Chapter 24

2477 Words

Makulimlim at madilim ang hapong iyon. Maraming mga ulap sa himpapawid ang tinatangay ng malakas na ihip ng hangin na nanggagaling sa Hilaga. Ang sabi sa balita ay noong umaga ay may paparating na bagyo pero hindi naman tatamaan nito ang kanilang maliit na bayan. Pinilit ng kanyang ina si Freya na magdala ng payong. "Naku Freya, hindi aabante sa akin iyang tigas ng ulo mo!" sermon dito ng Ginang, "Magdala ka dahil uulan!" "Oo na po Mama, ang OA niyo ngayong araw na ito." padabog niyang dinampot ang folding na payong. "Huwag ko sana itong maiwan sa classroom namin." "Freya alam mo na may paparating na bagyo." muling paintindi sa kanya ng ina, "Huwag ka na kayang pumasok? Ayaw mo pa rin bang maniwala hangga't hindi ito dumarating?" Mahinang tumawa ang dalaga habang inaalala ang usapan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD