8- Feet and legs cramps

1551 Words
"Uy, sumagot ka, anong iniyakan ang sinasabi mo?" tanong ni Rachel sa boyfriend niya at siniko niya ito dahil bigla ito nanahimik. "Well, remember when Chard was chasing Princess to talk to her? But then, she ignored him and got married for the third time? Chard was devastated when he discovered that she got married again. Then when he got to know that they got divorced, he tried his luck to talk to her again but she just avoided him. Alam mo, ilang beses ko nakita ang kapatid ko na umiiyak just because of her. And for the past 8 years, kahit na tinuon niya ang sarili niya sa pag-aaral, he never forgets about her. Kapag umuuwi 'yang lasing, he would cry in his room so loud and shout her name that annoys me. Kaya nung dumating dito si Princess, tinext ko siya kaagad kasi I know na matutuwa siya. At least, nagkaroon siya nang break from his work kasi sa totoo lang, minsan na lang 'yan umuwi. Nakatira na 'yan sa hospital. Naaawa na nga ako riyan, eh. Ginugugol na lang niya ang sarili sa ibang bagay to keep himself busy para kahit sa kaunting sandali ay makalimutan niya ang pangungulila kay Princess," kwento ni Alek remembering what Chard did before. After marinig ang kwento ni Alek ay napatingin si Rachel kay Chard and a little pity brushed onto her. —— Gabi na nang nakauwi sila sa mansyon, at dahil super inaantok na si Princess ay napagdesisyunan niya na maligo na para makatulog na siya and just after 20 minutes ay lumabas na siya nang banyo. Pagkatanggal ng twalya sa ulo niya ay kaagad siya tumalon and she landed flat on her bed kahit na basa pa ang buhok niya, but she did not mind it because she was freaking tired. Kinabukasan, dumating ang umaga, nagising si Princess dahil biglang nagka-cramps ang mga legs niya kaya napaungol siya. "Ugh, my God!" she groaned at pilit na tinutuwid ang mga paa niya to counter her cramps. Sa kabilang banda, naglalakad paakyat ng hagdan si Rachel ng may narinig siya na ungol kaya naman mabilis niya pinuntahan ang kwarto nang kaibigan at kumatok dito kaagad. "Sis? Are you okay? Sis?" tanong ni Rachel na may pag-aalala at ilang beses na kumatok sa pinto nito. "Bukas 'yan!" sigaw ni Princess habang umaaray sa sakit ng legs niya. Kaagad naman na pumasok si Rachel sa kwarto ni Princess at nakita niya ang sitwasyon nito. "Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya curiously. "My legs...I'm having cramps," reklamo ni Princess na napaupo na dahil sa sakit ng nga binti niya. "Ay naku, 'yan na nga ba ang sinasabi ko. Umaakyat na ang sakit ng mga paa mo sa legs mo. Malamang dahil 'yan sa mahabang lakaran natin kahapon. Teka, tulungan kita," komento ni Rachel at pumunta sa paanan ng kaibigan para ito ay tulungan. Hinawakan ni Rachel ang paa ng kaibigan at tinuwid ito na naging dahilan kung bakit napahiyaw ito sa sakit. "Ahhhh!!! Ouch, ouch, ouch! Oh, my goodness!!!" malakas na hiyaw ni Princess na napapikit na dahil sa sobrang sakit. Mga ilang minuto rin tumagal ang sakit ng mga binti ni Princess hanggang sa unti-unti nawala ang sakit at naginhawaan siya, habang si Rachel ay pinagmamasdan lang ang kaibigan at ng makita niya na tumigil ito ay dahan-dahan niya binitawan ang mga paa nito. "Thank you, I'm good," sambit ni Princess na kaagad bumalik sa pagkakahiga nang maginhawaan na siya. "You need to go to the doctor today," banggit ni Rachel seriously sa kaibigan. "No need. I've been experiencing this kaya there's nothing to worry about," tugon ni Princess na binabalewala na naman ang sakit na nararamdaman niya. "No, you need to see a doctor. You must see a doctor," mariin na wika ni Rachel na tumayo sa gilid ng kama nito, like commanding her. Nagulat naman si Princess sa inaasta nang kaibigan niya towards her. "But I'm okay now," she countered. "Okay now? Pero kanina lang humihiyaw ka sa sakit? That's not normal, sis. Come on, magbihis ka ngayon din at aalis tayo," Rachel commanded at naglakad papunta sa closet nito para mamili nang susuotin nito. "Ayaw ko, sis. Inaantok pa ako," reklamo ni Princess na tumalikod dito dahil inaantok pa nga siya. "Ay, hindi. Tumayo ka riyan!" inis na sambit ni Rachel at hinila ito patayo para sumunod sa kaniya. "I am just thinking about your health kaya tumayo ka na riyan at kailangan mo magpatingin. Hindi biro 'yang iniinda-inda mo sa katawan," dagdag pa niya at talagang hinila niya ito paalis ng kama nito. Wala naman na nagawa si Princess at tumayo na dahil ayaw siya tigilan nito, kaya