Chapter Seven KIEL PAGKAPATAY ng tawag ay nag-isip ako kung ihahatid ko ba iyon o hindi. Hindi sa tinatamad ako pero kung maaari ay ayaw kong nagkakausap kami ni Sav. Pero sino ang maghahatid ng tubig? Alangan namang maglakad ang mga ito ng sila lang? "Pareng Kiel, dalawang galon nga ng mineral water," sigaw na nanggagaling sa labas ng water station. Lumabas ako at nakita ko si pareng Baste na pababa ng kanyang tricycle. Ipapasuyo ko na lang kaya sa kanya yung tubig nina Aling Gara? "Oh pare, buti pinayagan kayong bumyahe dito?" wika ko. "Oo nga eh, saka mas ligtas ang mga bata dito kesa naman sa bayan na madami paring tao. Marami pa rin ang hindi sumusunod sa mga protocols na ipinapatupad kaya yun, umuwi na lang kami dito," "Sakto pala pare dahil balak ni pareng Macky na pag-usapan