Kita sa mga mata nito ang pagsinta o sadyang magaling lang magdrama si Brayden? “Oh, well… good luck then.” Saad ng babae kaya nabaling ang tingin ni Brayden sa dalawa. “Uuwi na kami Bray flight namin bukas.” Tumango lang si Brayden tas tumayo na nga ang dalawang babae. Nang tumalikod na sila sinundan niya pa ng tingin. Maging sa pagtalikod ng dalawa sobrang ganda pa rin. “Yose?” untag sa kanya ni Brayden. “Hindi ako naninigarilyo.” Sagot niya. Hindi kumibo ang binata at sinindihan na lang ang sigarilyo at saka humithit. Umupo siya agad sa inupuan ng dalawang babae kaya nagharap sila ni Brayden. “Sino ang mga ‘yon, Señorito?” tanong niya agad. “Bakit?” “Wala naman po nagtatanong lang. Napakaganda naman nila.” Ngumisi si Brayden. “Gano’n ang totoong maganda pero wala pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books