Chapter Eight SAVANAH HINDI ko inexpect na madami palang aso sa daan kapag ganitong oras. Ang akala ko kasi ay itinatali ang mga ito kaya naman takot na takot ako nang bigla silang magtatahol. May phobia na ako sa mga aso dahil nakagat na ako noong bata pa ako. Buti sana kung sa paa ko, eh hindi naman. Mga besssss, sa pisngi iyon ng pang-upo ko, matutuwa ba kayo kapag kayo? "hey! huwag naman kayong mangagat. Jusko! Hindi ko pa ulit natitikman ang masarap na recipe ng pag ibigl baka mamatay ako pag kinagat niyo akoooo. huhu mamaaaaaa," halos paiyak ko nang sambit. Napaupo na lang ako at itinakip ang mga palad ko sa aking mukha dahil hindi sila tumitigil. Wala pa namang katao tao. Halos hindi na ako gumagalaw dahil kapag ginawa ko iyon, kakagatin nila ako. Ayaw ko nun. Buti sana kung hin