The Scandal | Chapter 15

2024 Words
The Scandal | Chapter 15 - "BAKIT HINAYAAN MONG MANGYARI MAGKASAMA SILA, YVONNE?" may galit sa boses ni Janice. "I- I t-trust t-them," nauutal niyang tugon dito. Hindi niya man lang magawang magtaas ng tingin sa kaibigan. Kasalukuyang nasa isang cafe sila ngayon nang bigla niyang naisipang umalis. "Kulang pa ba ang mga nalaman natin na magkasabay silang pumunta sa lugar kung saan nalasing ka ha? Ano 'to bulag-bulagan! Tanga-tangahan?!" ani pa nito. Napansin niyang napailing-iling ito nang tumingin siya rito. Napasinghap siya. "They explained us why, right?" "Ay tanga nga! Naniwala ka naman?" "J-Janice. Please!" Tinitigan lang siya ni Janice. Kilala niya ang kaibigan, galit ito base sa emosyon na pinahihiwatig ng mga mata nito. "Ano pa ba ang gusto mo para maniwala ka? Na for once isipin mo naman na may mali," himig na may pakiusap sa boses nito. Napasinghap siya. "Gusto mo pa ba video scandal?" natatawang tanong nito sa kaniya. Bigla siya nakaramdam nang alarma sa sinabi nito sa kaniya. "I'm just kidding! Pinapatawa lang kita. Masyadong heavy na ang usapan natin eh." "Tatawagan ko lang si Leo. Aalamin ko lang kung pauwi na sila." "Go ahead. I'll wait you here." Tumayo siya para pumunta sa isang tabi't makausap si Leonardo — aminin niya man o hindi kinakabahan siya sa mga gustong sabihin sa kaniya ni Janice. Wala itong intensyong siraan ang dalawang tao sa buhay niya, pero dahil naging utos niya rin nang minsan ditong alamin kung magkasabay nga ba si Liezel at Leo nang sundan siya sa isang bar ay kinumpirma iyon ng mga tao sa bar. Sabihin man ng isip niyang magkaibigang sasakyang lulan ang dalawa— still halos magkasabay pa rin ang mga ito. "H-Hun..." bungad ni Leo sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. Nakahinga siya nang maluwag. "S-s'an na kayo? K-kumain na ba kayo?" tanong niya sa mga ito. "Pababa na ng condo ni Liezel. Something wrong?" Napabuntong-hininga siya't tumingin sa gawi ni Janice. Nahuli niyang umiling-iling ito. "Nasa isang cafe kami ni Janice, mamimili lang ng kailangan and after uuwi na rin." "Ah. Sige. Gusto mo ba sunduin kita?" "Huwag na. Pauwi na rin kami, kumain na lang kayo sa bahay kapag mauna kayo ha." "I will. Mag-iingat kayo, Hun. Mag-iingat ka." "S-salamat, Hun. Ikaw rin. Kayo ni Liezel." Nagpaalam na siya rito't muling bumalik sa gawi ni Liezel. Nagtaas ito ng tingin na punong-puno ng pagtatanong sa kaniya. "P-pauwi na sila." "And, you believe it?" "Nagtitiwala ako kay Leo. Pakakasalan ko nga siya 'di ba? And, for once, Jan, hindi nya sinira ang tiwala ko at pinanghahawakan ko iyon." "W-wala na akong sinabi. But remember this, Yvonne— huwag na huwag mong sabihing hindi kita pinagsabihan dahil hindi ako kailanman nagkulang n'on. Okay?" Pilit siyang ngumiti at tumango-tango sa harap nito. "Mag-iingat ka sa Siargao. Maging mapagmatyag ka sa paligid mo, wala ako r'on para samahan ka." Nagpaalam ito sa kaniyang hindi makakasama dahil sa kailangan nitong bumaba ng Baguio para sa isang seminar. "Sumunod ka na lang kung pwede ka na. Hihintayin ka naman namin." "Wala akong hangad ng kahit na anuman maliban sa kaligayahan mo, Yvonne." Hinawakan nito ang kamay niya't ngumiti sa harap niya. Kahit papano nawala ang kaba na mayroon sa puso niya't kanina lang pinag-usapan nilang dalawa; gaya na lamang ng pinagpipilitan nito tungkol kay Leo at Liezel. ILANG oras nang makauwi si Leonardo kasama si Liezel sa bahay ni Yvonne. Nagpaalam siyang sunduin ito, tumanggi lang ito dahil sa dahilang kasama si Janice at kaya na nilang umuwing dalawa. Napasulyap siya sa gawi ni Liezel. Nakatulog ito sa sofa. Napalunok si Leonardo nang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa sa condo nito, iniwasan niya nang pilit pero naging mapilit lang si Liezel. Napailing-iling na lamang siya; pagdating sa bahay ni Yvonne agad siyang naglinis ng katawan at nilabhan agad ang damit niyang suot kanina. Ayaw niyang mag-iwan ng kahit na ano'ng bakas para magduda ang mahal niyang si Yvonne. [ Uwi ka na. I miss you, Hun. ] - Sinend niyang text dito. [ Malapit na kami ako lang mag-isa, umuwi na kasi si Janice. I miss you too, Hun. ] - Reply nito sa kaniya. Muli niyang tinapunan ng tingin si Liezel. Mahimbing ang tulog nito. Gusto niya man utusang umakyat ito sa taas para d'on magpahinga ay hindi niya magawa— tulad nga ng sinabi ni Yvonne malapit na ito. Mabuti na iyong maabutan niyang tulog si Liezel at hindi ito mag-isip ng mali, kahit hindi naman ganon si Yvonne. Ilang sandali narinig niya ang sasakyan ni Yvonne sa harap ng bahay nito. Mabilis siyang tumayo para salubungin ang nobya't tulungan sa mga binili nito. "Hi, Hun. Si Liezel?" tanong nito matapos niyang halikan ito sa pisngi't mapagbuksan ng pinto ng kotse. "Nasa loob. Natutulog." "Ha? Sa room niya ba?" "No. Sa sofa." Inalalayan niya si Yvonne hanggang sa makapasok silang dalawa sa loob pagkatapos maisara ang bakod ng bahay nito. "Bakit dito mo siya hinayaang makatulog, Le?" tanong nito sa kaniya. Liningon pa siya nitong may sermon sa mga mata. "Napagod siguro sa biyahe, hindi ko na ginising dahil mukhang malalim na ang tulog eh," tugon nito sa kaniya. Nanatili siyang nakatayo lang sa may pinto habang nasa kaniya ang tingin. Dahan-dahan ang ginawa nitong pag gising kay Liezel. "Gusto mo bang ihatid ka namin sa taas para makapagpahinga ka?" tanong niya kay Liezel nang dumilat ito. Napakurap-kurap pa ito at napatingin sa kanya. "Nakatulog pala ako, Best." "Sorry sa pag-gising. Mukhang hindi ka kasi komportable sa sofa, gusto mo bang sa kwarto ka na matulog?" muli niyang tanong dito. Umupo si Liezel; animo pagod na sinandal ang likod sa headboard ng sofa. "Are you okay?" "Biglang sumakit ang ulo ko, Best. But I'm fine. Aakyat na ako. See you tomorrow?" "Kumain ka na ba?" "Kumain na ako nang dumating, si Leo ayaw pa hinintay ka." Napalunok siya nang marinig niya ang pangalan niyang binanggit ni Liezel. Wala naman itong ibang sinabi, naging paranoid lang siguro siya. "Sige na. Akyat na ako. Bukas na lang kita na lang tayo." "Okay. Okay na mga gamit mo?" "I will fix too. Good night, Best. Good night, Leo." "Good night, Liz..." Humalik ito sa pisngi ni Yvonne at tuloy-tuloy nang umakyat sa taas. Binaling ni Yvonne ang tingin nito sa gawi niya. Lumapit siya rito at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Bakit?" malambing na tanong sa kaniya ni Yvonne. "Na miss kita.." Humalik siya sa pisngi nito. Natawa ito sa kinilos niyang iyon. "Ang lambing naman. Na-miss din kita." "Sa taas na tayo? I will lock everything here lang ha." "Kumain ka na?" "May snacks naman sa room mo, right? Ayaw ko mag heavy meal ngayon eh. Ikaw ba, kumain na?" tanong niya rito. Nagmadali ang kilos niya't siniguradong naka-lock ang pinto ng bahay ni Yvonne; kusina at front door nito. "Kumain na kami ni Janice. Pero akala ko ba, sabi ni Liezel hinihintay mo ako?" Muli siyang lumapit rito at hinawakan ang kamay nito, hinila paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. "I'm fine. Don't mind me that much. Okay." "Bahala ka na nga. Sabihin mo sa akin kung ipaghahain kita ha." "I will, Honey." Kumindat pa siya rito't alam niyang nagbigay saya sa puso nito. Binuksan niya ang pinto ng silid ni Yvonne sa tabi ng silid na kung nasaan si Liezel at sinirado agad ito nang makapasok silang dalawa. "Anong mayroon? Parang ang sweet mo naman yata, Hun." "Na-miss ka lang." Tinanggal niya mula sa kamay ni Yvonne ang bag nito at nilagay ng maayos sa sofa nitong sa paanan ng kama nito. "Shower lang ako ha, Hun..." sambit ni Yvonne nang nagtangka siyang kabigin ito sa beywang para sana halikan ito. Napalunok siya nang tuluyan itong makawala sa bisig niya. Sinundan niya nang tingin si Yvonne hanggang sa walk in cabinet nito; naghahanap ng damit. "Nag shower ka na ba? Iyong damit mong dadalhin. Okay na ba?" tanong ni Yvonne sa kaniya. Napaupo siya sa paanan ng kama ni Yvonne. Hindi alam ang nararamdaman dahil sa ginawa nitong pag-iwas at sa pag-aktong na parang walang nangyari. "Take your time, Yvonne. Shower well." Tumayo si Leo nang hindi makatiis sa tampo na naramdaman dito. Tinungo niya ang veranda sa kanang bahagi sa silid ng nobya niya. SINUNDAN ng tingin ni Yvonne si Leo; napalunok siya. Alam niya kung bakit ganoon na lamang ang biglang pinakita nito sa kaniya. May gustong mangyari si Leonardo sa kanilang dalawa— at d'on ay hindi siya handa. Ilang beses na itong nagtangka sa kaniya at ilang beses na rin siyang nagpatay-malisyang hindi lang matuloy ang nais nito. May pangangailangan si Leo at hindi niya pa kayang ibigay iyon sa ngayon sa lalaki— kahit gaano niya pa ito kamahal. Pikit mata siyang pumasok sa sariling banyo sa loob ng silid niya. Halos kalahating minuto rin niyang ginugol ang oras niya sa loob bago lumabas; naka-pajama na siya. Napansin niyang nakahiga na si Leo at nakatalukbong ito ng kumot. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-upo' paghiga sa tabi nito. "Hun... Tulog ka na?" Lumapit si Yvonne sa tabi nito at niyakap si Leo. "Hun, I'm sorry. Alam kong nagtatampo ka sa akin. Pero alam mo naman ang dahilan kung bakit hinde pa natin pweding gawin 'di ba?" simula niya sa pagbukas ng usapan. Walang kahit na anong tugon mula kay Leonardo, alam nyang gising pa ito. Hindi ito nakakatulog hangga't may ilaw. "Darating din naman tayo d'on eh. Gusto ko lang talaga nang may maipagmalaki ako sa iyo. Hindi ba, mas ma-a-appreciate mo iyong pagsasama natin kung pagkatapos ng kasal natin gawin iyon?" patuloy niya sa pagsasalita rito. Kinapa niya ang kamay ni Leonardo. Hinawakan niya ito. "Makakapaghintay ka naman, Leo 'di ba? Isang buwan na lang at kasal na natin. Kaya naman natin maghintay 'di ba?" bulong niya sa punong tenga nito. Nilingon siya ni Leonardo. Umurong siya sa pagkakahiga't nagtitigan sila. Nakita niyang napabuntong-hininga ito. "Mahal kita, Yvone.. And, I respect you. Kaya kong hintayin kung kailan mo gusto. Ganon kita kamahal..." Ngumiti siya rito. Niyakap siya nang patalikod ni Leonardo, sa ilalim ng kumot na nakatabing sa katawan nito. Gamit ang remote na nasa tabi niya, pinindot niya ang switch off para sa ilaw at dumilim na halos ang buong paligid sa silid niya. "Matulog na tayo.. maaga pa tayo bukas." "I love you, Yvonne. Lagi mo sanang tatandaan," bulong nito sa kaniya. Ngumiti si Yvonne, nagpapasalamat ng lihim at hindi nagawang ipagpilitan ni Leonardo ang hinahanap ng katawan nito kani-kanina lang. "Salamat sa pagmamahal, Leo. Mahal na mahal din kita. Hinde magbabago kailanman, kahit na anong mangyari at kahit ano pa ang dumating." Ramdam niya ang ginawang paghalik nito sa buhok niya. Pinagdaup nito ang kamay nilang dalawa habang nasa ganoong ayos. MALALIM na ang gabi. Hindi pa rin magawang makatulog ni Yvonne, ang ginawa niya tinanggal niya si Leonardo sa pagkakayakap nito sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone niya sa may right side table niya't plano niyang magpaantok muna. Halos ala-una na rin ng madaling araw at tulog na tulog na si Leonardo, hindi na nga ito nagising nang gumalaw sya. Napangiti siya. Mukhang napagod yata ang nobyo niya ng husto sa biyahe nito kanina nang samahan si Liezel sa condo nito. Siya? Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin siya dalawin ng antok hanggang sa nag good night na sila sa isa't isa kanina. She scroll her Fanbook page. Natigilan si Yvonne nang mapansin ang isang pamilyar na soccer cap na paboritong-paborito ni Leonardo at hindi ang lalaki ang may suot kun 'di si Liezel; naka-tag ang isang larawan na iyon na kuha sa isang soccer court kasama ang ilan sa kaibigan ni Liezel. Nakangiti ang mga ito, bagamat wala r'on si Leonardo, pero hindi siya pwedeng magkamali na ang soccer cap na iyon ay pagmamay-ari ni Leonardo. Nanginginig ang mga kamay na lumingon siya sa gawi ni Leonardo. Nagtangka siyang gisingin ito para itanong ang bagay na iyon makumpirma ang kutob niya nang biglang gumalaw-galaw si Leonardo. "Ah!!! Ah!! Luv!! Ah.!!" Malinaw na mga salitang narinig niya mula rito habang nakapikit ang mga mata nito; mukhang nananaginip si Leonardo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD