Tila hindi pa rin nakakawala si Nina Santelos sa pag ibig niya sa dating kasintahan. Dahil doon ay hindi niya magawang hayaan ito sa oras ng pangangailangan, kahit pa halos ipagtabuyan na siya nito. Ngunit dulot ng desisyon niyang iyon ay ang tila pag usbong ng panibagong pagkakataon para sa kanya. Magdulot kaya ito ng kasiyahan o panibagong panibugho.