The Scandal | Chapter 10

1085 Words
The Scandal | Chapter 10 . "LIEZEL! LET'S STOP THIS!" mariing pagkakasabi ni Leonardo kay Liezel nang muli niya itong tawagan nang makatulog si Yvonne sa tabi niya kani-kanina lang. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Leo? Let's stop this? Oh, cmon! Parang hindi naman tayo magkakakilala! Or, should I say, parang hindi mo naman ako kilala!" ani nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita si Liezel alam niyang nakangiti ito. Hindi man lang nakaramdam ng pagka-alarma sa gusto niyang sabihin dito. "Masasaktan siya, Liezel! At ayaw kong mangyari iyon kay Yvonne. Alam mong mahal ko siya... mahal ko siya, Liezel!" "And, I love you too.. So! Dahil mahal kita.. kaya for sure wala kang magagawa sa gusto kong mangyari. Ang mabuti pa, Leo, kalimutan mo na ang lahat ng gusto mong sabihin." "Hanggang kailan ba 'to, Liezel?" "Hanggang masaya ako sa iyo at kahit hindi ka na masaya sa akin, basta't masaya ako sa 'yo walang makakapagpigil sa relasyon natin!" anito sa kaniya. "Wala tayong relasyon! Malinaw sa ating dalawa iyon! Nilinaw ko sa iyo iyon!" may diin niyang sinabi dito. Gusto niyang itanim sa isip ni Liezel na wala siyang kahit na anong pagmamahal na nararamdaman dito, kaya gusto niyang itigil ang lahat ng kalokohan nila at masasamang ginagawa sa likod ni Yvonne. "Bago mo hinayaang mangyari sa atin! Sana naisip mo iyon, na sana naisip mo kung ano'ng kaya kong gawin!" natatawang sambit nito. Gusto niyang magalit sa babaeng kausap niya. Paano niya ba nagawang tumagal dito? Paano niya ba nagagawang manatili sa tabi nito hanggang ng mga sandaling iyon? Hindi na ito nakakatulong sa kaniya. Alam niya sa sarili niyang mahirap na siyang humiwalay dito. "I have to end this call. She needs me," paalam niya rito. "Kailan ka uuwi dito? Baka nakakalimutan mo nang may pinangako ka sa akin." "Liezel, sana naman maintindihan mong kailangan ako ni Yvonne." "At kailangan din kita. Alam mo naman na paalis na ako 'di ba? Kailangan ko pa bang manlimos ng oras mo, Leo?" galit nitong turan sa kaniya. "Hindi kaya ng konsensya kong iwan si Yvonne sa pagkakataong 'to. Alam mo ang pinagdaanan niya n'on at ayaw kong maulit sa kaniya 'to ngayon." Narinig niya ang pagsinghap nito sa kabilang linya. "Don't push my limit, Leo. Dahil alam mo ang pwede kong gawin, kapag sinabi ko kay Yvonne kay lahat... Ang lahat-lahat mawawala siya sa iyo ng tuluyan! At alam kong ayaw mo mangyari iyon!" banta nito sa kaniya. "So! Pag-isipan mong mabuti. Iyon ay kung gusto mo nang matali sa akin forever? Gusto ko iyon." Piniling pinindot ni Leonardo ang end button ng cellphone niya. Mas magkakaroon lang ng dahilan si Liezel na kontrolin ang desisyon niya kung hahayaan niya ito. Labag sa loob niya ang lahat, lalo na ang binabanta nitong sabihin kay Yvonne ang lahat. Tama si Liezel kung magkataon— talagang pwedi mawala si Yvonne sa kaniya at hindi niya hahayaang mangyari iyon. Mahal niya si Yvonne, mahal na mahal niya ito sa kabila ng katotohanang ang pamilya nito ang rason kung bakit nakakulong ang magulang niya. "Mahal kita, Yvonne. Mahal na mahal kita and I'm really sorry. How many times I tried to stop this. Patawarin mo ako..." maluha-luhang kausap niya sa babaeng nasa tabi niya ngayon. Kilala niya si Yvonne, mabuting tao ito— pero hindi niya alam kung kaya ba nitong ibigay sa kaniya ang pagpapatawad kapag nalaman nito ang totoo. Tuluyang nagbagsakan ang luha sa mga mata ni Leonardo, nasasaktan siya hindi para sa sarili niya kun 'di para sa babaeng walang kamalay-malay sa ginagawa nila ni Liezel. Ang isang beses na hinayaan niyang may mangyari sa kanila ay hindi niya namalayang mas lumalim na. Pumikit siya sa kawalan, umusal ng panalangin na sana maisip ni Liezel kung ano ang papel ni Yvonne sa buhay nito. Na sana timbangin niya ang halaga ng pagkakaibigan nila ni Yvonne at hindi hayaang tuluyang masira dahil sa makamundong pagnanasa nila sa isa't isa. - MALAKAS ang impact ng isang cocktail glass sa dingding sa ginawang pagbato ni Liezel. Galit ang nararamdaman niya ngayon para kay Leonardo pagkatapos ng tawag nito sa kaniya kanina lang. Nakokonsensya na ito? Alam niyang drama lang ni Yvonne ang lahat; na nagpapansin lang ito kay Leo. Tinungo niya ang terasa sa rest house niya sa Tagaytay; pinatong ang dalawang kamay sa barandilya. Hindi niya pa rin lubos na makalimutan ang mga sinabi ni Leonardo, lalo na ang kagustuhan nitong itigil na ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa. "Sa tingin niya ba ganoon lang kadali ang lahat? Pagkatapos kung mamuhunan ng oras sa kaniya at pagpapahalaga? Akala niya hahayaan ko na lang na mawala siya ng ganoon? Hindi mangyayari iyon! Sinusumpa ko!" may diin ang bawat salitang bulong niya sa sarili niya. Umikot na ang buhay niya rito. Nagkasala na siya kay Yvonne at walang dahilan para hindi niya ipagpatuloy ang nasimulan. 'Hindi niya na rin naman ako mapatawad! So! Why do I have to stop this? Hindi ko ibibigay ang kalayaan mo Leonardo — not now! Never!' dugtong niya pa. Napangiti siya sa kawalan; nang bigla siyang natigilan ng maramdaman ang kirot sa tagiliran niya. Muli siyang bumalik sa kabahayan para uminom ng tubig. Sinubukan niyang tawagan muli si Leonardo — pero naka-off ang cellphone nito. Mukhang may balak itong indyanin siya sa pangako nitong babalikan siya sa Tagaytay. 'Huwag mo akong susubukan, Leo! Alam mo ang kaya kong gawin,' aniya. Nabaling ang tingin niya sa malaking frame na nakadikit sa dingding niya sa itaas ng queen size bed niya; ang larawan nila ni Leonardo nang minsan siyang magkaroon ng fashion show sa Hongkong— ginawa nitong tumakas kay Yvonne para puntahan siya. 'Babalik ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo! Ako ang pipiliin mo at sa akin lang iikot ang mundo mo! Ako lang ang kayang magbigay sa iyo ng mga bagay na hindi kaya ibigay ni Yvonne... Ako lang,' kausap niya sa larawan nito, habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha ni Leonardo habang nakayakap sa likuran niya. 'Im the one who lick yours! At ako lang ang pweding gumawa n'on! Hahanap-hanapin mo rin ako dahil hindi kaya ibigay ni Yvonne iyon, dahil sa prinsipyo ng loka-lokang babaeng pinipili mong pakasalan!' Binaling niya ang tingin sa maliit na frame sa bedside table niya sa larawan nila ni Yvonne noong college graduation nila. 'Pity on you, Yvonne. You're weak and sick!' natatawang sambit niya sa sarili para sa kaibigang inaagawan niya ng tunay na pagmamay-ari nito; ang lalaking nakatakda nitong pakasalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD