Prologue

1012 Words
Nasa hapag-kainan ang mag lolang Donya Juliana at ang apo nitong si Julian at masayang kumakain ng kanilang almusal. Nakagawian na ito ng mag-lola tuwing umaga, lalo na kung wala namang maagang lakad ang binata. Palagi niya itong sinasabayang kumain, nais niya ditong iparamdam na hindi ito nag-iisa lalo pa at nasa dapit-hapon na ito ng kanyang buhay. Ika nga ng ibang nakakakilala dito, dapat ay binibigyan niya na ito ng apo na bago man lang ito umalis at magpahinga ay kanya munang makarga, mayakap pa at makita ang mga ngiting kawangis ng sa kanyang nag-iisang apo na si Julian. Ang matanda ay may edad ng 86, ngunit hindi pa ito mahahalata sa mukha ng matanda. Bukod sa baby face ay conservative rin ito sa kanilang kinakain. Gusto niya ay mga fresh na gulay, prutas at gatas. Ang tanging problema sa kanya ay ang marupok niya ng mga buto sa kanyang katawan. Nadagdagan pa iyon ng minsan siyang madulas sa banyo ng kanyang silid. Doon siya nagsimulang ikulong ng upuang de-gulong. Paminsan-minsan ay sinusubukan niyang humakbang gamit ang tungkod, ngunit hindi nagtatagal ay kinakailangan na niyang gumamit ng wheelchair at kailangan na niya ng palaging alalay. Malaki ang mansion ng mga Velasco para sa kanilang dalawa ng apong si Julian at maging ng kanilang mga kasama sa bahay na sina Matet, Abeth, Abi, Joy, Guada at Aleigh. Isama pa ang mga driver. May mga kasambahay man sila ay nananatiling aalog-aalog pa rin sila sa loob ng mansion dahil sa labis na laki nito. Kaya ang palaging hiling niya sa kanyang apong si Julian ay ang bumuo na ng pamilya nito sa mas maagang panahon. Nais niya ng makita ang kanyang magiging mga apo sa binata. Bagay na hindi pa rin tinutupad ni Julian hanggang sa umedad na ito ng bente-siyete. "Apo, kailan ka ba talaga mag-aasawa?" ulit nito sa kanyang araw-araw na yata niyang nagiging tanong sa binata, "Nang makita ko naman ang aking magiging mga apo sa'yo habang ako ay malakas pa." uminom ito ng tubig sa baso, nanatili ang mga mata sa binatang natitigilan sa kanyang pagkain. "Hindi ka ba nalulungkot na da-dalawa lang tayo dito?" deretso ng matanda, "Ako ay nalulungkot Julian." "Lola, bata pa po ako." tugon ng binata na inaayos ang kurbata sa leeg na bahagyang hindi maayos ang suot, "Huwag niyo po akong madaliing mag-asawa, alam niyo naman pong hindi pa ako handa." "Julian apo, twenty seven ka na. Hindi na iyon bata pagdating sa pag-aasawa." paglilinaw ng matanda na disyamado na ang mukha sa kanya, "Hihintayin mo pa bang mag thirty ka?" "Lola--" kaagad siyang pinutol nito sa mga sasabihin pa sana. "Huwag mong igupo ang sarili mo sa pagtra-trabaho, mas masaya pa rin iyong pag-uwi mo ng bahay ay mayroon kang maybahay na mag-aasikaso sa'yo. Iba ang pag-aalaga niya keysa sa mga kasambahay." deretso pa rin ng matanda sa mga nais niyang sabihin dito, "Maganda rin na may mga batang maglalaro sa ating malawak na garden. Nagtatawanan, iba ang pakiramdam ng paligid ng ganun Julian." "Lola.." humugot ito nang malalim na hininga, inangat ang mukha sa matanda. "Hintayin niyo po na maging handa na ako." "Kailan ka pa magiging handa?" tanong nito, halatang nawawalan na ng gana sa pagkain. "Kapag pantay na ang aking dalawang paa?" "Lola..huwag kang magsalita ng ganyan." "Paano ko pa maaalagaan at mahahalikan ang mga magiging apo ko sa'yo?" "Hahaba pa po ang buhay niyo Lola." "Hindi natin 'yan masasabi Julian." pagsuko ng matanda, "Hindi na ako bumabata at ikaw rin hijo." "Hindi niyo po maaatim na iwanan akong nag-iisa, Lola." tila bata at wala sa sariling usal ni Julian sa matanda, "Malulungkot ako at alam kong ayaw niyong mangyari 'yon." "Iyon na nga apo, ang isipin mo ay napapagod na rin ako." pagtatapos ng matanda sa pagkain, "Hindi habang buhay ay nandiyan ako para samahan ka. At hindi rin laging nandiyan ang mga katulong para samahan at alagaan ka. Mas maganda pa rin 'yong magkaroon ka ng sarili mong pamilya." "Darating rin po ako sa puntong 'yon Lola, hindi palang po sa ngayon." "Sabihin mo nga sa akin Julian, kailan ang tamang panahon ng pag-aasawa para sa'yo?" anang matanda na hinarap ang apong tinatapos ang baso ng kanyang kape, "Kapag thirty ka na? Forty? Fifty?" "Sige po Lola, maghahanap na ako ng babaeng papakasalan ko." wala sa sariling pagtatapos nito sa kaniyang pagkain at sa kanilang usapang dalawa, "Hintayin niyo lang po." Gumuhit sa kulubot na mukha ng matanda ang kakaibang saya. Kumurba ng masayang ngiti ang kanyang tumatanda nang labi. Kumislap sa saya ang kanyang naluluhang mga mata. Umiiling na tumayo si Julian, labis na nagtataka sa ikinikilos ng matanda sa kanya. Araw-araw itong nagtatanong tungkol sa kanyang pag-aasawa mula nang umedad siya ng twenty five. Ulilang lubos na si Julian, namatay ang kanyang mga magulang kasama ang asawa ni Donya Juliana na si Don Pakondo, nang maaksidente ang sasakyan na kanilang sinasakyan. At ang Donya na ang nagpalaki sa kanyang mag-isa. Batid ni Julian na hindi na siya bumabata pero hindi maialis sa binata na matakot sa kanyan magiging commitments at responsibilidad sa buhay bilang may asawa. O masasabing labis rin siyang nasaktan kung kaya isinantabi nalang niya muna ang muling pagpasok sa seryosong relasyon. At dahil sa pressure na ibinigay ni Donya Juliana sa kanya, doon siya nagsimulang ma-mroblema. Ayaw niyang biguin ang matanda sa kanyang hiling. Para sa kanya ay si Donya Juliana na lang ang kanyang nag-iisang pamilya. At ayaw niya itong masaktan sa munti nitong kahilingan na alam naman niyang kaya niyang ibigay. Nakahanda din siyang magsakripisyo para sa kanyang Lola na buong buhay niya ay tanging kanyang naging kamaray, kakampi at kayakap sa lahat ng oras. Mahal na mahal niya ang matanda, kahit pa umabot siya sa puntong magpanggap at manloko ng kanyang kapwa. Nais niyang ibigay ang kahilingan ng matanda, nais niyang tuparin iyon kahit na alam niya sa kanyang sarili na hindi pa siya handa. Hindi pa handa ang kanyang katawan na mag-asawa, maging ang kanyang isipan. Makahanap kaya ang ating bida ng babaeng fit sa panlasa ng kanyang lola?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD