Chapter Seventeen KIEL NAGISING ako nang maaga dahil araw ngayon ng Linggo. Hindi naman ako makakadalo sa misa dahil sarado ang mga simbahan dahil na rin sa banta ng CoViD- 19 at nasa ilalim pa rin sa Enhanced Community Quarantine ang bayan ng San Lorenzo. Pasado alas sais na nang buksan ko ang water station. Dahil Linggo ngayon, ay day off ni Patrick at mag isa lang ako dito. Nagsimula na akong magwalis sa loob at labas ng TwoBig. Bandang alas syete ay madami nang mga nakapilang lagayan ng tubig at nagsimula na nga akong maglinis at kargahan ang mga ito. Pagkahatid ni mama ng aking umagahan ay agad akong kumain. Pahinga lang nang konti tapos tuloy na naman ang trabaho. Mag aalas dyes na nang matapos ako kaya naman humiga muna ako sa sofa. Tumunog ang aking cellphone na nasa ibabaw