The Scandal | Chapter 13

1154 Words
"BEST..." AGAD na lumapit si Yvonne kay Liezel. Hinawakan nito ang kamay niyang nilahad niya rito. Napansin niya agad si Leonardo sa likuran nito; blangko ang mukha halatang nasira ang lakad sana na mayroon ang mga ito. "Ano ang nangyari sa iyo?" pag-aalang tanong sa kaniya ni Yvonne. Pinagmasdan niya ito ng lihim mukhang ang ganda nito sa suot nitong dress na pinatungan ng coat na mukhang pagmamay-ari ni Leonardo. "Baka UTI lang daw," sagot niyang tipid. "Wala pa bang test?" "Okay na ako sa antibiotic, Best. Bukas na bukas din daw pwedi na akong lumabas." "Bakit mo pa kami inabala ni Yvonne? Sinabi nya naman sayong may lakad kami 'di ba?" sabat ni Leonardo sa usapan. Lumingon si Yvonne sa gawi nito habang magkahawak kamay pa rin silang magkaibigan. "Leo... nag-usap na tayo 'di ba?" ani naman ni Yvonne dito. Umiwas nang tingin si Leo sa kaniya nang lihim siyang ngumiti dito na may halong pang-iinis. "Sa labas lang ako. I'm sorry, Hun." Paalam ni Leo. Sinundan nila nang tingin nang tuluyan silang iwan nito sa loob. "Sigurado ka bang okay ka na?" tanong ulit ni Yvonne sa kaniya. Tinaas niya ang tingin sa dextrose na nasa tabi niya. "I appreciate your presence here, Vonne. Pero maniwala ka, I don't want to disturb you guys." "Pagpasensiyahan mo na si Leo. Mawawala rin inis n'on maya-maya." "Nahihiya nga ako kay Leo eh." "Huwag mo na siyang alalahanin. Maiintindihan niya, Liz. Ako ang bahala." Binitiwan niya ang kamay nitong hawak niya. "May point naman siya.." "Hayaan mo na. Hindi rin naman ako magiging masaya kapag tumuloy pa rin kami knowing that you are not okay." "Hindi kasi nag-iingat. Nakakaabala tuloy ako." Nginitian siya nang matamis ni Yvonne. "Para hindi ka ma-guilty, ang mabuti pa iwan muna kita rito pasasama lang ako kay Leo para makabili ng pagkain natin. Okay ba iyon sa 'yo?" "Masyadong abala.." agaw niya sa sasabihin nito. "Hindi ka abala. Magpahinga ka muna if you want, sandali lang ako." Wala na siyang nagawa nang magpaalam sa kaniya si Yvonne. Kinuha niya ang cellphone niya sa tabi niya't tiningnan kung mag-reply ba si Leonardo sa mga messages nito sa kaniya kaniya— talagang matigas ang loko, aniya sa isip niya. "ALAM MO BA ANG GINAGAWA MO HA?" Biglang napatingin si Liezel sa gawi niya nang wala siyang abisong pumasok sa silid nito. "Ano problema mo?" tanong nito sa kaniyang sinalubong ang galit sa mga mata niya. "Hindi ko alam kung ano talaga ang plano mo, Liezel! Pero gusto ko lang malaman mo kung gaano kalaking abala ang ginagawa mo!" galit niyang turan dito. "See! Hindi mo ba nakikita ha? Hindi mo ba nararamdaman kung gaano ka kamahal at kung gaano nag-alala sa iyo si Yvonne? But you? Ano ginagawa mo ha!" sumbat niya rito. Hindi niya napigilan ang sariling ituro ang pinto kung saan siya pumasok at kung saan lumabas si Yvonne. Sinadya niyang iwasan ito at hindi sinagot ang text nito sa kaniyang nagyayaya sa labas para bumili ng makakain nila. Gusto niyang kausapin si Liezel at ipamukha rito kung gaano ito ka-makasarili para abalahin ang lakad nilang dalawa. "Mahal ka ng mapapangasawa ko... nang kaibigan mo! But what are you doing ha? Ano plano mo? Plano mong sabihin sa kaniya ha! Gusto mo ako na gumawa n'on!" "Leonardo shut up!" sigaw ni Liezel sa kaniya. Tinuro nito ang dextrose sa tabi nito. "I'm sick... Kasalanan ko bang magkasakit ako ha? Bakit? Bakit pwedi na ba utusan ang sakit ngayon na huwag muna dumating sa akin dahil may lakad kayo?" sarkastikong tanong nito sa kaniya. "Your unfair! No'ng ikaw ang magkasakit at wala si Yvonne binigay ko sa iyo lahat ng pag-aalaga, Leo. Tapos now what? What? Susumbatan mo ako? Pag-iiwasan mo ako ng mali! Ganoon na ba kasama ang tingin mo sa akin ha?" maiyak-iyak nitong wika sa harap niya. "Kung may choice lang ako hindi si Yvonne ang tatawagan ko.. kung sumasagot ka lang sana sa message ko sa tawag ko, ilalagay ko iyong sarili ko sa lugar. But no, Leo! Sinasadya mong dedmahin ako at ang masakit pinaparamdam mo sa akin na iniiwan mo ako sa ere!" Tuluyang bumagsak ang mga luha nito sa sariling pisngi nito. Kaba ang naramdaman ni Leo na baka abutan sila ni Yvonne sa gaanong ayos. Dahan-dahan siyang lumapit kay Liezel pagkatapos niyang i-lock ang pinto sa pribadong silid na iyon. "Hindi ko sinasadya, Leo. Hindi ko sinasadya!" pagsusumamo nito sa kaniya. Hinawakan niya ang buhok ni Liezel at hinimas-himas ito. "Nag-alala ako sa iyo..." aniya. "Galit ka sa akin?" tanong nito nang magtaas ito ng tingin sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ni Liezel pagkatapos niyang umupo sa isang silya sa tabi ng hospital bed nito. "Baka maabutan tayo ni Yvonne.." anito. Nilingon niya ang pinto. Hindi niya alam kung ano ang gagawing alibi kung sakaling dumating si Yvonne at nando'n siya. "Magpakagaling ka, Liz." "Lalabas naman ako bukas, Ley." Hinawakan nito ang pisngi gamit ang kaliwang kamay nito. May ngiti na sa labi nito wala na ang bakas ng luhang kanina lang nakita niya. Napabuntong-hininga siya kung tama ba ang ginagawa niya; kanina galit siya rito pero dahil sa mga luhang iyon bigla siyang nakaramdam ng awa sa babaeng nasa harap niya. Muli siyang napalingon sa pinto. Hindi niya alam kung nasaan na si Yvonne; muli na naman siyang nagkasala rito. "Sigi na. Alam ko worried ka kay Yvonne. Puntahan mo na siya. Ang sabi niya kanina bibili daw siya ng pagkain for us. Go na, Luv." Pinatong nito ang palad nito sa kamay niyang nakahawak sa balikat nito. Muli siyang napasinghap, pinaglipat-lipat ang mga tingin sa mga mata ni Liezel. Halata namang hindi gimik ito dahil sa nakikita niyang pamumutla sa mapulang labi nito. Ngumiti si Liezel sa gawi niya, gumanti siya ng pilit na ngiti rito. "I'm sorry! Nag-alala lang ako kay Yvonne at maniwala kang nag-alala rin ako sa iyo." "Alam ko! Kilala kita, Leo. Puntahan mo na si Yvonne. Hindi naman ako ganoon kasama na hahayaan kong maabutan niya tayo rito," natatawang sabi nito. Tumayo si Leo para magpaalam dito, susundin niya ang gusto nitong alamin kung nasaan si Yvonne. Ayaw niya rin naman mangyari ang iniisip nito. Tulad nga ng sabi niya wala siyang idadahilan kung sakali. Isang mabilis na halik sa nuo ang pinagkaloob ni Leonardo kay Liezel. "Parang halik para sa lola naman iyan..." nagtatampong wika nito sa kaniya. Lumingon muna siya sa pinto bago muling nagbaba ng tingin at hinalikan ng matamis ang labi ni Liezel. Gumanti ito ng halik sa kaniya, agad din namang nagbawi at pagkatapos muli siyang pinagtabuyang lumabas na. "Ti amo, Amore.." Ngumiti lang si Leonardo bilang tugon sa sinabi ni Liezel sa kaniya bago siya tuloy-tuloy na lumabas mula sa silid nito. Napailing-iling na lamang siya sa sarili, dahil wala na naman siyang nagawang tama sa pagkakataong iyon. "I love you, Yvonne..." paulit-ulit niyang bulong sa sarili. °°
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD