The Scandal | Chapter 14

1389 Words
"DITO ka na muna sa bahay, ako na muna mag-aalaga sa iyo," ani ni Yvonne sa kaibigang si Liezel nang magpumilit itong magpa-discharge kinabukasan. Pumayag naman ang doctor niya nang sabihin nitong maayos na siya at wala nang nararamdaman. "Makakatulong sa akin iyong trip natin bukas sa Siargao," nakangiting sabi sa kaniya. "Ipapakuha na lang natin kay Leo mga gamit na dadalhin mo. Nasa Tagaytay ba?" tanong ni Yvonne dito. Abala siya sa paghahanda ng tanghalian nila ng kaibigan; sinigang na baboy ang iluluto niya rito ang paborito nilang dalawa noong nasa Aklan pa lamang sila. "Kung samahan ko na lang kaya si Leo sa condo ko sa Cavite. Okay lang ba?" Napatingin siya sa gawi ni Liezel nang marinig ang suhestiyon nito. Nakaupo ito paharap sa kaniya sa bar area ng bahay niya. "But if it's not it's okay. Nakakahiya naman kay Leo." Umiwas siya ng tingin dito. May bahagi ng isip niya ang nagsasabing huwag pumayag sa gusto nitong mangyari naroon din naman ang pag-alala na baka hindi pa ito fully okay at may maramdaman na naman sa katawan nito. "Tatanungin ko si Leo, if he's available." "Kung ikaw na lang kaya sumama sa akin? I can drive naman na, Best," anito sa kaniya. Gustuhin niya man may kailangan siyang gawin ngayon; ihahanda niya pa ang lahat ng dadalhin niya't ganon din kay Leo. Magpapasama rin siya kay Janice para sa mga kailangan nilang bilhin for emergency. Ikukumpirma niya rin sa kaibigan kung sasama ba ito sa kanila at kung handa na rin sa mga kailangan nitong dalhin. "Okay. Sa taas lang ako, Best. I will take a rest muna. Okay lang ba?" "It's okay. Sige na. Kailangan ko rin ihanda itong ulam natin," nakangiti niyang tugon dito. Sinundan niya ng tingin si Liezel hanggang mawala ito sa tingin niya. Pinigilan niyang mag-isip ng kung anuman. Pinagpatuloy niya ang ginagawa. Pilit niyang binabaling sa iba ang negatibong isipin— she want to make everything fine, iyon ang gusto niyang mangyari sa ngayon kaya lahat ng pagdududa na mayroon siya kakalimutan niya. "Hi, Hun.." Tinaas ni Yvonne ang tingin niya nang biglang dumating si Leonardo kung saan man ito galing hindi niya napansin dahil sa pagiging abala ng isip niya sa kung saan. "Hi, Hun.." "Are you okay?" "Oo naman. Magluluto pala ako." Binaling ni Yvonne ang tingin sa mga rekadong nilagay niya sa kaniya-kaniyang lalagyan. "Saan ka nanggaling?" "Tiningnan ko lang ang van na gagamitin natin. W-why? May nangyari ba?" Umiling-iling siya. "Oo nga pala, Hun. May hininging pabor si Liezel, kung pwedi mo siya samahan sa condo niya sa Cavite. Kukuha lang ng mga gamit niya para dalhin bukas.." Napakunot-nuo si Leonardo nang tumingin sa kaniya. "Bakit kailangan ako? Pwede naman siyang mag-grab 'di ba? Or, she can use your car," pagtanggi nito. Napalunok si Yvonne nang may hindi maintindihang nararamdaman. "S-sige na. Minsan lang naman maglambing si Liezel eh. Atsaka 'di ba, kagagaling niya lang sa hospital... tapos hahayaan natin mag-grab or mag-drive?" "Yvonne, naman. Masyado mo naman bini-baby si Liezel, kaya niya naman siguro. O, baka ikaw na naman ang nag-desisyon in behalf of me?" may tampong turan nito sa kaniya. Umikot siya sa gawi ni Leonardo at pinatong ang dalawang kamay sa balikat nito. "P-Please..." pagsusumamong tingin niya. "Sasama ka?" "May lakad kami ni Janice. Mamimili ng kailangan natin." "Tapos iba ang kasama mo? Ikaw dapat ang kailangan kong samahan dahil ikaw ang girlfriend ko." "Ito naman! Wala ka bang tiwala kay Janice?" "Hindi naman sa ganoon, Von. Pero sa 'yo ako may obligasyon 'di ba? Ako dapat ang kasama mo." "Pero wala akong sakit! I mean, hinde ako nagkasakit. Sige na. Go na." NAPALUNOK si Leonardo nang ipagpilitan ito ni Yvonne sa kaniya. "Alright. But this is the last favor from you, Ms. Yvonne Gonzalo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Ngumiti si Yvonne nang sabihin ni Leonardo ito sa harap niya. "Thank you, Hun.." Isang mabilis na kintal sa labi ang pinagkaloob ni Yvonne sa kaniya, pagkatapos muli itong bumalik sa ginagawa. Sinundan niya ng tingin ang simpleng mapapangasawa. Nang hindi makaya ang guilt na nararamdaman, pinili niyang tumalikod matapos magpaalam dito. "Mabuti pa si Yvonne, ang bilis kausap. Ikaw, sa iyo kailangan ko pa talaga makiusap," reklamo ni Liezel nang makasampa na ito sa kotse niyang dala matapos magpaalam kay Yvonne. Hindi na nila nagawang magtanghalian, sa hapunan na lang daw nila kakainin ang niluto nito. "Nag-iingat lang ako." "Hindi ka umiiwas?" tanong ni Liezel sa kaniya. Nang masiguradong nakalayo na sila mula sa bahay ni Yvonne— pinagdaup ni Liezel ang kamay nilang dalawa. Hinde niya na nagawang iiwas ito sa kasama. Napasinghap na lang siya. "Na-gui-guilty na ako, Liezel. Ang bait-bait ni Yvonne. Alam kong alam mo iyon." Mabilis ang ginawang pagbawi ni Liezel sa kamay nilang magkahawak nang sabihin niya ito. "Babalik na naman ba tayo dito? For God's sake, Leo! Nag-usap na tayo 'di ba? We will stop oras na maikasal kayong dalawa!" anito sa kaniya. Lumingon siya rito para ikumpirma kung totoo ba ang sinasabi nito. Duda siya kay Liezel— alam niyang labag sa loob nito ang mga pinakawalan nito. "Titigil na ako kapag kasal na kayo! Pero ngayon, maniwala ka sa akin.. hindi pa naman pagkakasala 'to eh. Pinagbibigyan lang natin ang sarili natin, Leo." "Alam mong may karma 'to! Lahat ng ginagawa nating 'to sisingilin tayo pagdating ng panahon! At natatakot ako for you, hindi lang sa akin o hindi lang sa amin ni Yvonne!" totoo niyang sambit dito. Binalik niya ang tingin sa daan— mabuti na lang wala naman gaanong traffic kaya malapit na sila sa kung saan naroon ang condo nito. "Akala mo ba hindi rin ako natatakot, Leo? Hindi ako ganoon kasamaang tao! N-natatakot akong mawala ka sa akin, but I know kung saan ako hihinto at kung hanggang kailan lang tayo!" "Nagsasabi ka ba ng totoo?" tanong niya. Gusto niyang siguraduhin kay Liezel iyon. "Nasa tamang tao ka.. At si Yvonne iyon." "Alam ko... Pero paano kung nasa tamang tao nga ako, pero dahil sa mga maling ginagawa natin habang buhay naman ako magbabayad ng karma?" Napalunok siya sa biglang kabang nararamdaman niya. "Easy, Luv. Huwag kang masyadong mag-isip. Please. Tatanggapin naman kita kung iiwan ka niya 'di ba? I'm here. Don't worry!" Muli nitong pinagdaup ang palad nilang dalawa. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari— wala siyang ibang gustong makasama habambuhay kun 'di si Yvonne lang. Ito lang ang mahalaga sa kaniya at hindi iyon matutumbasan ng kahit na sino, kahit para sa kaniya na kay Liezel na rin iyong lahat; maganda, sexy, mula sa mayamang pamilya at may magandang karera sa pagmomodelo sa ibang bansa. "Nalalapit na iyong kasal niyo and aside of that, nalalapit na rin iyong pag-alis ko... I'm going to Paris two weeks from now." Liningon nya 'to. Wala man lang itong nabanggit sa kanya. Pinili ni Leonardo na itabi ang kotse sa daan sa harap ng isang bakanteng lupa nang marinig ito kay Liezel; nasa Cavite na rin sila. "Why don't you tell me?" tanong niya. "Tinaon ko talagang umalis sa linggo ng kasal niyo, Leo." "Maid-of-honor ka ni Yvonne, right? Alam niya na ba 'to?" Umiling-iling ito sa kaniya. "Janice is there." "Pero iba ka. Ikaw iyong pinakamatalik na kaibigan niya." "Pero ayaw kitang makitang kinakasal sa kaniya, Leo. Dahil kung iyon iyong pinakamasayang araw sa buhay niyo ni Yvonne— iyon naman ang papatay sa akin." Walang paalam ang ginawa niyang paghawak sa pisngi nito para iharap sa kaniya. "Leo, mahal na mahal kita. Alam mo naman iyon 'di ba? Alam kong mali at kailan hindi magiging tama... but I cant stop loving you, Luv!" Hindi niya natanggihan ang yakap na pinagkaloob sa kaniya ni Liezel. "L-Liz, you give me everything that I need and want from Yvonne. Hindi lang ikaw ang nagkamali, ang nagkasala sa sitwasyong 'to. And, believe me... m-minahal din kita." Napalunok siya nang bitiwan niya ang mga salitang iyon kay Liezel. Binigyan niya lang ito ng dahilan para maniwalang masaya siya sa lahat ng panahon na pinagsaluhan nila sa likod ni Yvonne. "T-then.. let me to experience you this, Luv. Dahil hindi kaya ni Yvonne na iparamdam 'to sa 'yo, Leo. Ako lang! Sa akin lang!" Napasinghap si Leo nang maramdaman ang kamay ni Liezel sa gitna ng hita niya't ibaba ang zipper sa suot na pantalon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD