Chapter Ten SAVANAH KAYA pala hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko dahil busy siya, busy sa inuman. Nakita ko lang naman ang ilang mga pictures na nakatag sa kanya, pero isang picture ang umagaw sa attention ko, picture ni Harold na nakaakbay sa balikat kasama niyang babae. So sino siya? "Girl, huwag ka munang mag over think, baka naman cousin niya or close friend," my brain. Oo nga, baka lang cousin niya or malapit na kaibigan. Nevermind! Ayoko siyang pag isipan ng kung anu-ano kaya ngtungo na lang ako sa kwarto para matulog. KIEL PAGKARATING namin sa Calle Adonis ay kaagad ko na siyang inohatid sa kanilang bahay. Nadatnan naman namin si Aling Gara sa may sala na nakaupo at nagulat sa aming pagdating. "Oh hijo, bakit ikaw ang kasama ni Savanah?" tanong ni Aling Gara haba