Chapter 7

1403 Words
ISANG BUWAN na akong katulong ni Boss Asul. Infairness, nalagpasan ko 'yung mga araw na sinusumpong siya ng kasungitan niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang bilis niyang ma-badtrip, eh. No'ng ipinanganak siguro siya noon ay half-moon. Simple lang naman ang buhay. Hindi naman niya kailangang problemahin ang tirahan at pagkain niya dahil mayaman siya. Mabibili niya rin lahat ng gusto niya. In other words, may financial freedom siya. Samantalang ako, gano'n pa rin naman, nagsisikap para sa amin ni nanay. Ngunit hindi ako katulad ng boss kong pinoproblema ang hindi dapat problemahin. Pero kahit masungit, suplado, at bugnutin si boss, bilib pa rin ako sa kanya. Kahit na minsan ay hindi niya kinakain ang mga niluluto ko, crush ko pa rin siya! Paano'y hatid-sundo niya ako sa bahay. Ang taas din ng pasuweldo kahit wala naman akong masyadong ginagawa. Sa'n ka makakakita ng katulong na trenta mil ang suweldo plus benefits? Okay lang naman kahit saksakan siya ng sungit, mapagtitiisan ko pa rin naman. Bumabawi lang ako minsan 'pag nagpapatimpla siya ng kape, nilalagyan ko ng maraming sili, 'yung powder. Masyado siyang istrikto. Kaunting pagkakamali lang pinapagalitan ako. Tulad ngayon, hindi ko naman sinasadyang sunugin ang suit na pinaplantsa niya ko, eh. Kasalanan ko ba kung mainit ang plantsa? "I didn't ask you to do that for me, right? The last time I checked, hindi 'yan kasama sa responsibilities mo." Nakatiim ang kanyang bagang at parang nagtitimpi na naman siya sa'kin. Lagi na lang siyang gano'n. "Sir naman! Ako na nga ang nagmagandang loob, ako pa ang mapapagalitan. Eh, hindi ko naman sinasadya, ah." "It's expensive! Uubusin mo ba ang damit ko kakasunog?" Napahilamos siya ng mukha. Ang hot talaga ni Sir 'pag naiinis. Namumula kasi pati ang dibdib niya. "Grabe ka naman, Sir. Ika-eleven pa lang naman itong nasunog na suit ninyo. Bili na lang kayo ulit, ang yaman n'yo naman, eh." Habang sinasabi ko iyon ay tiniklop ko na ang nasabing amerikana. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na hindi mo obligasyon 'yan?" Nanggalaiti na siya. "Depende po sa inyo. Lagi naman kayong unli," pabulong kong tugon. "What?!" "Wala po. Sorry na po. Hindi na mauulit. Hindi na ako magpaplantsa forever." Umismid ako. Tiningnan lang naman ako ni Boss Asul at diretsong lumabas na ng kuwarto niya. "'Yung boxers n'yo po palang pula, batik-batik na!" sigaw ko kahit 'di niya na naririnig. Nilagyan ko kasi ng zonrox 'yung parang mantsa na ayaw matanggal, ayon pumuti. Ay, batik pala. 'Pag bored kasi ako ay nilalabhan ko na lang 'yung mga kaya kong labhan, maliban na lang sa mga kurtina at bedsheet na pinapadala ko sa laundry shop. Wala naman kasi akong ibang gagawin pagkatapos ng mga daily routine ko. Tinapos ko ang pagtutupi tsaka nilagay ang mga iyon sa closet. Pagkalabas ko ng kuwarto ay dumiretso ako sa kusina. Nadatnan ko ro'n si boss na nakatitig sa pagkaing nakahain sa lamesa. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay tiningnan niya ako saka muling ibinalik ang tingin sa pagkain. Nagpapabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa pagkain. Hindi ko tuloy napansin na ginaya ko na rin siya. "What are these?" kunot-noong tanong niya. Parang nakakita siya ng dragon ball sa lamesa kung maka-react. "Scrambled egg 'yan, Sir, tsaka hotdog." Naupo na ako sa kabilang upuan. Sanay na kasi akong sabay kaming mag-breakfast. Iyon nga lang mas maaga na ang pasok ko ngayon, 7am na. Umupo na rin si Sir sa harap ko. Umagang-umaga mukhang badtrip na naman siya. Ipinatong niya sa lamesa ang kanang siko niya at hinawakan ang kanyang sentido. "Is this really a scrambled egg?" "Oo naman po," katwiran ko. "Hindi kasi halata," malungkot niyang sabi. Mukhang nai-stress siya. Hindi ko talaga ma-gets ang mood ni boss. Sa tuwing nakikita niya kasi ang luto ko para siyang bibitayin. As if naman mamamatay siya kung kakain siya ng sunog na itlog at hotdog. Ang OA niya, ha. **** "HI, ENDANG!" "Oh? Nabuhay ka?" Napatigil ako sa paglalakad nang biglang lumitaw sa gilid ko si Bernardo. Kabababa ko lang ng sasakyan ni Boss Asul dahil inihatid niya ako rito sa kanto. Hindi naman makapapasok ang sasakyan niya sa harap ng bahay dahil masyadong masikip ang daan papasok. Masama rin ang panahon. Medyo pabugso-bugso rin ang hangin. Mabuti na lang at tumila na rin ang ulan. "Na-miss kita, Endang," aniya. Pinaningkitan ko siya ng mga bilog ko. "Huwag mo nang simulan kung ayaw mong makipaghalikan sa takong ng sapatos ko." "Sabi ko nga hindi kita na-miss... Miss na miss lang. Oooops----!" Akma ko siyang susuntukin nang lumayo siya agad sa 'kin. "Ang tahimik na ng buhay ko, Bernardo! Huwag mo nang guluhin, okay? Akala ko ba nagsawa ka na sa pambubuwisit sa'kin?" "Hindi kita binubuwsit, minamahal kita, Endang. At na-realize kong hindi pala dapat ako matakot dahil may manliligaw kang iba, hindi pa naman kayo kasal, kaya ipaglalaban kita," seryosong deklara niya. Akmang hahawakan niya ako sa braso nang biglang may kamay na humila sa'kin palayo mula sa kanya. "What's going on?" Si Boss Asul. Hindi pa pala siya nakaalis. Tingin ko ay inantay niya makarating ako ng bahay bago siya umalis. Seryoso ang kanyang mukha ngayon. "Ginugulo ka ba niya?" Hindi siya nakatingin sa 'kin habang nagtatanong. Nagsukatan sila ng tingin ni Bernardo. Lumiyad pa nang bahagya ang huli para ipakita ang walang laman niyang dibdib. "S-Sir... Hindi po." "Manliligaw niya ako. Bakit? May angal ka?" maangas na sabi ni Bernardo. Gumalaw ang panga ni Boss Asul. Napadiin din ang paghawak niya sa braso ko. "Ahm---" Gusto ko sanang tadyakan si Bernardo dahil sa sinabi niya pero nagpigil ako. "You are?" Tila hindi makapaniwala si Boss Asul. Tiningnan pa niya ito mula ulo hanggang paa. "Oo! Bakit? Ano ka ba niya, ha? Sa oras na sagutin niya ako, hinding-hindi ka na makalalapit pa kay Endang ko." Agad kong pinigilan si Boss Asul nang biglang kumuyom ang kanyang kamao. "I'm her boyfriend, so back your balls off," madiing wika ni Boss. Natulala ako nang ilang segundo. Muntik ko nang mabitawan ang shoulder bag ko. Hindi agad ako nakapasalita. Nagsimula na namang pumatak ang ulan. Natauhan lang ako nang umihip ang hangin. Nilipad ang aking buhok. "Totoo ba 'yon, Endang?" Nanginginig ang boses ni Bernardo, pero mas nanginginig ang mga tuhod ko. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Boss saka tumakbo. "Endang!" "Allenda!" Hindi ko sila pinansin. Basta tumakbo lang ako pauwi ng bahay. Kaya lang hindi agad ako nakapasok dahil sumalubong sa akin ang pinto ng bahay namin. "Ahhh!" I swear, nakita ko ang buong galaxy bago nagdilim ang aking paningin. "Allenda!" **** NAGISING ako na puting kisame ang unang sumalubong sa akin. Kumurap ako ng dalawang beses bago inilipat ang tingin sa gilid. "S... Sir?" Mabilis akong bumangon nang ma-realize kong nasa loob pala ako ng ospital. "Please don't!" "Anong nangyari?" Nasapo ko ang aking noo. Naramdaman kong may benda pala ako. "Buti naman nagising ka na, Endang." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si nanay. Lumapit siya sa 'kin. "Nay?" "Nilipad ng hangin ang pinto natin. Bakit kasi hindi ka umilag? Ayan tuloy nagkabukol ka," aniya. "Huwag ka munang gumalaw." Si Boss Asul. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Bakit ka po nandito, Si---" "Sinundan kita," putol niya sa sasabihin ko. Kinuha niya rin ang isang kamay. "Magpahinga ka muna, okay? Bukas ka na lalabas. Mabuti na lang at bukol lang ang natamo mo Hindi ka nag-iingat," dire-diretsong sabi niya. Napanganga ako. "Oo nga. Mabuti na lang at dumating ang boypren mo, Endang. Hindi mo naman agad sinabi na ang pogi pala niya at mabait pa." Napangiwi ako sa sinabi ni nanay. Pumasok sa utak ko ang huling nangyari kanina. "Nay, hindi ko po siya bo--" "Ay, teka! Lalabas pala muna ako. Bibili lang ako ng pagkain...' Blue, anak, ikaw na muna ang bahala kay Endang, ha?" Tumango naman si Boss Asul at ngumiti pa kay nanay. Nanggigil ang kalooban ko. Bakit ayaw nila akong pagsalitain? Seriously? Close na sila? Mahabang katahimikan ang namayani pagkaalis ni nanay. Pero sa huli ay hindi rin ako nakatiis. "Bakit mo sinabing dyowa kita, Sir?" Lakas-loob kong tanong. Hindi siya sumagot. Blangko ang kanyang mukha. Malaking kaguluhan ito. Tiyak na aasa si nanay na nakabingwit ako ng pating sa dagat pero hindi! "Sir?" Nilaro lang niya ang kamay ko. Nakaramdam na naman tuloy ako ng kuryente. "Bakit? Ayaw mo ba?" bigla ay sabi niya. "Po?" Napasinghap ako. Kailan pa naging kami? ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD