PMS2-11
"COFFEE sir?" anang secretary niya.
"Yes, please," sagot niya at nahilot ng kanyang sintido. Nasa kalapit siya na branch ng clinic niya nag-oopisina ngayon at sa totoo lang ay stress na stress siya. Ang dami pa lang na-damage ang mga kagamitan niya sa clinic at kailangan niyang bumili ng mga bago. Initsa niya ang folder sa mesa at sumandal ng todo sa kanyang swivel chair. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang nobya. Nakailang ring pa bago tuluyang may sumagot.
"Con," may himig ng paglalambing ng dalaga sa kanya nang ito'y sumagot.
"I miss you Krimy. God! How I missed to touch you," aniya na may kasama pang buntong-hininga.
"Ako rin Con," ani ng dalaga. Bigla namang nag-pop-up ang kanyang messenger icon and it was Jarsey. Binuksan niya ito at agad na bumungad sa kanya ang kakukuha lang nitong litrato. Nakahiga na ito sa kama at suot nito'y manipis na blusa. Klarong-klaro pa ang n*****s nitong bumabakat sa damit ng dalaga.
"Damn Krimy, you silly," marahas niyang anas. Narinig niya ang malutong na pagtawa ng dalaga.
"Wala kaya akong ginagawa. Maganda ba ako?"
"Really, huh? You're teasing me Krimy. And Krimy, you're beautiful inside and out." Narinig niya ang marahang pagtili nito na tila yata ay kinikilig sa kanyang mga sinasabi.
"Con, may gusto lang akong itanong."
"What is it Krimy?" tanong niya. Bumukas naman ang pinto at dala ng kanyang secretary ang kapeng inutos niya. Sumenyas lang siyang ilapag ito sa table.
"Con? Nandiyan ka pa ba?"
"Yes."
"May ginawa ka ba para mapaalis sila Tamara rito?" Nakagat niya ang kanyang labi at napangiti. Iyong ngiting akala mo nanalo sa lotto.
"No, why?" pagsisinungaling niya. She don't want Jarsey to know that's he's threatend by Tamara's presence.
"Talaga? Akala ko kasi'y gumawa ka ng paraan para mapaalis sila rito. Nabanggit kasi sa akin ni Karl na ang pamilya mo na ang tatapos sa medical mission dito sa amin." Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang mabanggit ng dalaga ang pinsan nitong si Karl. Yes! He admitted it to his self. Nagseselos nga siya kay Karl kahit pa pinsan pa ito ng dalaga. Kaya nga siya mukhang praning no'ng bigla siyang nag-walk out ay dahil sa selos.
"Magkakilala ba si Karl at Tamara?" he asked.
"Boyfriend niya ang pinsan ko. Three years na raw." Mas lalong kumunot ang kanyang noo. Napaisip siya. If they started three years ago, it means that Tamara never really pursue her scheme to that billionaire old man. He shrugs his shoulders. Who cares? And he don't care!
"I see. Well, mabuti na iyong wala na siya riyan para rin 'di ka na niya magulo pa," aniya sa nobya.
"Sabagay. Kumusta araw mo?"
"Stressful Krimy but then you vanished it all. I want to touch you down there," aniya na may kasama pang pagkagat sa kanyang labi. Rinig na rinig naman niya ang marahas na paghinga ng dalaga.
"Ako rin Con," anito. Tumikhim siya. Tila yata'y tinigasan siya. Bigla namang bumukas ulit ang pinto ng kanyang opisina. It was his secretary. Sumesenyas ito na nandiyan na ang mga orders niya para sa clinic. He just nod.
"Krimy, I need to go. Good night Krimy, I love you." "Mahal din kita Con," ani ng dalaga. Ayaw man niyang ibaba pa ang tawag ngunit iba rito sa states. Time is gold.
ALIGAGA si Jarsey sa pag-aayos ng mga batyang paglalagyan nila ng mga isdang makukumpra sa bagsakan.
"'Nak, ako na rito. Ang dapat abalahin mo ay ang pagpasok sa kolehiyo." Masigla siyang ngumiti sa ina.
"'Nay, madali lang naman iyon e. 'Di ba hindi na ho ako luluwas ng Maynila para mag-aral doon. At saka puwede ko naman kuhanin ang mga records ko ro'n. Papakiusapan ko si ate Jezen. Madalas naman iyon lumuwas ng Maynila e." Bumuntong-hininga naman ito.
"Basta kapag napagod ka anak ha, sabihin mo lang."
"Areglado 'nay!"
"Oh, siya dito ka muna at pupunta lang ako saglit sa puwesto natin." Tinanguan niya lamang ito.
ILANG oras din ang naubos ni Jarsey bago niya makuha lahat ang mga order niya nang biglang bumungad sa kanya si Vince.
"Bruhilda! Sus ginoo! Pagdali Jarsey! Imung inahan! Bayota ka!" pagwawala pa nito. Bakas sa mukha ang matinding takot at pangamba rito. Agad siyang napatayo at napatakbo. Diretso siya sa kanilang puwesto at laking gulat niya nang may ambulance na. Kitang-kita niya ang pagbuhat ng kanyang inay Gina upang maisakay sa stretcher.
"H-hindi!" nanginginig niyang sambit at agad na sumiksik sa mga taong nagkukumpulan.
"'Nay! 'Nay! Huwag ho kayo magbiro ng ganyan! 'Nay! Ano ba!?" pagwawala niya.
"Miss, excuse po muna tayo! Please lang po!" Agad na ipinasok ang kanyang ina sa loob ng ambulance. Mabilis din siyang pumasok sa loob. Gagap niya ang kanang kamay ng ina habang pilit na sinusubukang i-revive ito ng medic team. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha.
"'Nay, pakiusap, lumaban ka!" Halos hindi na siya magkamayaw sa pag-iyak. Bigla na lamang tumigil ang lalaking sumusubok nai-revive ang kanyang ina.
"Sorry po ma'am, grabe po ang atake niya. Hindi niya na po kinaya." Nanlaki ang kanyang mga mata at nanigas ang kanyang leeg.
"Hindi totoo iyan! Ah! 'Nay! Ano ba!? Buhay ka pa 'di ba? 'Nay naman e! Sinungaling siya 'nay! 'Nay! Pakiusap! Ah!" Halos yakapin na niya ito ng husto.
"'Nay! Hindi! Ugh!" Puno nang pagpalahawniya ang loob ng sasakyan. Hindi niya matanggap na wala na ang kanyang ina. Masakit sa kanya na sa isang iglap ay mawawala lamang ito ng tuluyan. Ni hindi man lang niya ito napasaya ng husto. Hindi niya malaman ang gagawin.
"Itigil niyo ang sasakyan," walang emosyon niyang utos sa mga ito. Tumalima naman ito sa kagustuhan niya. Agad siyang bumaba. Pagkababa niya'y muling lumarga ang sasakyan.
"Ah!" sigaw niya sa kawalan at napaupo sa gilid ng kalsada. Sobrang sikip ng kanyang dibdib. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam. Parang binagsakan siya ng ilang bloke ng semento. She was cursing to herself. She was blaming herself. Dapat ay sinamahan niya na lamang ang ina. Dapat ay hindi na lamang siya nagpaiwan. Sising-sisi siya sa lahat!
"J-jarsey?" Nag-angat siya ng kanyang ulo. Ang kanyang kuya Elven. Halatang kagagaling lang ito sa biyahe dahil may malaki pa itong bag na dala.
"Anong ginagawa mo rito? Si nanay? Nasaan? Nasa ospital daw?" sunod-sunod na tanong nito. Nanghihina ang kanyang mga tuhod na tumayo.
"K-kuya..." namamaos niyang sambit.
"Jarsey, bakit?" Napatakbo siya at yumakap ng todo sa kapatid. Todo ang kanyang pag-iyak. Niyakap siya nito pabalik. Tila'y alam na nito ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pag-iyak niya ng matindi.
"Tahan na Jarsey," alo ng kanyang kapatid. Bakas sa boses nito ang matinding kalungkutan. Pinipigilan nito ang matinding emosyon.
"K-kuya, h-hindi 't-to t-totoo, 'di b-ba?" aniya habang hinahabol ang hininga.
"Ssh! Tahan na," anito at kinarga siya paharap. Her brother's figure is like Connor's body. Matangkad din ito at malaki ang panganpatawan kaya kayang-kaya siya nitong buhatin. Isiniksik niya ng todo ang kanyang mukha sa malapad na dibdib ng kapatid. "Ako na ang bahala sa lahat," anito. Hindi siya kumibo.
NANG makarating sila ng bahay ay agad siyang ipinasok ng kapatid sa kanyang silid at inihiga sa kanyang kama. Kinumutan siya nito at humalik sa kanyang noo bago siya nito iniwan. Ngunit ayaw niyang magpahinga. Malinaw pa sa utak niya ang nangyari sa kanyang ina. Kahit na tumigil na siya sa pag-iyak, ay sige pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha. Kinuha niya ang kanyang cell phone at tinawagan ang nobyo gamit ang messenger app. Hindi ito sumasagot. Nakailang tawag na siya pero wala pa rin. Itinabi niya ang kanyang cell phone at tumitig sa kisame. Pakiramdam niya'y parang pinagkaitan siya ng Diyos. Hindi niya alam kung makakayanan niya ito. Hindi niya na alam.