ANDREA’S POV LATE akong nagising kinabukasan. Paggising ko, wala na si Ezi sa kama namin. Mas mabuti iyon, nakakahiya kapag nalaman niyang mahabang oras ko siyang tinitigan dahil sa mga salitang inilabas ng bibig niya. Alam kong baka dahil sa nakainom siya, pero may isang tinig sa aking isipan na kumukontra. Kaagad akong naghilamos at nagsipilyo pagkababa ko ng kama. Dumiretso din ako sa malaking kusina nila kapagkuwan at nagtimpla ng maiinom. Hindi ko ugaling mag-utos sa iba kapag wala sa bahay o sa opisina kaya ako na lang nag-serve ng pagkain at kape ko. May nakahain naman na. Kakain ka na lang talaga. Hindi pa ako nagkakalahati sa kinakain nang pumasok si Ezi. Mukhang galin siya sa pag-ehersisyo dahil sa basang damit niya lalo na sa likod. Hinihingal din siya. “Good morning, wife.