PMS2-6
WHEN they went home. Muli niyang hinintay ang dalaga na makapagbihis muli.
"Psst!" sutsot ng nobya sa kanya.
"May pangalan ako Krimy," sagot niya sa nobya. Ngumuso ito.
"Hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag ko sa iyo."
"Call my name." Umiling ito.
"Kuya?" asar pa nito sa kanya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Oh come on! I need a justice here," nakasimangot niyang ani sa dalaga. Tumawa naman ito.
"Masakit na po ba ang likod niyo doktor? Gusto niyo po ng masahe?" lambing nito sa kanya at kumapit sa kanyang mga balikat. He suddenly thought of something. Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay nito at hinila pasulong. Yumuko siya upang mabuhat sa likuran ang dalaga. Tumili ito ngunit ayaw pa rin mawala ang malutong nitong tawa.
"Don't call me kuya!" sabi niya pa. Ginulo naman nito ang kanyang buhok.
"Bakit!? Ha? Mas matanda ka kaya sa akin!"
"What!? That was only nine years!"
"Kahit na! Matanda ka pa rin!"
"I hate you," pabiro niyang sabi. Bigla naman siya nitong hinalikan sa kanyang kaliwang pisngi.
"Mahal kita," anito. His heart thawed by her words.
"I do too." "Gusto mo ice cream? Libre mo 'ko!" Natawa siya.
"Kailan pa naging uso ang mag-aya pero magpapalibre naman pala?"
"Ngayon lang! Dali kuya!" "Shut it Krimy." Malakas naman itong tumawa. Ginulo nito ang kanyang buhok.
"Gusto ko ng ice cream," muling paglalambing nito sa kanya.
"Yes ma'am!"
JARSEY is so happy. Happiest to death pa nga kung tutuusin. Kasama niya ang binata at nakasakay pa rin siya sa likuran nito habang kumakain ng ice cream. Nilakad lang nila ang tindahan ng mga nagbebenta ng mga prutas. Nasa gilid lang naman ng kalsada at nakasanayan niya nang makita ito ro'n.
"Mabigat ba ako?"
"No. I just feel so weird in my back. Your breasts, it's rubbing on my back." Namilog naman ang mga mata niya at agad na napaurong ng konti. Marahan niyang sinapak ang balikat nito.
"Loko 'to!" Malakas namang tumawa ang nobyo sa kanya.
"Pikon ka rin," anito pa.
"Bibig mo naman walang filter!" Tumawa ito ng husto.
"Masarap kang asarin."
"Hmp! Ambot! Dali na, bumili ka na. May lakad pa tayo 'di ba?"
"Yes boss!" NANG matapat sila sa tindahan ay ibinaba na siya ng binata.
"Ilang kilo ba?" baling niya sa binata.
"I don't know." Halata talaga sa mukha ng binata na 'di nito alam kung ano ang bibilhin. "Nakakita ka na ba ng marang at durian?" bulong niya sa nobyo. Kumunot naman ang noo nito. Kalaunan ay umiling sa kanya at itinago ang mukha sa kanyang likuran. Nakagat niya ang labi at agad itong hinarap.
"Ang cute!" bulalas niya at pinisil ang mga pisngi nito. Sumimangot naman ito. Bumaling siya sa tindera.
"Kuya, tatlong kilo nga po nitong durian. Pabuksan po 'yong isa. At saka nitong marang din, tatlong kila, pabuksan din po."
"Are you sure you're eating that?" anito pa habang itinuturo 'yong durian. "Ikaw kakain niyan."
"What? I've never try that before. No." Tinakpan pa nito ang ilong. Inalis niya ang kamay nito.
Panay kasi ang tingin no'ng tindero. Nag-aalala siya at baka ma-offend ito. Kumuha siya ng isang laman nito.
"Dali Con. Open your mouth." Umatras ito sa kanya.
"No." Tinaasan niya ito ng kanyang kilay kasabay nang pag-irap. Hindi niya kinibo ang binata at kinain 'yong durian na hawak niya. May bigla siyang naisip na gawin para ma-temp ito. Kalokohan man pero gusto niyang masubukan din ng nobyo ito. Humarap siya sa nobyo at ngumiti. Sumubo siya at ninamnam ang kinakain. She see him gulp. He smirk. Muli ay nginitian niya ito. Itinapon niya 'yong seed sa basurahan at dinilaan ang mga daliri niyang nadikitan ng durian.
"Gosh!" Narinig niyang sambit ng binata.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tumawa siya.
"Ewan ko." Kumuha siya ulit ng isa pa pero hinila nito ang kanyang kamay at kumagat ng konti.
"Akala ko ba ay ayaw mo?" maang niya pa. "You're tempting me," sagot nito. "Anong lasa?"
"Bitter. Sweet. At ayaw ko na ang umulit pa." Kumikit-balikat naman siya. Nagpunas siya ng kanyang kamay. Sunod niyang binuksan ang marang at ibinigay ito sa binata. Muling kumunot ang noo nito. "Masarap 'yan." He sigh. Kumagat ito.
"Oy teka! May buto 'yan," pigil niya.
"Hmm? Wala naman Krimy." Nakahinga siya ng maluwag. "Masarap ba?" Hindi ito sumagot at kumain pa. Iniluwa nito ang buto.
"You'll decide," anito at bigla siyang hinalikan. Agad niyang nalasahan ang tamis ng dila nito. Kumalas ito at kumindat sa kanya. Napatalikod siya. Sobrang hiyang-hiya siya. Nakita pa no'ng tindiro ang ginawa nito.
"Pakilagay po sa karton," anito at binayaran na 'yong mga prutas. Natauhan lamang siya nang kabigan ng nobyo ang kanyang baywang.
"Spacing out?"
"Ha?" Hindi ito sumagot at muli siyang dinampian ng halik sa kanyang labi. "Magnanakaw 'to!" nakanguso niyang ani. Tinawanan naman siya nito at umuna pa sa sasakyan. Tumakbo siya palapit. Binubuksan nito ang compartment ng sasakyan at ipinasok ang mga prutas. Nagulat pa siya nang hilain siya nito at pinaupo sa floor ng sasakyan.
"Bakit?" taka niyang tanong. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa akin?" Curious naman siyang napatitig sa binata at umiling. Inilapit nito ang mukha sa kanya.
"You're driving me insanely..." Hinalikan siya nito.
"...madly." Isa pang halik.
"Deeply." At isa pang halik ulit.
"And I am in love with you." Nakagat niya ang kanyang labi at ayaw mawala sa mukha niya ang matinding ngiti.
"Ginayuma mo ba ako Krimy?" Umekis ang kanyang mga braso at umismid.
"Wala ka bang tiwala sa karisma ko?"
"Wala," anito ngunit nakatawa naman sa kanya. Mabilis pa siya nitong binuhat at isinara ang pinto ng sasakayan gamit ang isang kamay. Inilipat siya nito sa front seat.
"Saan ka ba natutulog?" tanong niya sa nobyo. Simula kasi nang maging mag-on silang dalawa ay never pa niyang nalaman kung saan ito natutulog.
"Sa motel or minsan dito sa likod ng sasakyan. It can be my bed if I bend the chairs."
"Kasya ka sa likod!? Ang tangkad mo kaya."