naman nagbihis na siya kahit na hindi pa siya naliligo since kakaligo lang niya kagabi. "Come on, sis," sabi ni Rachel habang hila-hila ang kaibigan pababa nang hagdan. "Oh, gising ka na?" pagtatakang tanong ni Nanny Deli nang makita niya ang alaga na gising na nang maaga. "Naku, Nanny Deli, itong alaga mo sumasakit na ang mga paa at binti ayaw pa rin magpatingin. Ang tigas ng ulo," sumbong ni Rachel habang pababa nang hagdan hanggang sa nakababa na sila. "Ay, anak, kailangan mo magpatingin kung ganiyan na pala ang nararamdaman mo," wika ni Nanny Deli na nilapitan kaagad ang alaga. "Yes, Nanny Deli," mahinang sagot ni Princess at napangiti rito dahil pinagsabihan din siya nito. "Nanny Deli, okay lang po ba na kayo po muna tumingin kay Amara? Sasamahan ko lang po ito sa hospital para magpatingin. Babalik din po kami," paalam ni Rachel at hinila na naman ang kaibigan. "Walang problema, anak. Sige na, ako na bahala rito. Balitaan niyo ako, ha," nag-aalalang pagsang-ayon ni Nanny Deli at sinundan ang mga ito papunta sa pinto. "Salamat po, Nanny Deli. Una na po kami," paalam ulit ni Rachel at lumabas na sila nang pinto. "Teka, hintayin na natin si Alek at paparating na raw siya," sambit ni Rachel habang nakatingin sa phone niya. "Bakit sinabihan mo pa siya? Kaya ko naman magmaneho papuntang hospital," reklamo ni Princess. "Sumasakit nga 'yang mga paa at binti mo kaya hindi kita hahayaan na mag-drive kahit marunong kang magmaneho," sagot ni Rachel dito na may inis sa tono niya dahil pinipilit talaga nito ang sarili. "Kaloka ka, sis," tanging ani ni Princess na wala nang nagawa sa gusto nang kaibigan niya kung hindi ang sundin ito, dahil kung hindi ay lalo ito magagalit sa kaniya. "Mas kaloka ka, sis. Mabuti na lang talaga at umuwi ka rito dahil kung hindi, hindi mo kahit kailan ipapatingin 'yang sarili mo. May nararamdaman ka na pala, pero ini-ignore mo lang. Ay, naku," asar na banggit ni Rachel. At dumating na ang sasakyan ni Alek kaya pumasok na sila sa loob. "Oh, kamusta ang mga paa at binti mo?" bungad na tanong ni Alek kay Princess na naupo sa passenger seats. "Tumigil ka. Mamaya ka na magtanong. Let's go to the hospital," Rachel demanded at matalim na tiningnan ang boyfriend. "Yes, Ma'am," mabilis na responded ni Alek at nagmaneho na at ayaw niya sumalungat sa girlfriend niya na parang mabangis na hayop kapag nagagalit. Ilang sandali lang ay nasa hospital na sila at dumiretsyo si Rachel at Princess sa emergency room kung saan ay nilapitan sila kaagad ng babaeng nurse. "Hello, Miss, nandito kami ngayon kasi nagkaroon siya nang feet and legs cramps kani-kanina lang, 30 minutes ago. Mga 20 minutes din 'yun, and I don't think that's normal," kwento ni Rachel sa nurse. "Okay po, this way po tayo para matignan po kayo nang doctor," replied ng nurse at tinuro sila sa vacant bed. "Sige po, mahiga ka na po," sambit kay Princess without knowing who she is. "Salamat," tugon ni Princess at nahiga na sa kama uncomfortably. "Sabihin mo lahat ng dinadaing mo, ah. Ngayon ang pagkakataon na magreklamo ka sa sakit ng katawan mo," wika ni Rachel na pinagsasabihin ang kaibigan. "Opo," sagot ni Princess na hindi na sumalungat pa rito dahil kilala niya ito. Maya-maya pa ay bumalik ang nurse na may dalang chart. "Ito po, paki-fill up po ito for patient's information," sabi nang nurse at binigay na ang chart at pen kay Princess. "Okay po," sambit ni Princess at kinuha na ang chart para sagutan ito. Pagkatapos magsulat ni Princess ay kinuha ni Rachel ang chart at sinauli sa nurse na nakaupo sa nurse station na nasa tapat lang ng bed kung nasaan sila. "Pahintay na lang po sa doctor na titingin sa inyo," sambit ng nurse kay Rachel pagkakuha nang chart. "Okay po, salamat," replied ni Rachel at bumalik na siya kay Princess. Samantala, si female nurse ay kumatok sa maliit na room at binuksan ang pinto to see the doctor typing down on his computer. "Good morning po, Dr. Chard, patient Rashid-Al po sa bed C2, feet and legs cramps po ang complain," balita nang nurse at iniabot na ang chart. "Okay, I'll be there," sagot ni Dr. Chard na napatigil sa ginagawa niya at kinuha ang chart sa nurse. "Okay po doc," sambit ng nurse at lumabas na nang kwarto. Tiningnan ni Chard ang chart at ng mabasa niya ang buong pangalan ng pasyente niya ay naging statwa siya. Hindi siya makapaniwala na ito na mismo ang lumapit sa kaniya dahil sa sakit na nararamdaman nito sa katawan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD