Chapter Five

2758 Words
Chapter Five SAVANAH "BAKIT?" ayan na naman yung tanong niyang bakit. "Ah wala naman," wala talaga akong sasabihin hindi ko ba alam kung bakit ko siya tinawag. Mukhang mapapahiya ka na naman Saaaaaaav! Apaka papansin mo kasi. "Okay," yun lang ang nasabi niya at humakbang na para lampasan ako. "Ah Kiel," tawag ko na naman sa kanya. Juicecolored! pasmado ba ang aking bibig? Ano pong gamot dito? What will I say? My gosh! Kumunot lang ang kanyang noo at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang baywang. Halatang naiinis na ang Kiel. "Ah, Kiel ba..baka gusto mong mananghalian sa bahay, baka lang naman gusto mo pero kung ayaw mo ay huwag na lang hehe," saka ako ngumiti ng pilit. Juicemiyooooooo! Ano na naman yuuuuuuunn? Hindi na okay ito. Hinihintay ko siyang sumagot pero sa kasawiang palad ay tinalikuran niya lang ako at naglakad na palayo. Ilang beses na ba akong napahiya?? "Feelingerang frog ka kasi. Ayaw ka na niya kaya tigilan mo na siya. Tsaka itext mo yung boyfriend mo at baka nag-aalala na," my evil mind said. Naalala ko naman si Harold. Hindi ko pala siya natatawagan. Baka galit na sa akin mamaya. 9:08 na kaya naman napagpasyahan kong umuwi na ng bahay dahil naiinis na naman ako. Ilang beses na ba niya akong dinedma? Titigil na ba ako?? Pero hindi pwede, kailangan ko siyang maging kaibigan ulit para naman mapatawad na niya ako. Ano ang gagawin ko? NAKARATING ako ng bahay na nakabusangot. Dalawang araw palang ako dito sa Calle Adonis pero bakit puro kapalpakan yata ang mga nagagawa ko. Anong meron? Hindi naman ako ipinanganak na unlucky ah. Nagmano ako kay mama saka ako nagtungo sa kusina para ilagay sa plate ang mga binili kong tinapay. "May nabili ka bang halaman sa Kyla's anak?" tanong ni mama. "Wala po ma, nawalan ako ng gana dun sa isang babaeng customer kanina, binunggo ba naman ako at hindi man lang nagsorry," para akong batang nagsusumbong dahil inaway ng classmate. "Ikaw nalang sana ang nagsorry anak. Baka naman hindi niya iyon sinasadya," Hindi nalang ako umimik dahil may kasalanan din naman talaga ako. Sinungitan ko siya bigla na sana hindi ko na lang kinausap. Speaking of usap, nakalimutan ko nang tawagan ang boyfriend ko. Masyado ko nang iniisip ang mga nangyayari kaya nakalimutan ko na siya. Agad kong idinial ang number niya at nakatatlong rings lang ay sinagot na niya. "Love, kamusta ka?" bungad ko sa kanya. "Okay lang naman love, ikaw?" "Okay lang din love. Ah tungkol pala dun sa balak mo love," "Pumayag ba sina tita love?" "Love, tungkol dun, under ECQ kasi eh kaya strikto daw sila. Ipinagbawal na daw ni Gov. na magpapasok ng hindi taga San Lorenzo. Tsaka kapag may umuwi galing syudad, kailangan nilang maquarantine ng 14 days dahil sa banta ng COVID," pagpapaliwanag ko. "Ganun ba, paano din yan?" halata sa boses niya ang lungkot. "Oo love eh, gustuhin ko man pero hindi pwede," "Oh baka naman ayaw mo lang talaga akong papuntahin diyan?" "Hah? bakit naman ayaw ko eh namimis na kita. Hindi lang kasi talaga pwede love dahil sa pandemic na to, sana naman maintindihan mo. Kaligtasan kasi ng mamamayan ang gusto ng nasa itaas dito sa amin," "Okay," matipid na sagot niya at saka nagpaalam. Hinayaan ko na lang muna siya. Namimis lang ako nun kaya siya ganun. HAYy, napakamot nalang ako sa batok ko. KIEL PAGKABUKAS ko ng TwoBig ay nagwalis ako sa loob at labas nito para naman maging malinis at maaliwalas ang paligid. Naupo muna ako sa sofa pagkatapos nun at iniisip ang aking panaginip. Sign na siguro iyon para kalimutan ko na nga talaga siya nang tuluyan. Iiwasan ko na lang siya nang hindi na mapalapit pa sa kanya. Ayokomg magkaroon na naman kami ng koneksiyon kaya mas mabuting hindi ko nalang siya bigyan ng atensiyon. Eight Eleven palang nang dumating ti Patrick kaya ibinilin ko muna sa kanya ang TwoBig dahil sasaglit lang ako sa Kyla's Garden upang icheck ang mga tubo. Katabi lang naman ng water station ang garden ni Kyla. Tinungo ko na kaagad ang pwesto ng mga tubo. Nang masiguro kong wala namang tumatagas, nagpasya akong puntahan si Kyla baka naroon na siya sa mini office niya. HABANG papalapit ako sa mini office ni Kyla ay may naririnig na akong boses ng mga babae. Hmmm? Napahawak ako sa sentido ko. Parang nangangamoy away na naman. Madalas kasing pag-agawan ang halaman ni Kyla lalo na kapag konti lang ang stock. Pumasok ako nang hindi kumakatok. "Oh, umagang umaga may nagbabangayan na naman. Dahil na naman ba yan sa halaman? Nag agawan?" natatawang sabi ko. Nagulat ako nang lumingon ang isang babae. Si Sav pala yung isa. Naalala ko yung panaginip ko kaya hindi ko siya pinansin o nginitian man lang. Simple lang ang itsura niya ngayon, nakaleggings lang siya ng black at white Tshirt na medyo maluwag sa kanya. Hindi ko na siya nilingon pa at sinagot ang tanong ni Kyla. "Tiningnan ko lang yung mga tubo baka kasi may tagas na naman wala pa naman si pareng Macky," "Ahh see, tingin ko wala namang problema ang mga iyon. Tapusin ko lang ito. Yung breakfast mo pala nandiyan sa bag, kunin mo na lang ihahatid ko na sana sa TwoBig pero may problema lang saglit," "Sige, pag ayusin mo na ang mga iyan," saka ko kinuha ang pagkain at nagtungo sa maliit na mesa malapit sa kinaroroonan nila. Hindi pa ako nagsisimulang kumain ay umalis na sila at narinig kong nagsorry si Savanah doon sa isang babae. Tinanong ko si Kyla kung ano ang naging problema nung dalawa at sinabi niyang naitulak daw yata nung isang babae si Sav at hindi siya nagsorry kaya nag-init ang ulo nung huli. "Kuya, galit ka parin ba sa kanya?" "Ewan ko, hindi na siguro dahil matagal na panahon naman na din yun", "Totoo ba, pero bakit hindi mo siya pinansin kanina?" "Wala lang, ayoko lang kasing magkaroon na naman kami ng koneksiyon kaya mas mabuting iwasan ko nalang siya," Nag-usap pa kami saglit ng kapatid ko bago nagpaalam. Sasaglit muna ako kina pareng Leo dahil bibilhan ko ng meryenda si Patrick. HABANG naglalakad ako palapit sa bakery ay nakita ko si Savanah at makakasalubong ko siya. Diretso lang ang tingin ko pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Tumigil siya sa tapat ko at tinawag ang pangalan ko. "Bakit?" tanong ko. Wala naman daw kaya nag okay ako at nilagpasan na siya. Nakakaidalawang hakbang palang ako ay tinawag na naman niya ako. Ano bang kailangan niya? Nang iinis ba siya? Napakamot ako nang konti sa aking ulo. Nakakunot ang aking noo at nakapamaywang nang lingunin ko siya. Hindi ako umiimik at hinihintay kong magsalita siya. "Ah, Kiel ba..baka gusto mong mananghalian sa bahay, baka lang naman gusto mo pero kung ayaw mo ay huwag na lang hehe," pilit ang ngiting aniya. Hindi ko siya sinagot at alam kong maiinis siya. Bigla ko siyang tinalikuran at nagtungo sa bakery. Gusto ko siyang mainis para kusa na siyang lumayo. Yung pagkakaibigang sinasabi niya, ewan ko na lang kung kaya ko pang ibigay iyon sa kanya. Hindi sa nagmamatigas ako pero ayaw ko na talagang magkaroon pa kami ng kahit konting koneksyon. "Oh pare napadaan ka?," nakangiting sabi ni pareng Leo at tinapik ang balikat ko. "Bigyan mo nga ako ng isang litrong coke, sampung pirasong hopia at dalawang Cassava cake pare, meryenda namin ni Patrick sa TwoBig," "Parehas kayo nang binili ni Savanah ah, pinag-usapan niyo ba?" tanong niya saka tinaas baba nang kanyang kilay. "Gago, hindi pare. Hindi ko nga yun kinakausap eh. sige na kunin mo na yung order ko baka asarin mo na naman ako," sabay tulak sa kanya. Ilang minuto pa ay bitbit na ni Leo ang aking order kasama si Baby Leo na bitbit niya gamit ang kanyang kaliwang kamay. "Anak bless ka kay ninong, sabihin mo ninong asan po si ninang," natatawang sabi ni Leo. Sinunod naman ng bata ang sinabi ng kanyang loko lokong ama. Kaya tumawa nalang kami pareho. "Wala anak eh, wala kang ninang kay ninong Kiel anak. Maghahanap muna ako, gusto mo ba iyon?" tanong ko sa kanya. Nakangiti naman siyang tiumango. Nagpaalam na ako sa mag-ama at nagtungo na ako sa water station. "Antagal mo naman boss, nagugutom na ako," reklamo ni Patrick. "Oh ayan pagkain, binilhan na ho kita ng meryenda mo ser, nakakahiya naman sayo. Pagod ka eh," "Haha, salamat boss. Siya nga pala boss, may tumawag kanina sa numero ng TwoBig, hinahanap ka," Tinanong ko siya kung sino yung tumawag at bakit hinahanap niya ako. Bakit duon pa sa numero ng TwoBig siya tumawag. "Si ma'am Savanah," sabi niya habang ngumunguya ng tinapay. Napakunot naman agad ang noo ko. Bakit naman siya tatawag? Ano ang kailangan niya? Magpapapansin na naman ba siya? "Bakit daw? Anong sinabi niya?" "Ayyiiieeeehhh. interesado HAHAHAHAHA. Joke lang iyon. Bakit? Gusto mo ba siyang makausap?" "Ulol! hindi ah, bakit ko naman siya kakausapin?" Binatukan ko si Patrick dahil sa pantitrip niya. Hindi ko alam kung bakit ganito na sa akin ang mga tao ngayon. Dumating lang si Savanah puro pangangantyaw na ang inabot ko. Puro sila tanong. Ano nga bang meron kami? Wala na diba? Kaya bakit pa kami mag-uusap. Masyadong maissue ang mga tao ngayon. Mga mapang-asar ngunit hindi ko rin sila masisisi dahil saksi sila sa kung anong pinagdaanan ko nuong mga panahong hindi ko na alam ang bukas ko dahil sa nangyari sa amin. ARAW ng Linggo ay maaga akong nagbukas ng water station dahil nagday off si Patrick at ibig sabihin nun ay mag-isa lang akong tatao rito. Ayos naman ang tulog ko at buti na lang ay hindi ko na siya napanaginipan. Siguro nanibago lang ako sa pagdating niya kaya siya yung laman ng panaginip ko nuong isang gabi. Kinuha ko na agad ang panlinis at nagsimulang linisin ang loob at labas ng aking water station. Nagpunas ako nang kaunti sa mga mesang naroon. Nagmimistulang bahay ang TwoBig dahil may mga sofa at mesa sa loob at TV na siyang nagsisilbing pampalipas oras namin kapag walang customer. Pagkatapos kong maglinis nang kaunti ay nanuod muna ako sa TV. "NAITALA NA NG DOH ANG BILANG NANG MGA NAGPOSITIBO SA IBA'T IBANG LUGAR SA PILIPINAS. UMABOT NA ITO SA 8,763 NA KATAO AT 156 NA ANG NAITALANG BINAWIAN NA NG BUHAY. IPINAGBIBILIN NANG KAGAWARAN NG KALUSAGAN NA SUMUNOD SA KAUTUSAN NG PAMAHALAAN UPANG HINDI NA KUMALAT PA ANG NAKAMAMATAY NA SAKIT. AYON SA DOH, UGALIIN ANG PALAGIANG PAGHUHUGAS NG KAMAY AT PAGSUSUOT NG FACE MASK. INANUNSIYO NA RIN NA DAPAT MAGKAROON NG SOCIAL DISTANCING PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT." Napatingin na lang ako sa itaas at nanalangin, Jusko! Hindi pala biro ang kinakaharap ng mundo. Mas matindi pala ito sa pinagdaanan ko. Sana naman ay matapos na ito para bumalik na sa dati ang lahat. Nagulat naman ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ng TwoBig. "Hello, TwoBig Water Station at your service," bungad ko. Nakailang hello ako ngunit walang sumasagot. Magpapadeliver ba ito o nantitrip lang. "Ma'am/ Sir, papatayin ko na po itong tawag kung wala po kayong sasabihing importante o baka naman po namali lang kayo ng numerong natawagan," sabay patay ko ng tawag. Ibinalik ko na ang cellphone sa pwesto nito at ipinagpatuloy ang panonood. "Pareng Kiel, pakarga naman ako ng tubig," boses ni Arc. "Sige pare, ilang container ba iyan? "Dalawa lang, bubuhatin ko nalang, magaan lang naman," "Dalhin mo na muna iyang tricycle ibalik mo nalang mamaya wala pa naman akong idedeliver ngayon," Nilinis ko muna ang dala dala niyang galon ng tubig at saka kinargahan. Ako na rin ang nagdala sa may tricycle "Salamat pare. Siya nga pala, hindi ba at malapit na ang kaarawan ng inaanak natin kay pareng Macky?" aniya. "Kailan ba iyon? nakalimutan ko na sa dami na ng inaanak natin," sabay tawa. "Mukhang malapit na naman tayong magkaroon ng inaanak sa bunso natin ah," "Nakuuu poo, mukha nga. Mukhang nakakadami na sila ni Yumi," "Eh ikaw ba? Kailan? Nandito na siya pare. Anakan mo na kaya?" tumatawa niyang saad at agad ko naman siyang hinampas ng walis tambo. "Sira ulo! bakit ko naman aanakan eh hindi naman kami tsaka may nobyo na yung tao kaya tantanan niyo na yang issue niyo," "Sabihin ko kay pareng Macky na imbitahan niya si Savanah sa birthday ng inaanak natin haha," Tumawa lang ako at pinalayas na siya. Grabe na ang mga kaibigan ko. Gusto ba nilang magkabalikan kami ni Sav? Hindi ba't alam nila ang pinagdaanan ko. Mga siraulo talaga ang mga iyon. Nagdeliver ako ng limang containers ng mineral water sa kabilang kanto kaya naman napagpasyahan kong umuwi muna sa bahay para mananghalian. "Anak bili ka nga ng magic sarap kina mareng Amy, naubusan na pala tayo ilalagay ko lang sa sinigang na bangus at nang makakain na tayo. Nagugutom na daw ang kapatid mo," ani mama. "Sige po ma, inom lang po ako ng tubig. PUMUNTA kaagad ako sa tindahan nina pareng Macky para bumili ng ipinagbilin ni mama. Napahinto ako saglit at hindi na binalak pang tumuloy dahil nanduon si Sav, bumibili at kasalukuyan silang nag-uusap ni Aling Amy. Tatalikod na sana ako ngunit huli na dahil tinawag ako ni pareng Macky na kalalabas lang sa kanilang gate habang bitbit si baby Lucas na dahilan upang mapalingon si Aling Amy at Savanah sa gawi ko kaya tumuloy na lang ako. Magic sarap ang sadya ko kaya ano lang kung nandito siya. Kaya naman para hindi nila mahalata na naiilang akong nanduon si Sav ay kinausap ko na lang si Macky. "Pre kailan nga ulit yung kaarawan nitong inaanak ko?" sabay kurot sa pingi ni Lucas. "Sa susunod na Sabado pre, gusto ko ngang pag usapan natin kung anu-ano ang magaganap sa araw na iyon. Busy pa kasi si Kristine kaya hindi pa namin napagpaplanuhan," "Sige bukas na lang ng gabi," "Sige pare, sa bahay na lang uuwi naman ng maaga si Kristine ikaw na ang bahalang magtawag sa kanila. Sana lang makapunta si pareng Baste dahil alam mo naman, under ECQ parin tayo," "Oo pre ako na lang magsasabi sa kanila. "Kiel, bibili ka ba nak?" tanong ni Aling Amy. Nakatayo si Sav sa gilid at nakayuko dahil may kinakalikot siya sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung ginagawa niya lang iyon para hindi din makitang naiilang siya. Napalingon ako kay pareng Macky na ngayon ay ngingiti ngiti. Hindi ko siya kinausap o nag "hi" manlang. "Opo, isang sachet po ng magic sarap yung malaki po", "Aling Amy, alis na po ako. Salamat po," paalam ni Sav. "Sav, yayayain sana kitang dumalo sa Sabado doon sa bahay. Birthday kasi nitong anak ko, baka lang may time ka," tama nga ang nasa isip ko kaya pala nakangiti ang loko dahil may binabalak pala. "Ahh sige ba, wala naman akong gagawin eh. Hindi ko alam na pati pala ikaw ay may asawa at anak na," ani Savanah kay Macky. "Oo, itong si Kiel ang wala pa. Hindi na siya makakahabol sa amin. Ewan ko ba. Nagfofocus lang kasi siya sa negosyo niya," nakangiting sagot naman ng kaibigan ko Agad naman akong napakamot sa ulo ko sa naging usapan nila. Hindi na lang ako sumagot.Bakit ganyan ang reaksyon mo Kiel? Wala ka namang magagawa dahil yung kaibigan mo naman na ang nag imbita sa kanya. Mukhang alam ko na naman ang mangyayari sa araw na iyon. Ihahanda ko na lang ang sarili ko. Napatigil ako sa pakikipag-usap sa sarili ko nang tawagin ako ni Aling Amy. Kinuha ko ang binili ko at iniabot sa kanya ang bayad. "Pre bukas na lang ng gabi. Una na ako, kailangan na kasi ni mama itong pinabili niya," at tumango naman siya. Nagpaalam na din ako sa nanay niya. Si Savanah? Nginitian ko lang siya ng konti saka na ako umalis. SAVANAH LINGGO na pero hindi parin nagpaparamdam si Harold simula kahapon. Tinatawagan ko siya ngunit hindi niya sinasagot. Ipinaliwanag ko naman sa kanya kahapon pero parang hindi niya maintindihan. Naaasar tuloy ako sa kanya. Oo namimis ko na siya pero mas dapat kong isipin ang kaligtasan ng pamilya ko. Paano kung makasalamuha siya ng mga taong nakapitan ng virus? Hindi niya naiisip iyon? Bumuntong hininga ako at saka humigop sa kape ko. Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa may sala. Alas sais palang naman kaya nag iisip isip muna ako kung ano ang maaari kong gawin. Hahayaan ko muna si Harold, baka iniintindi pa njya yung sinabi ko. Naalala ko na naman yung kahihiyan ko kahapon. Mula sa Kyla's Garden hanggang sa bakery. Kung itext ko kaya si Kiel para makapagsorry ako? Pero wala sa akin ang cellphone number niya. Nakapangalumbaba ako at iniisip kung pupuntahan ko ba siya duon. "Pupuntahan mo? Eh ano namang sasabihin mo sa kanya aber?" my brain. Oo nga no, huwag na lang. Hayaan mo na siya. Halata namang ayaw niya na akong maging friend. Whatever? Bahala siya. Pero kasi, siya lang ang laman ng isip ko lately. Pagtataksil na ito. I hate myself ‘casue I know something within me still loves my Kiel. Gosh. Masama talaga itong tama ko. End of chapter five
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD