"Ikaw, hindi ko naman kailangan magpa-admit," tanggi ni Princess ng lumabas na si Chard.
"Kilala kita, sis. Hindi ka na babalik once na-discharge ka na kaya you might as well admit yourself here para makapagpahinga ka rin. Isa pa, nabalitaan ko na 'yung ibang doctor dito, ah, maliban kay Chard ay ubosado. Kailangan mo magbigay ng malaki sa kanila. Consultation pa lang nila magkano na. Eh, kay Chard magkano lang. Makakatipid ka pa. May pangdagdag ka pa sa capital mo sa business na gusto mo ipatayo rito. Oh, 'di ba? Kaya kay Chard ka na lang, siya na lang attending physician na kunin mo. Alam ko na may past kayo before because of what happened between you, pero isipin mo rin na mas kailangan mo ng capital sa business mo kaysa kumuha ka nang doctor na mataas maningil," bulong na sabi ni Rachel, convincing her friend more.
"She has a point. I will also lose some money to pay for the project I've been working on if I give it all for my hospital bills. But it's gonna be awkward kung siya ang magiging attending physician ko. Oh, whatever. Tiisin ko na lang siya kaysa magbayad ako nang malaki. Marami pa akong binabayaran na taxes ngayon," bulong ni Princess sa sarili niya na napaisip lalo dahil nasa katwiran ang sinabi nito.
"Huwag ka na mag-isip, sis. Pumayag ka na at wala ka rin choice," wika ni Rachel habang pinagmamasdan ang kaibigan na tila nag-iisip.
"Okay, fine. Payag na ako. Pero tell Nanny Deli to accompany me. Gusto ko siya ang kasama ko sa loob," mahinahon na sabi ni Princess na nakapagdesisyon na.
"No problem. Labas lang ako sadlit at kausapin ko si Chard. Sabihin ko payag ka na magpa-admit at siya na lang ang kukunin mo na attending physician mo. Okay?" nakangiting tugon ni Rachel.
"Sige," maikling replied ni Princess at napabuga siya nang hangin dahil napasubo siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon na wala naman sa mga plano niya.
——
"Ito po, room 418," sambit ng lalaki na nakasuot ng kulay green at binuksan ang pinto to let Rachel ang Princess see the room.
"Oh, it's big and very nice," komento ni Rachel na naunang pumasok na sa loob ng kwarto.
"Not bad," tanging sambit ni Princess at tumuloy na rin siya sa loob.
"Iwan ko na po kayo. Pahintay na lang po ng nurse na mag-a-assist po sa inyo," paalam ng lalaki at sinarado na ang pinto to leave the two.
"Sabi nga pala ni Chard aakyat siya rito mamaya. Halika na rito, sis, at mahiga ka na. Tatawag ako sa bahay at ipapahanda ko kay Nanny Deli mga gamit mo. Teka lang, ah," tinuran ni Rachel na hinila ang kaibigan sa kama, at saka kinuha ang phone para tawagan si Nanny Deli.
"Okay, go ahead," replied ni Princess na hindi na umalma at binuksan din ang phone niya.
"Hello, Nanny Deli, nandito pa kami ngayon sa hospital. Nagpa-admit na po siya at baka mangyari na naman ang nangyari sa kaniya kanina. Don't worry po, ilang araw lang naman po siya rito. Opo, Nanny Deli. Pahanda na lang po nang mga damit niya at babalik na po riyan si Alek, sumama na po kayo at kayo po ang sasama sa kaniya rito. Opo, Nanny Deli. Salamat po. Bye po," banngit ni Rachel sa phone at ibinaba na ito matapos makipag-usap kay Nanny Deli.
"Inaantok tuloy ako," wika ni Princess na tinabi ang phone sa gilid niya at pinikit ang mga mata niya nang maramdaman niya ulit ang kama.
"Sige na, matulog ka muna. Hintayin ko si Nanny Deli na dumating," ani ni Rachel na naupo sa katabing couch at hinayaan ito na makapagpahinga.
"Okay," walang-gana na tugon ni Princess at tuluyan na siya nakatulog since nagising siya na wala sa oras just because of her legs and feet cramps.
Nanahimik ang kwarto for a while nang may tatlong katok na dumating sa pinto, kaya naman napatayo si Rachel at binuksan ang pinto.
"Oh. Pasok kayo. Natutulog na si Princess at naabala tulog niya kanina dahil nga sa legs and feet cramps niya," wika ni Rachel at binuksan ng buo ang pinto para makapasok si Chard at ang isang babaeng nurse na kasama nito.
"Tulog na pala siya. Anyways..." sambit ni Chard pagkakita nga niya na nakapikit ang mga mata ni Princess. He then looked at Rachel. "Ito si Nurse Joy at siya ang in-charge sa kaniya. Kapag may concern kayo, you can say it to her para i-relay sa akin," anunsyo niya na pinakilala ang nurse na kasama niya.
"Hi, ako nga pala si Rachel," pakilala rin ni Rachel at ngumiti siya sa nurse.
Then, tumingin si Rachel kay Chard to talk to him sana nang mapansin niya ito na nakatingin kay Princess na para bang gusto niya ito lapitan. Napangiti tuloy siya sa itsura nang isa pa niyang kaibigan kaya naman tumingin siya ulit sa nurse.
"Um...Nurse, sorry, may canteen ba rito? Nauuhaw na kasi ako," tanong ni Rachel na hinila ang braso nang nurse at naglakad sila palabas ng kwarto.
"Ah...mayro'n po. Kaso sa ground floor pa po," sagot ni Nurse Joy na nagulat dito.
"Ay, okay, saan ba ang elevator dito? Paturo naman ako, oh," kunwaring paalalay ni Rachel hanggang sa nakalabas na sila nang kwarto at iniwan ang dalawa niyang kaibigan.
Samantala si Chard ay napailing ng ulo dahil napansin niya kung ano ang gustong mangyari ni Rachel. However, he did not complain at naglakad siya papalapit kay Princess. Pinagmasdan niya lang ito habang natutulog.
"This must be my lucky day. Siguro naman sa pagkakataon na ito ay hayaan niya ako na lumapit sa kaniya. Miss na miss ko na siya, kung alam lang niya. I will take this opportunity to ask for her forgiveness at alam ko na galit pa rin siya sa akin after what I've done. I'm so sorry for leaving you like that. Hindi dapat ako umalis kung kailan kailangan na kailangan mo ako," bulong ni Chard sa sarili na hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa dating nagawa niya rito.
Afterward, naalipungatan si Princess dahil may naririnig siya na nagsasalita. Unti-unti niya binuksan ang mga mata niya dahil dito at nakita niya si Nanny Deli at Chard na magka-usap sa left side niya.
"Ano ba ang ibig sabihin nito, anak? Sorry, hindi ko alam 'yang mga 'yan, eh," kamot sa ulo na banggit ni Nanny Deli habang nakatingin sa papel na hawak ni Chard.
"Ang ibig sabihin lang po nito, Nanny Deli, mataas ang sugar niya sa katawan at kailangan po niya mag-strict diet. Bawal po siya sa mga matatamis na bread, cakes, rice, at marami pa po'ng mga pagkain. Huwag po kayo mag-aalala at bibigyan ko po kayo nang list na bawal sa kaniya para bumaba po ang sugar niya sa katawan," maayos na paliwanag ni Chard kay Nanny Deli.
"What's going on?" tanong ni Princess na dahan-dahan naupo sa kama para lang malaman ang pinag-uusapan ng mga ito.
Napatingin tuloy si Chard at Nanny Deli kay Princess, at ng malaman nila na gising na ito ay pareho sila lumapit dito. Tumayo si Nanny Deli sa right side nito, habang si Chard ay sa left side nito.
"Good afternoon to you, mabuti naman at gising ka na. I already got your result na ginawa natin kanina and my prediction was right. You have a type 2 diabetes, which is why your feet and legs are swelling a little bit. But don't worry, it's still curable. All you have to do is to live a healthy lifestyle. And when I say healthy lifestyle, you need to follow a strict diet that I will recommend, or else you will have to drink metformin," anunsyo ni Chard while directly looking into her eyes.
"What? Type 2 diabtes? Ano 'yun?" curious na tanong ni Princess na walang kaideya-ideya kung ano ang pinagsasasabi nito
"Type 2 diabetes is a condition that happens because of a problem in the way your body regulates and uses sugar as a fuel. It means...you have too much sugar in your blood, which is not right. Kasi kapag mataas ang sugar mo sa katawan pwede ito magdulot ng hypertension na pwede mauwi si heart disease. At kapag napabayaan mo ang sakit mo, it could lead to more serious health problems like swelling ng ibang parts ng katawan mo na pwede mauwi rin sa amputation, or pagtanggal dito dahil sa sobrang pamamaga," sagot ni Chard in layman's terms para maintindihan nito lalo ang sinasabi niya.
"Okay. Ano naman ang metformin?" tanong ulit ni Princess na talagang nakikinig sa paliwanag nito.
"Medication 'yun na kailangan mo inumin to regulate sugar in your body. It's like you are going to have a maintenance, pero sa ngayon you don't have to take it kasi pwede pa madaan sa medication ang sakit mo. I will prescribe medicines na kailangan mo inumin para bumaba ang sugar mo sa blood. At isa pa pala, need mo bawasan kumain ng matatamis na pagkain, okay? It's a no, no. Sa ngayon, ang kailangan mo ay healthy food like vegetables. Hindi ka ba kumakain ng gulay? Or paminsan-minsan lang?" paliwanag ulit ni Chard sabay tanong dito.
"Um...seldom," nahiyang sagot ni Princess na umamin dito na naging dahilan kung bakit napaiwas siya nang tingin dito.
"Seldom? That is not very nice. Anyway, mabuti at nandito ka para ma-monitor ko ang blood sugar mo. From now on, you need to eat more vegetables at iwas sa mga oily food, red meats like beef and pork. Lalong-lalo na sa mga matatamis na pagkain, hindi pwede. Okay? Maliwanag ba? Nagkakaintindihan po ba tayo?" istriktong paalala ni Chard dito.
"Yeah," maikling sagot ni Princess na hindi nakatingin dito dahil napagsabihan siya nito na wala sa oras.
"Okay. Babalik ako maya-maya at may pasyente lang ako sa baba. Uminom ka nang gamot mo pagkatapos mo kumain, okay? May aakyat dito na pagkain, nagpadala na ako. Hindi pwedeng hindi ka iinom kung ayaw mo na mag-stay dito at hindi matuloy ang project na ginagawa mo. Okay? I shall return later," tinuran ni Chard na binilinan pa ulit ito, at saka lumabas ng kwarto para iwan ang dalawa.
"Hindi ba, anak, may gusto sa 'yo ang lalaking 'yun dati? Siya 'yung kasama niyo noon na gumagawa nang thesis sa mansyon dati," tanong ni Nanny Deli out of nowhere.
"Dati po 'yun, Nanny Deli, wala na po ngayon. Sige po, maupo na po kayo at parating na raw po ang pagkain," seryosong wika ni Princess at nahiga ulit sa kama niya na tumalikod dito para hindi makita nito ang lungkot sa mukha niya.
At dahil sa nabanggit ni Nanny Deli ay naalala ni Princess ang nangyari noon kung saan ay maayos pa ang samahan nilang tatlo, ni Chard at Rachel, pero dahil sa mga pagsubok na dumating ay nawala ang dating dikit nilang pagsasama. Siya at si Rachel ay naging maayos after a year. Ngayon naman ay may gap sa pagitan nila ni Chard simula nang iwan siya nito na kahit kailan ay hindi niya malimutan.
Napaluha tuloy siya sa mga nakaraan na gusto na niya malimutan pero dahil nagkita na naman sila ay parang unti-unti bumabalik ulit ang sakit na nararamdaman niya dati.
Itutuloy...