9- Special treatment

2017 Words
"Pagkatapos nito kain tayo, ah, at ako ay nagugutom na," reklamo ni Princess ng maramdaman niya na kumukulo na ang tiyan niya dahil sa gutom. "Oo, pagkauwi natin," sagot ni Rachel na sumang-ayon dito. Then, nagulat sila pareho nang biglang may humawi sa kurtina at may lalaking tumayo sa harapan nila. Pagkakita nila kay Chard ay pareho nanlaki ang mga mata nila seeing him. "Oh, Chard, nandito ka pala?" gulat na tanong ni Rachel na napatayo sa inuupuan niya. Napaupo naman si Princess sa kama nang lumapit ito sa kaniya at bigla siya naging conscious sa suot niya na short lang at light blue with long sleeves. Then, bigla niya naramdaman na tumibok ng mabilis ang puso niya just seeing him again after so many years gone by. "Oo, dito ako nagwo-work. So, what seems to be the problem?" tanong ni Chard seriously like a true doctor at tiningnan niya ang pasyente niya na nakayuko ang ulo sa kaniya. "Um...sumakit kasi ang mga paa at legs niya kanina. Mga 20 minutes din siyang nagkaroon ng cramps kasi kahapon pumunta kami nang Mall at naglakad-lakad. Iyon ata ang dahilan kung bakit lalo sumakit ang mga paa at legs niya," sumbong ni Rachel. "I see. Okay, let me just check your feet and legs," sambit ni Chard na tumingin sa mga paa at legs ni Princess na sobrang kinis at maputi. "Ah, sa labas lang ako at may nakalimutan ako sa sasakyan," excused ni Rachel sa sarili para bigyan ng space ang dalawa. "Wait, Rachel," pahabol na tawag ni Princess sa kaibigan. "Sandali lang ako," tugon ni Rachel at iniwan na ang kaibigan. A female nurse then came at tumabi kay Chard to wait for his commands pero nagtaka siya dahil hindi ito kumuha nang gloves to check on her, and just his bare hands. "Hahawakan ko lang ang mga paa at binti mo, ah. Sabihin mo sa akin if until now may pain," mahinhin na sabi ni Chard kay Princess, asking for her cooperation and permission. "Okay," mahinang sagot ni Princess without looking into his eyes. At hinawakan na ni Chard ang kaliwang sole ni Princess gently. "Dito ba masakit?" tanong niya while looking at her. "Y-yeah, a little bit," nahihiyang sagot ni Princess as she found their situation a little bit awkward, and because it's their first conversation and contact to each other after so many years. And while he is touching her feet, nakaramdam ng warmth si Princess na ilang taon din niyang hindi naramdaman. "How about this right sole?" tanong ulit ni Chard na pinisil ng kaunti ang kanang sole nito. "Yes," maikling sagot ni Princess na hindi pa rin inaangat ang ulo nito. "Okay, how about dito?" tanong ulit ni Chard na pinisil naman ang left heel nito. "Ouch. Don't press it too hard, it hurts," pikit-matang reklamo ni Princess dahil sa sakit ng paa niya. Then, pumunta si Chard sa paanan nito na kinuha ang upuan sa gilid at naupo sa harap nito para mas makita niya ang mukha nito. "How about this one? Does it hurt?" tanong niya ulit at marahan na pinisil ang right heel nito. "Ouch. Don't press it," reklamo ni Princess na napaangat ng ulo at napatingin na rito. "Sorry," sambit ni Chard na binitawan ang paa nito habang hindi inaalis ang tingin dito nang sa wakas ay nagtama rin ang kanilang mga mata. Habang ang nurse sa gilid ay pinagmamasdan ang dalawa na para bang kilala nila ang isa't-isa dati pa because she can sense a tension between them. A silence passed by to them for a moment at nagtitigan lang si Princess at Chard. "Saan pa masakit? Turo mo sa akin," tanong ni Chard charmingly. "Sa binti," mahinhin na sagot ni Princess at umiwas ng tingin dito para itago ang mabilis na pintig ng kaniyang puso. "Okay. Dito ba masakit din?" he asked again and pressed her right calf of her leg. "O-Ouch!" sigaw ni Princess dahil sa sobrang sakit ng binti niya. "Okay," sambit ni Chard na tumayo na sa upuan niya at tumingin sa nurse na katabi niya. "Get me a blanket," he demanded. "Yes, doc," mabilis na responded ng nurse at iniwan ang dalawa. "Kailan pa 'tong sakit ng mga paa at legs mo? Kailan mo pa siya nararamdaman?" tanong ni Chard professionally, looking down at her. "Maybe...um...3 years ago. I'm not really sure," seryosong sagot ni Princess na hindi tumitingin dito. Samantala kinuha ulit ni Chard ang upuan at naupo sa right side nito para makausap niya ito nang masinsinan. "3 years? And you just let it go like this?" gulat na tanong niya. "Y-yeah," awkward na sagot ni Princess at umiwas ng tingin dito dahil ang lapit nito sa kaniya. The nurse then came back na may dalang kumot at binigay niya ito kay Dr. Chard. "Thank you," sambit ni Chard at siya na mismo ang nagkumot kay Princess para hindi naka-exposed and flawless legs nito na nakakaakit. "May nararamdaman ka na pala na sakit bakit hindi ka pa nagpatingin? Kahit sa Dubai, hindi ka pa nagpapatingin?" tanong niya furthermore at lumapit pa rito. Samantala the female nurse sa gilid ay napakunot ang noo dahil alam nito ang background ng pasyente kahit hindi nito sabihin sa kanila. Napatingin naman si Princess kay Chard dahil nabanggit nito ang Dubai. "No, I was too busy with my business kaya hindi ko na nagawang magpatingin," she replied directly into his eyes, like she was giving him a warning because he's starting to ask questions about her past. "You shouldn't have let it like this. You've been enduring the pain for three years and you did nothing to take care of your health," banggit ni Chard seriously na hindi inaalis ang tingin dito. "Can I get the medication so, I can go home now?" inis na wika ni Princess na hindi na napigilan ang sarili dahil pakiramdam niya ay sinesermonan na siya nito. Napakagat ng labi ang nurse hearing the patient's request, at dahil nase-sense niya na there's something intense going on between them. "Okay, then," seryosong ani ni Chard at tumayo na. He then looked at the nurse in front of him. "Call the laboratory and I will collect the blood myself before anything else," utos niya at tumingin siya ulit kay Princess na matalim ang tingin sa kaniya. "Please wait for my advice if you can go home. For now, we will get a blood test for you for us to know what's happening to your body," banggit niya rito to let her know what he's going to do with her. "What kind of blood test are you gonna run to me?" she asked curiously. "The magic 12 dahil somehow namamaga ang mga paa mo. You have a suspected diabetes kaya we need to check your blood," sagot ni Chard na pinaliwanag dito ang sitwasyon. "Okay," maikling sagot ni Princess na somewhat nakahinga dahil he's done interrogating her. "What are you still doing here? Call the laboratory," tanong ni Chard sa nurse na natulala na sa kanilang dalawa. Napatingin tuloy si Princess sa nurse na tulala sa kaniya, habang ang nurse ay kaagad nagising at umalis to call the laboratory. "Hi. So, how is she, Chard?" tanong ni Rachel na biglang pumasok after giving the two some time together. "She is suspected to have a diabetes kaya nag-request ako nang blood test. Dito muna kayo until I get a blood sample," banggit ni Chard sa kaibigan. "Okay, we will wait then. Thanks, Chard," nakangiting replied ni Rachel at naupo sa tabi ni Princess. Afterward, nilinis ni Chard ang brachial area ni Princess at pagkatapos ay ni-ready niya ang 10cc na syringe habang ang nurse ay nakaabang lang sa likod niya, at si Princess at Rachel ay nakatingin sa ginagawa niya. "Saan ka nga ulit specialist, Chard?" tanong ni Rachel curiously. "Ikaw matagal na tayong magkaibigan pero hanggang ngayon tinatanong mo pa rin 'yan sa akin," asar na wika ni Chard sa kaibigan habang inaayos ang hawak na syringe. Samantala ang nurse at dalawang laboratory personnel sa likod ay napatingin naman kay Dr. Chard at Rachel dahil magkakilala pala ang mga ito na hindi nila inaakala. Natawa tuloy si Rachel dahil sa sinabi nang kaibigan. "Sorry na, hindi ko kasi matandaan," aniya na napakamot ng batok. "Internal medicine, medical doctor, and orthopedic surgeon. Last mo na 'yan na tanong, ah," sagot ni Chard na binalaan na ang kaibigan. "I see. Ilan taon ka na nga ulit?" natatawang tanong ulit ni Rachel. "Isang taon lang ang tanda ko sa 'yo, Chel. Stop asking questions na at tutusok na ako," asar na sabi ni Chard at tinusok na niya ang karayom sa balat ni Princess para makakuha siya nang blood sample. "Doctor na pala kumukuha nang blood sample ngayon, noh? Hindi ba dapat medical technologist?" taas-kilay na tanong ni Rachel at ngumiti siya rito, teasing him. "Pwede rin ako. Alam mo, kapag hindi ka pa tumigil ikaw na tutusukin ko nang karayom," responded ni Chard at tiningnan ang kaibigan ng matalim dahil sa kulit nito. Natawa tuloy ng mahina ang mga tao sa likod ni Chard dahil sa pagbabanta nito sa kaibigan. "Grabe ka sa akin, Chard. Parang wala tayong pinagsamahan, ah," biro ni Rachel na sinakyan ang pasaring nito. "Ewan ko sa 'yo, Chel," sambit ni Chard na napailing na lang ng ulo dahil sa biro nito, at hinugot na niya nang dahan-dahan ang karayom sa balat ni Princess. "Okay. Here. I want magic 12. Kailan makukuha ang resulta?" ani niya sa laboratory personnel after giving to them the blood sample. "After 3-4 hours po ang resulta, doc," sagot ng isang babaeng medical technologist. "Okay, you may now go," sagot ni Chard at pinaalis na ang mga ito. Then, tumingin siya sa kaibigan at kay Princess. "I'm going to discharge you for now pero you need to come back to me when your laboratory result come out. Okay?" informed niya sa mga ito. "She don't need to get admitted?" tanong ni Rachel all of a sudden. "No need, unless you want to," direktang sagot ni Chard sa kaibigan at tumingin ulit kay Princess na kaagad umiwas ng tingin sa kaniya. "No, there's no need of that," mabilis na replied ni Princess at hinila ang kanan na braso ni Rachel para patigilin na ito sa kakatanong. "No, she needs to get admitted at baka mangyari na naman ang nangyari sa kaniya kaninang umaga," wika ni Rachel na tumanggi sa gustong mangyari nang kaibigan. "Ano ba, sis, anong pinagsasasabi mo riyan? Halika na at umuwi na tayo," tanggi ni Princess na kaagad naupo at ibinaba ang mga paa niya as she is ready to leave. "Sis, you need to take care of yourself too, okay? Kaya huwag ka na makulit at magpa-admit ka na," madiin na komento ni Rachel sa kalagayan ng kaibigan. "Sis, may mga projects pa ako na dapat tapusin, remember?" laking-mata na sambit ni Princess to remind her friend again. "Makakapaghintay 'yang mga 'yan, sis. Pero ikaw, hindi. Mas importante ang health mo kaysa sa mga projects na nakapila, okay? Think of it, sino ang mag-aasikaso nang mga projects mo kung may sakit ka? Hindi pwedeng ako kasi wala akong alam diyan. Kaya, Sis, you need to get admitted before it's too late. Don't worry nandiyan naman si Chard to take care of you. He will be your attending physician," mahabang sabi ni Rachel just to convince her friend. But then, tumayo si Princess at lumapit sa tenga nito. "I want another doctor. I don't like him. Kung magpapa-admit ako, I want another doctor," bulong niya na nakumbinsi na pero sa isang kondisyon na gusto niyang mangyari. "Sis, he's the best doctor here. Wala ka na mahahanap na doctor like him," malakas na bulong ni Rachel para iparinig din kay Chard ang usapan nila. "It's okay. We can contact other doctors to be your attending physician. Let me just talk to them for a minute. Excuse me," singit na sabi ni Chard at iniwan na ang mag-kaibigan. Habang si Princess at Rachel ay sinundan ito nang tingin dahil bigla ito sumingit sa usapan nila. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD