The Scandal : Chapter 11

1289 Words
Batangas, City Jail. "KAMUSTA ka na, Anak? Si Y-Yvonne?" tanong ng ama ni Leonardo nang dumalaw siya sa presinto. Wala ito sa plano niya ngayon, pero ilang buwan na rin siyang hindi nakakabisita mula sa huling dalaw nila kasama si Yvonne. Tumikhim muna siya bago niya sagutin ang tanong nito. "She's fine, Pa. Hindi lang siya sumama ngayon sa akin dahil kailangan niyang magpahinga," totoong sagot niya rito. "May nangyari ba kay Yvonne?" "Wala naman ho. Medyo stress lang dahil sa pag-aasikaso sa kasal namin." Ngumiti ito sa kaniya. "Masaya ako para sa inyo, Leo. Sana lang huwag kang tutulad sa amin ng mommy mo." Nalungkot si Leonardo nang marinig ang mga salitang iyon mula sa tatay niya. Ang hindi nito alam ay nakakagawa na siya ng ilang bagay na labag sa loob nito; sa maaaring makasira sa kanila ni Yvonne. Para sa kaniya wala siyang pinagkaiba rito n'ong nasa laya pa ito. Hindi niya makakalimutan ang mga ginawang pambabae ng ama niya sa mommy niya bago pa ito masangkot sa isang malaking eskandalo sa pamilya nina Yvonne kaya nakakulong ito ngayon. "I will, Pa. Pangako ko naman sa inyo iyon ni mama," labas sa ilong niyang sabi rito. Gusto niya man itama ang mali sa pamamagitan ng pagsabi ng totoo sa ama niya'y sa ngayon hindi niya pa makakaya. "Ikamusta mo na lang ako kay Yvonne. Paulit-ulit mo akong ihingi ng tawad sa kaniya, kami ng mommy mo!" malungkot nitong saad sa kaniya. Matagal na itong napatawad ni Yvonne, ang kailangan na lang siguro hingan ng kapatawaran ay ang ama ni Yvonne. "Makakarating kay Yvonne, Pa. Huwag kayo mag-alala kapag bakante siya ay isasama ko siya rito." "Magpakasal na agad kayo para naman magkaroon na agad kami ng apo ng mama mo at ng daddy niya. Sigurado akong magandang bata ang magiging anak niyo." Ngumiti siya rito. Iyon din ang pangarap niya noon pa man mula noong maayos pa sa kanila ang lahat; ang mga panahong wala pang lamat dahil sa mga maling desisyon ng mga ito. Masasabi ni Leonardo na kasalanan ng mga magulang niya ang lahat kung bakit naroon ito sa sitwasyon ngayon; nagnakaw ito ng malaking pera sa kompanya ng ama ni Yvonne pagkatapos silang pagkatiwalaan. Napabalita man na gusto silang ipapatay ng pamilya ng mapapangasawa ay walang sapat na ebidensya para ibalik nila ang kontra-demanda. Pero sa kabila n'on, nanaig pa rin ang pagmamahal nila ni Yvonne sa isa't isa at hindi naging dahilan ang eskandalo na iyon para sila ay maghiwalay. "Sigi na. Balikan mo na si Yvonne. Baka kailangan ka niya." Sinundan niya ng tingin nang tumayo ito. Tanggap ng buong pamilya niya si Yvonne— nasilaw lang talaga sa malaking halaga ang magulang niya dahil na rin siguro sa pagiging adik nito sa casino. "Salamat, Pa... Babalitaan ko na lang kayo tungkol sa kasal namin. Mag-iingat kayo rito." Niyakap siya nito, tinapik-tapik ang likod niya. Sa isip ni Leonardo, gusto niyang ipagtapat sa ama ang lahat. Nawawalan lang siya ng lakas ng loob dahil ayaw niyang imungkahi nito na iwan niya na si Yvonne kung hindi niya nagawang makuntento dito na naging resulta ang pagkakasala niya sa pamamagitan ni Liezel. ---- NAKAAYOS na si Yvonne nang makatanggap siya ng tawag mula kay Liezel. Niyaya siya nitong manuod ng sine, pumayag naman agad siya dahil wala naman siyang gaanong gagawin. Ang sabi sa kaniya nang kaibigan ay maghintay na lang siya ng tawag nito kapag malapit na ito sa bahay niya. Napangiti siya sa mga naiisip. Wala si Leonardo dahil nagpaalam ito kanina sa kaniya na dadalawin ang daddy nito sa presinto. Hindi niya na nagawang sumama rito, dahil ang akala niya'y pupunta siya sa hospital kung saan siya nagtrabaho bilang physical therapist— gusto niya sana personal na imbitahan ang mga naka-trabaho niya noon sa kasal nila ni Leo. Tumawag lang si Liezel kaya hindi siya natuloy. 'Sa ibang araw na lang siguro,' nakangiti niyang bulong. Pasado alas sais na ng gabi, hindi pa tumatawag sa kanya si Leo o nag-text man lang kung umuwi na ba ito o kung nasaan pagkatapos dumalaw; ang alam niya sa ilang beses niyang pagsama dito ay hanggang alas kwatro lang ang oras ng dalaw. May lungkot sa mga mata ni Yvonne nang tingnan niya ang repleksyon sa salamin. Ilang beses na rin siyang nakiusap sa daddy niya na iurong na lang ang demanda sa mga magulang ni Leo, nagmamatigas lang ito ngayon pero alam niyang isang araw ay pagbibigyan din siya nito. Nag-iisang anak lang siya, kaya hindi pa rin siya matiis ng ama niya. Sa ngayon siguro gusto lang nitong bigyan ng leksyon ang parents ni Leo. Hindi nga naman biro ang halagang nakuha sa kompanya nila sa Zambales, na nagdulot ng malaking eskandalo tatlong taon na ang nakakalipas. Mabuti na lang at nanatili ang katatagan nila sa isa't isa ni Leo. 'Iyon nga nalampasan natin. Paano pa kaya iyong mga darating na pagsubok sa relasyon natin? Nagtitiwala akong malalampasan natin ang lahat ng iyon Leo. Hindi kita isusuko at bibitiwan kahit na ano'ng mangyari. Pangako!' Napasinghap siya matapos sabihin sa sarili iyon. Sana nga makaya niya! Sana magawa niyang ipaglaban si Leonardo at ang relasyon nila kahit na anong mangyari.. sigaw ng isip niya. [ Best. I'm here na sa labas. Are you ready? ] - Liezel. Nagmadali siyang tumayo pagkatapos i-check ang gamit sa pouch niyang dala. She checked everything din kung na-lock niya nang mabuti ang bahay niya at mag-alala na naman si Leo kung sakaling makalimutan niya ulit. "Hi! Water ka muna?" Alok ni Yvonne kay Liezel nang labasin niya ito. Hindi na ito nag-abalang bumaba mula sa kotse nitong dala. Umupo siya patabi sa driver seat. Napakaganda ni Leizel, aniya. Hinalikan siya sa pisngi nito matapos batiin. "Don't bothered yourself. Okay lang ako. Baka ma-traffic tayo, may baon naman akong water, Best." Napansin niyang napatingin ito sa labas ng bintana. "Sino'ng kasama mo sa bahay?" tanong nito sa kanya. "Ahm. Ako lang. Kagabi at kanina si Leo, pero umalis siya dumalaw sa parents niya," sagot niya. Tumango-tango lang ito. "Hindi pa nga nag-te-text o tumatawag kung nakauwi na sa kanila eh," aniya pa. "Why don't you call him? Naku! Baka may ibang mini-meet iyon ha," natatawang sambit nito. Alam niyang nagbibiro lang si Liezel. "Biro lang," pagbawi nito. "Leo is loyal... kung mambabae man iyon, malalaman ko rin naman agad," ganti niya sa biro nito. Natawa pa siya matapos sabihin iyon sa harap ni Liezel. "How will you know? What if magaling magtago?" ganti ni Liezel sa kaniya. "Pare-pareho lang naman ang kaliskis ng ahas. Magpalit man ng balat, ay ahas pa rin iyon — kahit saan man magawi mahuhuli ko pa rin," makabuluhang saad niya rito. "Kung ano-ano naman pinag-uusapan natin. Ang mabuti pa umalis na tayo, baka traffic..." nakangiti niyang sabi rito. LIHIM na sinulyapan ni Liezel si Yvonne nang lumingon siya sa gawi nito. Napataas kilay siya. Muli niyang naramdaman ang galit para kay Leonardo kung nagparamdam lang sana ito sa kaniya mula nang iwan siya nito sa Tagaytay ay hindi sana siya magsasayang ng oras na makasama niya si Yvonne ngayon, para lang may makuhang impormasyon dito kung nasaan si Leonardo. 'Kung inaakala mong mahuhuli mo ako. Pwes! Nagkakamali ka! Dahil ang makamandag na ahas ay hindi nagpapahuli sa isang mahina at tangang nilalang na kagaya mo!' sambit niya sa sarili para sa kaibigang nasa tabi niya ngayon. 'Tutuklawin kita bago mo ako mahuli nang sa gayon mawala ka sa landas namin ni Leonardo!' galit pa niyang turan dito nang muling sulyapan si Yvonne habang abala sa cellphone nito. Wala man lang itong kamalay-malay na ang ahas na sinasabi nito'y nasa tabi niya lang. Na pwedi niyang tuklawin— anong oras niya man gustuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD