Chapter 52

1831 Words

Nilingon niya ito gamit ang curious at singkit niyang mga mata. May dala itong dalawang baso ng bagong timplang lemon juice. "Good afternoon po Ma'am Aleigh." bati ng katulong sa kanya. "Hello, nagmerienda ka na ba?" balik ng bati dito ni Aleigh, tumango ito. Tinanggap ni Freya ang baso ng juice na inaabot niya, sumimsim siya dito. Muling ibinaling ang paningin sa berdeng-berde nilang bagong kapaligiran. "Hinahanap ka ni Tita Felia." "Bakit daw?" Pagak na tumawa ang kapatid niya. "Akala niya yata ay kung saan ka na pumunta." Malalim siyang humugot ng hininga. Nananantiya. "Hindi pa rin nagre-reply sa akin ang Senyorito mo, Aleigh." "Simula pa kailan?" "Kaninang umaga." "My goodness naman Freya, ang arte mo!" bulalas nito, "Baka busy iyon." Nakaismid na nilingon niya si Aleigh.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD