Pagkarating nila sa kanilang destinasyon ay dire-diretsong hinila muli ni Ethan ang kamay ni Kaye. Dumaan pa sila sa mga gilid-gilid na bahay. "Wait, Ethan, saan mo ba talaga ako dadalhin?" paulit-ulit na tanong ng dalaga ngunit nginingitian lang siya ni Ethan. Hanggang sa makarating sila sa napaka-white na buhanginan sa malawak na beach. Nanlaki ang mata ni Kaye at nagtatatalon sa sand. Tumakbo siya nang mabilis papunta sa dagat para lang basain ang paa. "s**t! Ang linaw ng tubig!" anang dalaga na hindi maipinta ang tuwa at saka umupo sa sand upang maglaro. Nahawaan ni Brix. Nakangiti siyang pinagmamasdan ni Ethan habang nakapamulsa ito bago siya lapitan. "Sorry, Kaye, sa lahat ng nagawa ko sa 'yo. Sa panloloko ko sa 'yo. Kung sino-sino ngang babae ang natusok ko. Hindi ko pala alam