Sinugod ang banyo hanggang sa mahagilap nila si Kaye na sirang-sira ang mascara sa mata kakaiyak. Wala na itong malay kaya sinugod na nila sa ospital. Pagmulat ni Kaye ay may nakakabit nang dextrose sa kamay niya at nandoon sina Kenji at k**i, pati na rin si Brix. "Gising ka na pala. Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Sinasadya mo ba talagang pahiyain ang pamilya natin!" sigaw ni k**i. Susugurin sana niya si Kaye upang sampalin ngunit pinigilan siya ni Kenji. Agad tumulo ang mga luha ni Kaye. "Kuya, hindi ba pwedeng umurong na lang ako sa kasal?" "Hindi na pwede. Nangako ka sa simbahan. Dapat noong nasa simbahan pa lang ay naisip mo na 'yan! Ano ba ang nasa isip mo at ginawa mo 'yan? 'Wag kang makasirili, Kaye. Damay-damay na tayo. Mapapahiya kami 'pag hinayaan ka namin. Ginawa ko naman ang