Not welcome Ilang sandali akong natahimik dahil sa sinabi niya. Ganoon rin naman siya na nakatingin na sa ibang direksyon. Seryoso lang ang mukha niya habang nililipad ng hangin ang buhok niya. Hindi naman iyon masyadong malakas pero sumasayaw iyon sa bawat hagalpak ng hangin sa buhok niya. Nakapaneywang pa siya. He's dead silent still... he's scary. Iyong tipong pag kinausap ka ay kakabahan kana dahil baka nagawan mo ng masama kaya may binabalak nang masama sayo. Bumaba ako sa bench na pinagpatungan niya sa akin nang tumalim agad ang tingin niya sa akin. Hindi ako nagpatinag doon. Ayoko nang magtagal kasama siya dito! "Manatili ka nga diyan sa taas!" Hahawakan niya na sana ang braso ko nang marahas ko iyong tinabig. I don't want to feel him. Naiinis ako sa kanya! "Pwede