Chapter Four

2767 Words
Chapter Four KIEL HAWAK-HAWAK ko ang aking batok dahil halu-halo na ang aking nararamdaman. Kasalukuyan kaming nag-uusap sa bakuran ng kanilang bahay. Kinompronta ko siya dahil ayoko na sa mga pagpapapansin niya. "Pwede ba Savanah tumigil kana! Tigilan na natin to," pagalit na saad ko sa kanya. "Hindi na ba talaga natin maaayos ito?" aniya. "Hindi na! At wala nang maaayos pa," napapiyok pa ako nang sumagot ako. "Pero Kiel, mahal pa kita. Handa akong iwan ang boyfriend ko para balikan ka," naiiyak na sabi niya. Naiinis na ako sa kanya. May parte sa puso ko na gusto kong sumang-ayon sa sinasabi niya pero hindi pwede dahil may masasaktan siyang iba. "Para ano Sav? Hindi ka ba naaawa sa nobyo mo? Kaya mo ba ulit manakit ng ibang tao? Tama na yung ako na ang nasaktan mo. Maawa ka naman sa iba. Ayokong ako ang gawin mong dahilan para iwan siya. Hindi ako selfish Sav," sabay hilamos ng palad ko sa aking mukha. Nagpipigil akong masigawan siya. Oo may puwang pa siya sa puso ko pero hindi na iyon maaari at kailangan ko nang kalimutan. Ayaw kong maging selfish. "Kiel kahit hanggang kaibigan nalang para naman mabawasan ng kahit papaano ang nagawa kong kasalanan sayo. Kahit hindi mo na ibalik ang pagmamahal mo sa akin. Hayaan mo nalang akong mahalin ka kahit sa malayo at patago,please dahil hindi ko kayang nagiging cold ka sa akin. Hayaan mo lang akong iparamdam sayo na mahal pa kita. Hayaan mo lang akong gawin yung mga bagay na sana nuon ay ginawa ko na," tumutulo na ang kanyang luha. "Tama na Sav! Tama na. Dinurog mo ito nuon," sabay duro sa puso ko. "Ayaw kong sa pangalawang pagkakataon, madurog mo pa ulit ito. Tama na ang isang beses. Tama na ang limang taong paghihintay ko sa pagbabalik mo bilang mahal ko. Tama na ang mga luhang nailabas ko dahil sa paglisan mo. Tama na ang pag-iyak ko sa mga barkada at pamilya ko nang dahil sayo. Tama na ang ilang taong pagsusumamo ko sa pagmamahal mo. Tama na! Palayain mo na ako, dahil matagal na kitang pinalaya," kasabay ng pagsabi ko ng mga ito ay ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Patuloy lang ang pag-iyak niya na nakatakip ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Ayoko ng masaktan pa sa ikalawang beses dahil alam kong darating ang araw na iiwan niya ulit ako. Tama lang ang ginawa kong pagtaboy at paglimot sa kanya. Mahal ko pa siya ngunit ayaw kong maging makasarili. Ayokong makapanakit ng ibang tao kung kaya't kakalimutan ko na siya. "Paalam Sav. Maging masaya ka na sa piling niya. Tandaan mo, minahal kita ngunit ikinalulungkot kong sabihin ito, ayaw ko ng mahalin ka pa ulit. Pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana," kasabay nun ay ang mabilis na agos ng mainit kong luha. Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo. "Oh Kay tagal kitang hinanap, Oh Kay tagal ko ring nangarap, Na makapiling ka, Oh aking mahal, Pangakong hindi ka iiwanan At hindi pababayaan Oh anong saya ang nadarama" Naalimpungatan ako at biglang napabangon dahil sa tunog ng aking cellphone na kanta pa ni Mark Carpio ang ringing tone. Hindi ko pa pala napapalitan. Parang tugma pa ang lyrics nito sa kung anong naranasan ko, kaya para matigil na ay kinuha ko ito agad at sinagot ang tawag. Kanina pa siguro tumutunog dahil nakailang calls na si Patrick. "Hello Pat," pambungad ko. "Good morning Boss. Pasensiya na sa abala. Sasabihin ko lang sana na di muna ako makakapasok ng maaga. Mga 9 nalang siguro boss may pupuntahan lang ako saglit," sagot niya sa kabilang linya. "Sige sige, walang problema. Ako na ang magbubukas sa TwoBig. Ingat ka," sabi ko "Salamat boss, pasensiya kana kung naputol ko yung panaginip mo. Nagkiss ba kayo dun sa dream land?", sabay tawa ng hinayupak. "Ulol! kiss kiss mo mukha mo. Sige na at maliligo nako," hindi ko na siya inantay na sumagot dahil pinatayan ko na siya ng tawag. Teka? so ibig sabihin panaginip lang iyon? Bakit ambilis ng t***k ng puso ko ngayon? Ano iyon? Bakit ko siya napanaginipan? Naihilamos ko nalang ang kanang palad ko sa aking mukha sa sobrang pag-iisip at nagulat ako dahil basa ang aking pisngi. Umiyak ba ako? Bakit? Tssk! Hindi ito pwede. Kailangang hindi na kami magkalapit pang muli ni Savanah. Kinakailangan ko na siyang iwasan. Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo na sa kusina upang maghilamos. 5:53 palang naman ng umaga kaya maya-maya nalang ako magbubukas ng water station. Nagtimpla na ako ng kape at nagtungo sa sala. Pagkatapos nun ay agad na akong naligo. Paglabas ko ng kwarto ay nagluluto na si mama. 6:38 na kaya naman napagpasyahan kong magtungo na sa TwoBig. "Ma, mamaya nalang po ako kakain. Bubuksan ko na muna yung TwoBig, alis na po ako," paalam ko kay mama. "Sige nak, hahatiran nalang kita mamaya ng umagahan mo, wala pa kasi ang kapatid mo," aniya. "Sige ma, salamat po, alis na po ako," sagot ko. SAVANAH SIX THIRTY na ng umaga nang mapagpasyahan kong bumangon na para magkape. Maaga akong natulog kagabi dahil naiinis ako sa lalaking iyon. Trip niya ba talagang pahiyain ako? "Girl, napaka assumera mo kasi. Narinig mo lang yung pangalan mo grabe kana kung makapagreact," kontra na naman ng isip ko kaya napalundag akong muli sa kama at kinagat kagat ang unan ko dahil sa inis. Nagbago na talaga siya. Hindi na siya yung Kiel na kilala ko. Dahil ba iyon sa akin? haayy Nagtungo na ako sa cr para magtoothbrush. Nakita ko naman sa kusina si mama na naghahanda na ng aming umagahan. "Magkape ka na anak," yaya niya. "Sige ma, toothbrush lang ako saglit," sagot ko. Pagkatapos ko ay agad na akong pumunta sa kusina para magkape at para na rin makausap si mama tungkol sa balak ni Harold. "Ma, sabi ni Harold dito raw po muna siya habang nasa ilalim tayo ng ECQ para daw po makita na niya kayo at makabonding," sabi ko pagkatapos humigop ng mainit na kape. "Naku anak! hindi na sila nagpapapasok ng mga taong hindi taga San Lorenzo. Ipinagbawal na ng ating butihing gobernor para raw sa kaligtasan nating taga rito dahil na rin sa banta ng nakamamatay na sakit na iyan," pagpapaliwanag niya. Hindi ko alam kung malulungkot ako o magiging masaya dahil sa nalaman ko. Malungkot dahil matagal pa bago kami magkita ng boyfriend ko ngunit may konting saya dahil magagawa ko na ang plano ko kay Kiel na mapalapit siya sa akin at maging friends kami ulit. Masama ba ako? Ewan ko, parang may something sa akin ngayon. "Ganoon po ba ma. Kahit po ba nakaprivate car hindi na pwede?" tanong ko. "Hindi anak. Strikto na sila ngayon. Mahirap na kapag may makapasok na nakapitan pala ng sakit na iyon, lahat na tayo ay mahahawaan kapag ganun," aniya. "Sige po ma, tatawagan ko na lang po si Harold mamaya," sagot ko. Maaga pa, 7:05 palang pero minabuti ko nang maligo. Balak ko sanang maglibot libot na muna dito sa Calle Adonis dahil matagal tagal din akong hindi nakauwi. Nagbihis lang ako ng black na leggings at T-shirt na white na medyo maluwag sa akin. Tinatamad kasi akong maghalungkat ng mga damit ko kaya ito nalang ang isinuot ko. Naglagay din ako ng lip tint at cheek tint saka nagkilay at naglagay ng powder. Inilugay ko lang ang buhok kong hanggang balikat dahil medyo basa pa. Kinuha ko na ang wallet ko at ang aking cellphone. "Ma, saan pwedeng maglibot libot?" "Doon sa Kyla's Garden anak. Tabi lang iyon ng water station ni Kiel. Tumingin tingin ka nalang ng halaman na gusto mo para mailagay natin jan sa labas. Madaming magagandang halaman si Kyla. Mawiwili ka anak, magface mask ka", suhestiyon ni mama. "Sige po ma," isinuot ko na ang aking face mask na kinuha ko sa maleta ko at saka lumabas ng bahay. Napagpasyahan kong sundin ang suggestion ni mama kaya naman nagtungo ako sa Kyla's Garden. Kilala ko si Kyla dahil kapatid siya ni Kiel. Ewan ko lang kung makakasundo ko pa siya ngayong alam niya ang nangyari sa amin ng kanyang kuya. Palagay ko naman ay oo. Malapit lang naman ang garden niya sa bahay namin kaya mabilis lang akong nakarating. PAGKARATING ko doon ay natanaw kong marami nang namimili at halos lahat ay nakamask dahil na rin sa takot nila sa pandemic na iyo. Sobrang gaganda nga ng mga bulaklak na binebenta ni Kyla kaya naman dinudumog ito ng mga taong mahihilig sa halaman. Mula sa loob ng garden ay tanaw na ang water station ni Kiel. "Ano pong hanap niyo ma'am?", tanong ng isang babae. "Halaman malamang," bulong ko sa sarili ko. Naiinis kasi ako sa mga taong ganito. Alam na nga ang sadya nagtatanong pa. Like duhh! "Sis, masyado ka namang high blood. Nagtatanong lang naman siya", sabi na naman ng pakialamerang utak ko. "Ahh, wala. Naglilibot libot lang", sagot ko. Pumasok na ako sa garden at nagsimulang usisain ang mga halaman. Tama nga si mama. Ang gaganda ng mga bulaklak. Talaga namang alagang alaga sa pataba at dilig. Buti pa sila, eh ako kaya? Kailan kaya ulit ako madidiligan? "Eeewwww. Napakadirty mo!" sigaw ng brain ko. Natawa nalang ako sa naiisip ko. Five years na kasi ang nakalilipas nuong may nangyari sa amin ni Kiel. Oo, siya ang una at wala pang nangyayari sa amin ni Harold kahit two years na kaming magkarelasyon. Ewan ko ba. Siguro ay gusto niya muna akong pakasalan bago namin gawin ang bagay na iyon which is okay lang sa akin dahil alam kong nirerespeto niya ako. Naglibot libot pa ako sa loob ng garden nang makita ko ang mga cactus na nakalagay sa mga malilit na paso. So cuuuute lang ng mga ito. Naglalakad na ako upang pumunta sa kinaroroonan ng mga iyon nang biglang mabilis na naglakad ang isang babae na dahilan nang pagkakabunggo ko at pinuntahan ang mga cute na mga cactus. Ni hindi man lang siya nagsorry sa nagawa niya. Kung kaya't pinuntahan ko siya at kinalabit. "Miss, baka pwedeng magsorry ka naman sa ginawa mo. Muntik na akong masubsob kanina ha dahil sa pagkakabangga mo sa akin. Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?", pabalang kong saad sa kanya. "Excuse me? Ako ba nag hindi tumitingin sa nilalakaran eh ikaw nga itong linga nang linga tapos pag nabangga ka, maninisi ka?"sarcastic na tugon niya. Nakakainis yung mga ganitong tao. Antaray ha akala mo naman napakaganda. Sinisira nito ang umaga ko. Nag-iinit na ang ulo kaya sinagot ko siyang muli. "Wow lang ha, so sa akin ang sisi ngayon? Ang galing! For your information! Ikaw nga itong nagmamadaling maglakad tapos hindi pa magawang magsorry sa nabunggo. Apakayabang mo naman miss. Bakit? Mauubusan ka na ba ng mga cactus na yan kaya wala kang pakialam kung may masasagi ka o ano?" balik ko sa kanya. Hindi na muling nakasagot ang babae dahil dumating si Kyla. "Ahh mga ma'am excuse lang po ha, baka pwede po nating pag-usapan iyang problema niyo. Nakakahiya po pag gagawa kayo ng eskandalo dito sa garden ko," aniya. Hindi niya ako nakilala dahil nakasuot ako ng face mask kaya naman tinanggal ko iyon para ako yung kampihan niya at hindi ang bruhang babae na iyon. Nakita ko ang gulat sa kanya pagkakita niya sa akin kaya ngumiti ako ngunit mas nagulat ako sa naging reaksiyon niya. Hindi niya ako pinansin at yung babae lang ang kanyang kinausap. Tama nga ako. Galit din siya sa akin. Pero wala akong pakialam sa ngayon gusto ko lang marinig ang sorry ng babaeng iyon. "Ma'am may you please join me inside my mini office dito sa garden to settle down things?" suhestiyon ni Kyla. "Sure", mabilis na sagot naman ng impakta. Nagtungo kami sa mini office ni Kyla at namangha ako sa disenyo nito. Nakaayos nang mabuti ang mga halaman sa loob. Nilibot ko muna ang aking paningin bago tuluyang umupo sa inoffer ni Kyla na sofa sa loob. "So ano pong problema niyo a while back?" tanong agad ni Kyla. "Siya kasi bigla bigla nalang sumusugod", litanya nung babae na agad namang nakadagdag sa init ng aking ulo. "Anong sinugod ka jan, hoy girl, kinausap lang kita dahil binunggo mo ako na dahilan nang muntikan kong pagkatumba at hindi ka man lang nagsorry. Ano lang naman yung labas sa ilong na sorry diba? " masungit na sabi ko. "Stop it. Ayaw ko kasing may nag eeskandalo sa garden ko. Ayaw ng mga halaman ko ang ganun kaya dito ko kayo kinausap," mahinahong ani Kyla. "Ma'am, baka lang po hindi kayo napansin nitong si ma'am kaya niya kayo nabunggo," baling niya sa akin. So sa akin nga talaga ang sisi? Nakakainis. Hindi ako papayag. "Tanggap ko pang hindi niya ako napansin kung nagsorry siya. Nagmamadali kasi siyang pumunta sa kinaroroonan ng mga cactus kaya iyon. Akala mo naman maaagawan siya," sagot ko. "Anong nagmamadali? Gusto mong itapon ko sa mukha mo itong cactus na hawak ko?" ala tigreng sabi nung babae. "Sige! subukan mo at baka sayo pa dumapo yan", masungit ko ding balik sa kanya. "Oh, umagang umaga may nagbabangayan na naman. Dahil na naman ba yan sa halaman? Nag agawan?" natatawang sabi nang isang lalaki ngunit alam ko na kung sino iyon kahit hindi ko pa siya lingunin. Nagulat siya nang makita ako at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Shooccks! Why so gwapo sa mga simpleng suot niyaaaaa! Nakasuot lang naman siya ng white na tank top at grey na short. Why so hot parin ng aking Kiel?! "Gaga, hindi mo siya pagmamay-ari," alam niyo na kung sino ang nagsabi kaya nagbalik ako sa katinuan Hindi man lang niya ako pinansin. "Kuya ikaw pala yan. Anong kailangan mo?" tanong sa kanya ni Kyla. "Tiningnan ko lang yung tubo baka kasi may tagas na naman wala pa naman si pareng Macky," "Ahh see, tingin ko wala namang problema ang mga iyon. Tapusin ko lang ito. Yung breakfast mo pala nandiyan sa bag, kunin mo na lang ihahatid ko na sana jan sa TwoBig pero may problema lang saglit," "Sige, pag ayusin mo na ang mga iyan," Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng magkapatid na ito. Nakakainis lang dahil parang hindi nila ako kilala. Parang hindi ako naging part ng family nila. Bakit lahat sila ay parang galit sa akin? Nagbago na sila. huhu, Nalungkot ang damdamin ko sa mga iniisip ko kaya naman ako nalang ang nagsorry sa girl na iyon at nagpaalam na ako. Ayoko nang tumagal pa duon dahil nasasaktan lang ako pag dinededma ako ni Kyla lalo na si Kiel. Napagpasyahan kong pumunta muna sa bakery nina kuya Leo, ang kaibigan din ni Kiel. Bibili lang ako ng meryenda namin mamaya. Araw ng Sabado ngayon kaya medyo madami ang mga tao sa Calle Adonis kapag ganitong oras. Madami na ding tao sa bakery kaya naupo muna ako. "Good morning ma'am. Ano pong order niyo?" tanong ng maliit na babae na nasa 5 ft. ang height. Maganda siya at sexy. Pero mas sexy ako. haller! "Ano ba yung masarap na tinapay niyo miss?" "lahat po ma'am masarap dahil gawa po kasi namin yan ng asawa ko," "Mahal, ako na diyan. Ayaw paawat ni Leo Jr. inaaway na niya ang kuya niya," sigaw ng lalaki mula sa loob. "Sige mahal, Ma'am saglit lang po ha," at tumango nalang ako. Makalipas ang ilang minuto ay may kumukuha na naman ng order ko. Nakayuko ako dahil may hinahalungkat ako sa cellphone ko. "Ma'am ano pong..o..order niyo?" nagulat siya nung makita niya ako at ganun din ako dahil hindi ko inaasahan na may asawa na pala si Leo. Marami na talagang nagbago dito sa Calle Adonis. "Ah kuya Leo ikaw pala yung sumisigaw kanina mula sa loob," "Oo ako nga yun ma'am. Anong order mo?" "Ito naman, Sav nalang. Hindi ako sanay sa ma'am eh. Ano ba yung masarap dito?" "Ahh masarap ang Cassava cake namin at saka yung hopia," "Sige kuya, lima sa Cassava at sampu sa hopia," "Kukunin ko lang ha, wait lang," After 8 minutes ay dumating na ang order ko. Kaya naman binigay ko na yung bayad. "May asawa ka na pala kuya, hindi ko man lang nabalitaan," "Oo, paano naman kasi antagal mong nawala. Madami na ding nagbago dito," "Kaya nga eh, ganun talaga hehe," "Ah Sav, pasensiya ka na pala kagabi ha, hindi ka naman namin pinagchichismisan, nagkataon lang na narinig mo yung pangalan mo. Kaya pasensiya kana," "Okay lang yun kuya, pasensiya na rin kayo nag over react lang ako," sabi ko sabay tawa. "Nag-usap na ba kayo ni Kiel?" "Wala naman na kaming dapat pag-usapan kuya. Matagal na yun," Ayoko nang pag-usapan iyon dahil naiinis ako kay Kiel kaya nagpaalam na ako kay kuya Leo. SA hindi inaasahan ay nakasalubong ko na naman si Kiel. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Kaya naman huminto ako sa tapat niya. "Kiel," tawag ko sa kanya kaya huminto din siya sa paglalakad. Teka lang ha? Hindi ba't sinabi kong naiinis ako sa kanya? Pero anong ginagawa mo Savanaaaaaaaaah! Wala na. Hindi ka na makakalusot dahil tinawag mo na siya. "Bakit?" ayan na naman yung tanong niyang bakit. End of chapter four
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD