kataga ng text niya at makailang ulit akong pabalik-balik sa pagbabasa sa buong mensahe ngunit sadyang walang nagbago sa pagkakaintindi ko, gusto niya akong ligawan, s**t! Taliwas sa inaasahan ko na gugulong ako sa kilig kung sakaling mangyari ang inaasam ko ngunit ngayong nangyari na nga ay tila parang natulos ako sa aking kinatatayuan, kay bilis ng takbo ng puso ko, nakakahingal. "Haba ng hair mo beb!" napaupo na lamang ako sa silya, nakatitig pa rin ako sa screen ng cellphone ko. "Hoy! Nakatulala ka dyan! Replyan mo na ng Oo! Baka magbago isip, bahala ka." Umupong muli si Gail sa tabi ko. "Gusto mo ako magreply?" agad kong niyakap ang cellphone ng marinig ang sinabi nito dahil alam kong may binabalak na naman itong bruhildang kaibigan ko. "Bruha ka! Pero in fairness may pakinabang ka pala." ‘Di ko na napigilan ang sariling mangiti. "Galit-galitan ka pa kanina bruha ka! Ikaw rin naman lang din ang nakinabang sa kabaliwan ko! Aaaack! Mas ako yata di maka move on sa inyong dalawa! Haba ng hair mo talaga beb! Kahit apakan mo ko today, okay lang! Basta maid of honor ako pleas-" napatigil kami pareho ni Gail ng biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Nagkatitigan kaming dalawa. "Tingnan mo dali baka wrong send lang yong una! Aray Reynalyn, ha! Nakai-lan ka na!" reklamo nito ng muli ay sinabunutan ko sya. Natakot na tuloy ako na muling tingnan ang mensahe nito ngunit ganun pa ma'y binuksan ko pa rin. ‘It isn't a prank, right? coz I'm damn serious…’ Yong puso ko ‘di ko na talaga mapigil parang gusto ng lumipat dahil sa lakas ng kabog nito. Wala sa sariling napahaplos na lamang ako sa dibdib kong kanina pa kumakabog, nagbabakasakali na mapakalma ko ang naghuhurumintado kong puso. "Pahingi ng isang Kuya Justine please!" napahawak si Gail sa magkabila niyang pisngi. Tila nag daydreaming. "What shall I say?" I asked her. Alam ko namang kay daling sabihin ng Oo, okay lang, pero ewan ko ba bakit kung nasa akto ka na kay hirap palang gawin. "Ikaw? Ano bang gusto mong sabihin? ‘Di naman sa akin nanliligaw yan! ‘Diba crush mo yan matagal na? Mag pakipot ka pa ba? Pero of course wag mo munang sagutin, paligaw ka muna para makita mo kung seryoso nga." Napatitig ako kay Gail, napaisip kung ano ang e rereply, napabuntong hininga muna ako bago magsimulang mag type. ‘Sige po…’ "Wag mo namang e po! Manliligaw na nga!" Oo nga no? Buti at ‘di ko pa na send, binura ko muli. ‘Pwede naman, hihi.’ "Naku! Para ka namang nag aalinlangan nyan, napipilitan te? At ang jeje lang,huh." binura ko muli ang tinipa ko. ‘Oo naman! Kailan mo ba balak simulan?’ "Aaaacccckkk! Go bestfriend! Go bestfriend! Goooo bestfrieeend! I'm so proud of you!" Bruha talaga tong katabi ko! Napakanta pa nga! Pikit matang pinindot ko na ang send button. Biglang dumating ang sunod na teacher namin, kaya itinago ko muna sa bag ang cellphone ko. Narinig kong tumunog muli ito, nagkatinginan kami ni Gail. Balak ko sanang silipin muli ngunit nagsimula na ng magsila ang sunod na guro namin. "Get a one-half lengthwise sheet of paper, we’ll be having a long quiz today!" "Lengthwise po maam?" narinig ko pang sigaw ng kaklase ko sa likuran. Buti na lang at nakapag aral ako the night bago ang trip. Marami-rami rin ang mga nasagutan ko kahit pilit na naaagaw ang isip ko sa maaaring mensahe ni Kuya Justine. Ilang beses akong natukso na kunin sa bag ko ang phone ngunit pinipigilan ko lang ang sarili, takot na baka makita ako ng teacher namin. Sunod-sunod na pumasok ang mga subject teacher ko kaya ‘di ko na natingnan pa muli ang mensahe at nang nang marinig ko ang bell ang saya ko, hudyat na uwian na, muntikan pa akong mapatayo. "Tingnan mo na yung phone mo, bilis!" utos sa akin ni Gail, tila mas excited pa ito kesa sa akin. Sinunod ko ang sabi nito dahil katulad niya’y kanina ko pa rin gustong basahin ang reply ni Kuya Justine. Dali-dali kong kinuha ang phone mula sa dala kong bag, kli-nik ko ang power button sa gilid, umilaw ito, tinipa ko muna ang password at agad tumambad sa mga mata ko ang naka-open na na-convo namin dalawa. Mabuti na lamang at nakaupo pa ako kasi biglang lumambot ang mga tuhod ko ng mabasa ang mensahe nya. ‘I wanted to court you so badly, the very first time I saw you, but you were just thirteen years old at that time. How I wish I had courted you before… We might be celebrating our fifth monthsary this year. Balak ko sanang ligawan ka when you turn eighteen but damn! Papalagpasin ko pa ba ang chance na to?’ "Aaaaaaackkkk!” Tila nakukuyenteng tili ni Gail. “Omuo ka nalang Reign! Five years ka na palang bet n’yan! Ang galing niyong magtago ng feelings na dalawa! Aaaaackkkk! Kinikilig ako, hayop!" Patuloy na tili ni Gail. "Hoy ang ingay mo!" It was Clyde, number one enemy ni Gail. Natigil ang pagtitili ni Gail at masamang tinitigan si Clyde. "Paki mong pangit ka!" Tumawa lamang si Clyde, at nagpatuloy palabas ng classroom. Muli ay binaling ni Gail ang atensyon sa akin. "Ano na beb? Oo ka na?" ang kulit rin nito, e. "Huh? Easy to get ko naman beb kung sasagutin ko agad. Hindi pa nga nanliligaw." saad ko. Muli ay tumunog ang cellphone ko. Sabay na tiningnan namin ito ni Gail. ‘Can I ask you out on a date?’ Napangiti ako sa reply nito. Napatingin muli ako kay Gail. "Ano erereply ko? I'm sure ‘di ako papayagan, si Kuya Troy pa ba?" "Mahirap nga yan..." "Magcutting-" "Hindi! I won't tolerate that! Hayaan mo siya maghanap ng way no!" saway sa akin ni Gail. Hindi sangayon sa suhestiyon ko. ‘Sorry, I can't... Alam mo naman si Kuya diba?’ Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin nagrereply si Kuya Justine. Panay pa naman ang silip ko sa phone ko kung may bagong message mula sa kanya ngunit wala talaga. Nakauwi na ko ng bahay, kumain, nakaligo at nakapag bihis na rin ngunit wala pa ring mensahe mula sa kanya. ‘Di ko maiwasang magalala at manghinayang kung sakaling umatras na lamang itong bigla. ‘Di kaya'y natakot na ito kay Kuya Troy ko? O baka narealized nya na napakakumplikado ng sitwasyon naming dalawa? Tanong ko sa aking isipan. Umupo ako sa kama, pumailalim ako sa kulay purple ko na comforter. Sinandal ko ang likod sa headboard ng kama ko. Inabot ko ang phone ko sa gilid, sinilip ko muli kung may mensahe ito ngunit bigo muli ako ganun pa ma’y naghihintay pa rin ako at nagbabakasakali na mag reply hanggang sa nakatulog ako na ang paghihintay. Kinabukasan unang-una kong sinilip ang message box ng cellphone ko, excited pa rin akong malaman na baka may mensahe na ito para lamang madismaya ako. Still wala akong nakuhang mensahe mula kay Kuya Justine. Panandaliang kilig lang pala yon. Naniwala naman ako agad. Ang rupok ko na nga, ang dali ko pa na nauto. Malamang pinagtatawanan na niya ako. I deleted our conversation. I blocked him in my Instabook. Isang linggo na nga ang lumipas. Isang linggo na rin akong broken hearted kahit wala naman talagang kami. I was inside our family car going home from school, napa-silip ako sa labas ng sasakyan ng makitang naghahakot ng gamit ang matagal na naming kapitbahay sa village na tinitirhan namin. "Kuya aalis na sina Tito Nestor po?" I asked our family driver. "Opo maam! Lilipat na daw po sila sa mas malaking bahay ayon ng kasambahay nilang si Kring." napalingon muli ako sa bahay. The house was quite big already. Nagkibit balikat na lamang ako. Pagpasok ng sasakyan sa mataas na gate ng bahay namin ay nagtaka pa ko kung bakit may hindi pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa bakuran namin. Bumaba ako ng sasakyan pagkaparada ni Kuya Junior sa may driveway sa mismong harap ng main door ng bahay namin. Nasa balikat ko ang isang strap ng gamit kong backpack. Hinay-hinay ang mga hakbang ko while was reading our class group chats. Natatawa na lamang ako sa kakulitan ng mga classmates ko. Nakangiti akong pumasok sa malaking pintuan ng bahay namin nang maagaw ang aking pansin at mapasulyap ako sa taong nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng newspaper. Bahagya ko lamang itong sinulyapan at muling ibinalik ang tingin sa screen ng hawak kong cellphone ngunit napatigil ako bigla! Agad na binalik ko ang tingin muli sa panauhin namin ng marealized na ang ‘di ko inaasahan na panauhin ay si Kuya Justine pala. Sa muli kong pagsulyap sa kanya ay nagtama na ang mga mata naming dalawa. He smiled at me, dahan-dahan nitong ibinaba ang hawak na newspaper. He was wearing a light gray long sleeve polo with both sleeves folded up to his elbows. Hapit na hapit ang suot nito sa kanyang katawan, nakabukas ang tatlong butones nito sa itaas na bahagi. Mapapamura ka na lamang sa angking kagwapuhan nito. Why is he so handsome? Ngunit muli ay naaalala ko bigla ang ginawa nya sa akin nung nakaraang linggo. Galit na tiningnan ko sya, nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Nag bawi ako ng tingin ng biglang tumawag si Gail. Agad kong sinagot ang tawag nito. "Hello Beb! Oo kararating ko lang, tawag ka nalang ulit, kakain muna ako , kumain ka na rin muna, ako na tatawag sayo around seven." Nagpatuloy ako sa paghakbang, ramdam ko ang mga titig nya, nilagpasan ko siya at tinungo ang hagdanan paakyat sa pangalawang palapag ng aming bahay. Nakasalubong ko si Kuya Troy sa gitna ng stairway. "O Reign, tamang-tama dumating ka na pagkatapos mong magbihis sabayan mo na kami ng Kuya Justine mo magdinner." "I'm full Kuya." palusot ko ngunit ang totoo ay ayaw kong makasabay o makita si Kuya Justine. "What did you eat?" "Basta-" "Magbihis ka sasabayan mo kami dahil mapapatay ako ni mommy kapag nagkasakit ka." Kahit naman gago ang Kuya ko ay may takot pa rin naman ako rito lalo pag seryoso. Nakita ko na lamang ang sariling kaharap si Kuya Justine sa mahaba naming lamesa. Ramdam ko ang palihim nyang mga sulyap. Minsan nga ay magtama ang mga mata naming dalawa. Ako ang laging unang nagba-bawi ng tingin. Both were talking about business, kaunti lamang ang naiintindihan ko sa mga pinag uusapan nilang dalawa. Naagaw ang atensyon naming lahat ng tumunog ang cellphone ni Kuya Troy. Inangat nito ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at tiningnan ang screen upang mapagsino ang tumawag. "Sasagutin ko lang muna to." pagkasabi ay agad na tumayo si Kuya Troy at iniwan kaming dalawa sa hapagkainan. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. ‘Di na ako nakatiis, tumayo na ako at tinungo ko ang sink upang maghugas ng kamay ngunit ganun na lamang ang kaba ko ng maramdaman sa likod ko si Kuya Justine. Na estatwa ako bigla. "Why did you block me in your Instabook account?" goosebumps as I felt his hot breath on my bare shoulder. Gustuhin ko mang sumagot ng pabalang sa kanya ngunit tila nalunok ko na pati ang sarili kong dila dahil ‘di na ako makapagsalita. Hinalukay nito ang buong laman loob ko as he slowly placed his right hand at the side of my waist, bahagyang nakaangat ang suot kong blouse kaya direktang nararamdaman ng balat ko sa tagiliran ang mainit at malaki niyang kamay and with just his simple touch tila nabuhay nito ang kung ano sa inosenteng katawan ko, ginugulo nya ang buong systema ko lalo na ng maramdaman ko ang paglapat ng matipuno nyang dibdib sa likod ko kasabay ang marahang pagpisil ng kamay nyang nakahawak sa baywang ko. I slowly closed my eyes as I felt the tip of his nose tracing my left shoulder up to my neck, I even titled my head, but as I felt his lips touching my skin. "K-uya…" "This would be the last time you gonna call me Kuya... or else I'm gonna call you my baby..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD