I never been so excited to go home like this before. Kung noon mas gustuhin ko pang manatili sa school at makasama mga classmates ko o kaya’y makipagbardagulan kay Gail kesa sa bahay dahil sobrang nakakalungkot mag-isa ngayon naman ay panay ang silip ko sa aking wrist watch upang tingnan kung ilang oras na lang ang natitira para mag-uwian. I couldn't wait to see him again. Sa katunayan ng marinig ko ang bell ay kay bilis kong napatayo. Inaya ko agad si Gail na lumabas na ng classroom kahit na makikipagsiksikan pa kami palabas kasabay ang mga classmates naming sobrang kukulit. Hila-hila ko sa isang kamay si Gail papunta sa parking lot kung saan naghihintay ang kanyang-kanya naming driver upang sunduin kami. "Hinay-hinay naman beb! Atat na atat umuwi o atat na atat makipagharutan!" Natawa