The Scandal | Chapter 12

1768 Words
THE SCANDAL | CHAPTER 12 -- NAGING maganda naman ang naging lakad ni Liezel at Yvonne nagdaang gabi. Hindi niya na ito nagawang ibalita kay Leonardo dahil nagpahinga na siya nang hinatid siya ni Liezel. Inalok niya pa nga itong sa bahay niya na lang magpahinga at huwag na bumaba ng Tagaytay, matigas lang talaga ang ulo ng kaibigan niya at bumiyahe pa rin pauwi. Hindi niya naman ito pinigilan nang makumpirma sa katiwala ni Leo na nasa bahay lang ang nobyo niya at nagpapahinga na. Maaga siyang gumising ngayon para makapaghanda sa lakad nila ni Leonardo — apat na buwan na ang nakalipas mula nang alukin siya nitong magpakasal. She want to celebrate it with Leo. Gusto niya sana sa Siargao na lang dahil dalawang araw na lang naman at lakad na nila iyon. Natigilan si Yvonne nang may maalala; pinilig-pilig niya rin ang ulo niya para mawala ito sa isip niya. She's trying to forget everything, nangako naman siya sa sarili niyang hindi niya hahayaang maulit pa ulit ang mga natuklasan niya sa pamamagitan ni Janice. Napabuntung-hininga siya. Tama ba ang ginagawa niyang ibaon sa limot ang lahat? 'Let's forget it Yvonne... sinasaktan mo lang sarili mo! Just forget it.' Pilit niyang pagpapakalma. [ See you tonight, Hun. I love you. ] Leonardo. Napangiti siya. Leonardo love her so much, kung ano man ang dadating sa kanila alam niyang hindi rin magdadalawang-isip si Leonardo na ipaglaban ang relasyon nilang dalawa. Kaya nga hindi siya nakakaramdam ng takot at kailanman hindi siya matatakot. Tiwala siyang, siya ang pipiliin ni Leonardo kahit sino pa ang iharap dito. Napatingin siya sa damit niyang napili niyang isuot; isang klase ng Black madi dress ito na binili niya pa sa Singapore nang minsan siyang nagbakasyon d'on. Magugustuhan ni Leonardo 'to, simple lang naman ang katipan niya kahit naman na ano ang isuot niya para dito ay napakaganda niya na kung ituring siya nito. Light make-up lang din ang balak niya, ayaw nitong sabog ang pisngi sa make-up na nilalagay. Numero unong ayaw ni Leonardo n'on, kaya nga hindi siya worried kapag wala ito sa tabi niya— walang interes ang mapapangasawa niya sa mga gan'on, simplicity for him is beauty. Kung nagkaka-interes man siguro ito sa ibang babae ay malamang ang babae na mismo ang lumalapit dito. Ayaw nyang mag-isip, importante sa kaniya ang gabing 'to, she don't want to ruin it— wala siyang insecurity sa katawan dahil kahit saan banda lamang pa rin siya kahit kanino. Buo pa rin ang iniingatan niyang puri at ibibigay niya lang sa mapapangasawa kapag kasal na silang dalawa. Para lang 'to kay Leonardo at wala ng iba pa. ILANG minuto na ring nakarating si Leonardo sa harap ng bahay ni Yvonne, hindi na siya nagtangkang bumaba para puntahan ito. He text his girlfriend already, at pababa na rin daw ito. Ilang sandali nga nakita niya na si Yvonne, ang ganda nito sa ayos niya ngayon. Walang kupas ang babaeng pakakasalan niya, nagmadali siyang bumaba para pagbuksan ito ng pinto sa tabi niya. "Hi! You look so beautiful, Hun," totoong puri niya sa harap nito matapos niya itong halikan ng mabilis sa labi. "You too, Hun. Ang pogi mo sa suot mo." Pinili niyang mag formal black polo at slacks na itim din, tinirnuhan ng leather brown shoes nyang kabibili niya lang nakaraan. "Excited na ako sa pagdadalhan ko sa 'yo," aniya rito. Nagpareserve siya sa isang prominenteng restaurant para sa selebrasyon nilang dalawa ngayon. Gusto niyang para lang sa kanilang dalawa ni Yvonne ang lahat, walang ibang sagabal o magiging destraksyon sa gabing iyon. "Parang gusto kita ulit alukin ng kasal ah. You will say yes ba again, Vonne?" "Oo naman. Paulit-paulit akong mag-ye-yes, Hun. At paulit-ulit kitang pakakasalan kahit saan at kahit kailan," matamis na sambit sa akin ni Yvonne. Napangiti sila sa isa't isa ni Yvonne. Sa mga sandaling iyon ramdam niya kung gaano sa sobra ang nararamdaman niyang pagmamahal dito. Iyong bang gusto niya nang aminin sa harap nito at ihingi ng tawad ang paulit-ulit na nangyari sa kanila ni Liezel. Pero paano niya magagawa kung masasaktan ito? Kung magdesisyon itong iwan siya at piliin nito ang pagkakaibigan nito kay Liezel? Makakaya niya ba? Hinde siya sigurado. "Are you okay?" tanong ni Yvonne sa kaniya. Napansin siguro nito ang pananahimik niya. Umiling-iling siya't ngumiti ng pilit dito. "I'm okay. Uhm! Sakay ka na. Baka ma-traffic tayo." Inalalayan niyang sumakay si Yvonne sa kotse niya matapos nito hawakan ang pisngi niyang may matamis na ngiti sa labi nito. Nagmadali siyang umikot sa gawi niya sa driver side at nang makaalis na agad sila. Sumandal si Yvonne sa balikat niya habang hinawakan nito ang kamay niya't pinagdaup palad ang mga daliri nila sa isa't isa. "Sinabi ko na ba sa iyong umalis kami ni Liezel?" hindi niya inaasahang tanong nito sa kaniya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. "Y-yes. Kanina. Why? Something wrong ba?" "Wala naman. Naging maayos naman ang lakad namin, late lang kami nakauwi dahil maganda iyong napanuod namin— tinapos ko talaga," masiglang tugon nito sa kaniya. "About saan ba?" "It's all about betrayal, cheating, third party," sagot nito sa kaniya. Halos hindi siya makapagsalita sa naging sagot ni Yvonne. Sinisi niya pa nga ang sarili na sana pala hindi na lang siya nagtanong dito. "Masakit sa part ng boy na niluko siya n'ong girl. First love iyong pinili eh." He feel relieved na iba ang sitwasyon pala nito sa sitwasyon na mayroon siya; dahil sa sarili nilang kwento he is the one who cheat Yvonne at ang masakit d'on bestfriend pa nito iyong kasangkapan niya sa pangangaliwa. "Alam mo, Hun. Sabi ko sa sarili ko kung nangyari sa akin iyon, sa atin iyon. Siguro... hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung lolokohin kita at ipagpalit kita sa first love; good thing at ikaw iyong first love ko and syempre last love na. Right, Hun?" mahaba't malambing na aniya sa kaniya ni Yvonne. Nagtaas pa ito ng tingin sa kaniya. Mabilis niyang kinintalan ng halik ang nuo nito, mabuti na lang at green lights kaya nagawa niya n'on. Iyon ang mga simpleng bagay na makakapagpasaya kay Yvonne kapag nakakaramdam ito ng agam-agam. "Hindi naman mangyayari sa atin iyon. Ikaw pa ba? Hindi ka naman magloloko 'di ba? Kahit gaano pa siguro ka-gwapo at kayaman ang makikilala mo hindi mo pa rin ako ipagpapalit." "Oo naman. Same with you 'di ba, Hun? Promise me!" pagsusumamo sa kaniya ni Yvonne. Naging mahigpit ang ginawa nyang paghawak sa kamay nito. "Wala akong ibang babae, Vonn. Ikaw lang at si mama ang tanging babae sa buhay ko. At kung magkaanak man tayo ng babae kayo lang... wala ng iba," pagbibigay niya ng assurance dito. Kahit na sa utak niya nandoon nagsusumiksik ang hindi maipaliwanag na lungkot sa ginawa niyang pagsisinungaling dito. "I trust you.. Nagtiwala ako sa iyo n'on at hindi basta-basta mawawala iyon. Mahal kita, Leo at ipaglalaban ko ang relasyong 'to kahit na ano pa ang mangyari." "Natatakot ako sa pinag-uusapan natin ha," natatawa niyang sambit dito. "I love you, Leo..." "I love you too, Vonn. Mahal kita. Mahal na mahal kita." ISANG tawag sa cellphone ni Yvonne ang nagpatigil sa lambingan nilang dalawa nang mabasa niya sa screen ang number ni Liezel. "Why?" tanong ni Leonardo sa kaniya. Sinalubong niya ng tinging nagtataka ang tanong nito sa kaniya. "Liezel's calling..." sagot niyang nagtataka kung ano ang kailangan ng kaibigan niya sa kanya. Ayaw niya sana pansinin ang tawag nito nang muling mag-ring ang cellphone niya. "Hayaan mo na. I-text mo na lang na may lakad tayo." "B-baka emergency, Hun." Hindi niya na natapos ang ibang sasabihin nito nang sagutin niya ang tawag ni Liezel. "Bes.. Bes. Sorry to disturb you ha. But I need you," ani ni Liezel. Sa boses nito mukhang may problema nga ito. "It's okay, Liz. Kasama ko ngayon si Leo, we have a date." "Oh! Hindi ko alam. Sigi huwag na lang pala, I don't want to disturb you guys." "Ano'ng mayroon? Anong problema? Okay lang naman. Sabihin mo lang." Tumingin siya sa gawi ni Leonardo, habang abala ang tingin nito sa harap ng daan. "I'm here in hospital... sumakit ng sobra ang tagiliran ko kanina, hindi ko kinaya kaya naisipan ko na lang na pumunta ng hospital. And, I'm alone here. But it's okay, unahin niyo na iyang date niyo." Kaba ang una niyang naramdaman nang marinig ang lahat ng iyon kay Liezel. "Pupuntahan kita. Pupunta na kami diyan. Okay," mabilis na pagkakasabi ni Yvonne kay Liezel— sobra siyang nakaramdam ng pag-alala dito nang ipaalam ito sa kaniya ni Liezel. Hindi niya pweding pabayaan ang kaibigan niya sa mga sandaling iyon. "Hun... sa hospital tayo. Liezel's need us." "Please, Yvonne. For once, may lakad tayo." "No! Kay Liezel tayo pupunta... Si Liezel ang uunahin natin, Leo. Please!" pagsusumamo nito sa kaniya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-iling-iling nito. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Leo nang maramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. "Kaibigan ko si Liezel, kapatid na ang turing ko sa kaniya. Maiintindihan mo naman ako 'di ba? Ngayon lang 'to. Gusto ko lang siguraduhin na okay siya. Please." "O-okay." Binitiwan niya ang kamay ni Leo, pinagdaup-palad niya ito sa sariling palad niya. Sobrang kaba ang lumusob sa kaniya, nag-aaral pa lang sila ni Liezel madalas na itong magpasugod sa hospital. At siya ang laging nand'on sa kaibigan niya. Sakitin si Liezel kaya hindi niya masisisi ang sarili ngayon kung bakit siya nag-alala ng sobra dito, dahil tulad niya malayo ang pamilya nitong nasa Aklan pa. Napabuntong-hininga siya. Pilit pinapakalma ang sarili. "Yvonne, it's fine. Don't bother yourself that much." "Hindi mo kasi ako naiintindihan eh." "Tell me when, ihahatid kita." "Hindi mo ako sasamahan? Hindi mo kami sasamahan ng kaibigan ko?" Sinulyapan siya nito. Sinabi niya ang address nang Hospital kung nasaan si Liezel, mabuti na lang along the way rin naman silang dalawa kaya agad silang makakarating dito. "Stay with us. Please, Hun. For me." Napangiti siya nang may halong pag-aalala nang tumango-tango sa kaniya si Leo bilang pagsang-ayon sa gusto niyang mangyari. "Babawi ako sa date natin. I'll make sure that Liz is okay." "Don't mind it. Marami pa namang panahon." "Salamat, Hun. Thanks for the understanding." Lumapit ito sa gawi niya, nagtaas ng tingin at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. --- Sa isip ni Leonardo nandoon ang pag-alala para kay Liezel. Gusto niya man isipin na nag-iinarte lang ito o gumagawa lang ng gimik kaya hindi matuloy ang lakad nila ni Yvonne ngayon. Pero ro hindi naman siguro aabot sa hospital ang kahibangan nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD