APAT na sasakyan pa ang dumating kabilang na sina Donya Consuelo at Don Alfonso, ang mga magulang ni Brandon. Busy ang mga katulong sa paghahanda habang ang dalaga ay nakatulog sa kulungan ng asong si Vlad. Malakas ang hampas ng hangin lumulusot sa rehas dito sa kulungan dahilan para manginig si Jenny. Kinapkap niya si Vlad para sana yakapin upang maibsan ang panlalamig ngunit napamulat siya ng mata nang may humaplos sa mukha niya. “Why are you here, sweetheart?” malambing ang tinig ni Brandon. “S—sir… kayo po ba ‘yan?” piyok ang tinig niya. Inayos ni Brandon ang buhok niya tas niyakap siya nito. Siya na ang kumalas kay Brandon. “Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Bakit dito ka natulog?” Bumangon siya at agad siyang tinulungan ni Brandon. “Nakita ko si Alvaro kanina