Chapter Thirteen KIEL "Yes ma'am, meron po," "Ganun ba, sige na, okay na yan," "Okay na, pwede na kayong lumarga," "Salamat ma'am," saad ni Savanah at ako naman ay sumaludo kay Kristine. Hooooooh! Kinabahan ako doon. SAVANAH NAIINIS ako kay Harold dahil lagi siyang busy. Sinabi niya sa akin noong umuwi ako na lagi kaming magvivideo call pero busy naman siya kaya hindi ko na lang siya iniistorbo. Naggogoodmorning at goodnight na lang ako sa kanya. Kapag may time naman siya, siya na rin ang nagkukusang tatawag pero, madalas, busy ang aking boyfriend. Tuesday nang magpunta ako sa water station and finally, nakuha ko din ang number niya. Nakailang calls at texts ako sa kanya noong mga nakaraang araw pero hindi niya sinasagot so I decided na kausapin na lang ang mga magulang niya, na