bc

Stolen Night

book_age18+
26
FOLLOW
1K
READ
dark
sex
one-night stand
HE
goodgirl
billionairess
bxg
demon
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

WARNING: Mature Content || R18||Please be advised that this story contains mature themes.

Ayeth A. Samonte is the youngest daughter of a business tycoon who owns one of the top hotel chains in the Philippines. It stands for this reason that she should have a good life. Unfortunately, things not going as easy as everyone thinks, especially she’s part of Samonte Family who treated their daughters as a pawn.

Nang malaman ni Ayeth na siya naman sa anim na magkakapatid na babae ang isusunod nitong ipakasal sa isang matandang biyudong intsik. Marriage is a life-long commitment and sacred, she dreams to marry the man she loves pero ngayon, mas gugustuhin pa ni Ayeth na mamatay kaysa manipulahin ng kanyang ama ang buhay niya.

Subalit paano niya magagawa iyon kung may hawak na alas ang kanyang sariling ama at hindi ito mangingimi na gamitin iyon para pilitin siya sa gusto nito. May magagawa ba siya? Gayung magiging masalimuot ang buhay niya sa hinaharap sa piling ng isang matanda, ba’t hindi niya subukan ang isang bagay na hindi pa niya nasusubukan?

She had enough been a good girl, kaya’t kahit man lang sa kahuli-hulihang bagay ay gagawin niya. She decided to be bold enough and that one bold plan of hers is to lose her virginity to the man she had a crush on.

However, an accident happened, in just one night turned into a mess when she accidentally slept with the wrong person.

Kean De Solas!

Bulalas ni Ayeth matapos niyang makita ang gwapo at matipunong lalaki na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Sa likod ng maamo at gwapong mukha nito, sinong mag-aakala na kilala ang binatang ito bilang bully noong high school days niya at isa ito sa kinatatakutan niya, lalo na ang pamilya na nasa likod nito.

Confused and scared, Ayeth took advantage to escape while the man asleep. Akala niya ay ito na ang huling pagkikita nilang dalawa, pero sinong mag-aakala na iyon rin pala ang umpisa ng lahat?

Dahil nalaman niyang pamangkin pala si Kean De Solas ng biyudong intsik na itinakdang ipakasal ng kanyang ama kay Ayeth!

Jusko po!

Stolen Night

Copyright © by SorceressPrincess WP

All right reserved. No part of this page will reproduce or transmitted in any form by any means photocopying, recording without permission by the author.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
HINDI NAMALAYAN ni Ayeth na nabitiwan na pala niya ang hawak niyang kubyertos nang marinig ang anunsyo ng kanyang ama na si Don Manuel. It’s already the third sunday night of this month where their family will hold once a monthly family dinner for all of them. Kahit ang mga kapatid niya na may sariling pamilya ay nakaugaliang bumalik rito sa bahay ng pamilyang Samonte para dumalo sa kanilang family dinner. Buong akala ni Ayeth na isa na naman iyong ordinaryong family dinner pero sinong mag-aakala na may pasabog ang kanyang ama para sa kanilang pamilya lalo na sa kanya? Hindi lang siya ang nagulat sa anunsyo nito, pati na rin ang iba niyang nakakatandang kapatid na babae. Subalit, hindi kasing laki ng reaksyon niya ang naramdaman ng mga ito nang marinig ang anunsyo ni Don Manuel. Makalipas ang ilang sandali, ang unang nakabawi sa pagkasopresa ay si Ate Wilma. “Are you joking, Dad? Dahil kung oo, hindi ito nakakatawa.” Hindi makapaniwalang wika nito sa kanilang ama. Habang si Ayeth naman ay tahimik na tiningnan niya si Don Manuel, ioobserbahan niya ito kung nagbibiro lang ba ang matanda o hindi pero nang makita niyang nanatili pa rin seryoso ito. Hindi ito nagbibiro sa sinabi. Nang makumpirma nito iyon ay hindi maiwasan na makaramdam ng lungkot at dismayado. “Wilma, sa tingin mo, kailan pa ako nagbibiro sa inyong magkakapatid? It’s already decided. I am planning to let Ayeth marry Mr. Solas. Sinabi ko ito sa inyo para ihanda ninyo ang sarili, lalo ka na Ayeth.” Itinuon ni Don Manuel ang paningin sa bunsong anak nitong babae. Pakiramdam niya ay tila may bikig na nakabara sa lalamunan niya nang marinig ang sinabi nito. She should have known. Ano pa ba ang inaasahan niya? It takes her a minute to calm herself and muster her courage to speak. “Dad, sino po bang Mr. Solas ang tinutukoy mo?” Sa daming lalaki sa pamilyang Solas. Hindi siya sigurado kung sino ang napusuan nitong ipakasal sa kanya. Hindi man siya gaanong pamilyar sa pamilyang `yon pero kahit paano ay may alam pa rin siya dahil parati niyang naririnig sa iba ang tungkol sa pamilyang iyon. Sa pagkakaalam niya, ang pamilyang Solas ay isa sa pinakamayaman at prominenteng pamilya sa kanilang bansa. Nangunguna ang korporasyon na pagmamay-ari ng mga ito sa buong pilipinas at sa iba pang parte ng asia. Other than that? Wala siyang alam at hindi rin siya interesado. “You have seen him before at the banquet two months ago, my daughter. His name Gustavo W. De.” Pagkarinig ni Ayeth sa buong pangalan ng lalaking ipapakasal sa kanya ay biglang sumagi ang imahe ng isang lalaki sa isipan niya. Seryoso ba si daddy? Namutla ang mukha niya. Sa lahat ng lalaki na napusuan nito ay iyon pa talagang matanda! Isang beses lang niya nakita ang matandang intsik noong sumama siya sa kanyang ama na dumalo ng 50th wedding anniversary ng mag-asawang Mendoza na isa sa kasosyo sa negosyo ni Don Manuel. Jusko po! Malakas na anas ni Ayeth sa kanyang isipan. “He’s sixty years old,” hindi niya napigilan na ipaalala rito ang tungkol do’n. “Matanda na siya para maging ama ko, dad.” Subalit, wala pa rin siyang makuhang ibang reaksyon mula sa kanyang ama matapos sabihin iyon. Mas lalong napakuyom niya ang kanyang kamao. Sure enough, napakatuso ng taong `to kahit sa sarili nitong anak. Bakit ba niya nakalimutan ang tungkol do’n? Hindi siya dapat umaasa na magbabago ito! Hindi pa ba sapat na halimbawa ang nangyari sa kanyang mga kapatid na babae? Biktima rin ang mga ito ng arranged marriage ng kanilang ama! Maimpluwensyang tao ang kanilang ama, kahit na gustuhin man ng kanyang mga Ate niya na hindi sundin ito, imposible pa rin. Hindi sa hindi sinubukan ng mga ito na tumakas, but their father had his means to prevent them to do so. Ang kaibahan lang sa sitwasyon niya sa mga ito, hindi matanda ang pinakasalan ng mga ito. Isipin palang niya na mapipilitan rin siyang ipakasal ng kanyang ama sa matandang iyon ay unti unting nag-iinit ang gilid ng mga mata niya. Malaki na ang business ng kanilang pamilya, ano pa ba ang gusto nito? “Biyudo rin,” dagdag ni Ate Wilma sa sinabi ni Ayeth. Si Wilma ang panganay na anak ni Don Manuel sa unang asawa nito. Halos silang magkapatid ay magkaiba ang kanilang ina. Siguro iyon ang isa sa dahilan kaya hindi gaanong malapit silang lahat sa isa’t isa maliban kay Ate Wilma. Sa kanilang walong magkapatid, si Ate Wilma ang unang nag-asawa. Ang taong pinakasalan nito ay ang bunsong anak na lalaki ng pamilyang Sevilla. Nagmamay-ari ang pamilya nito ng malaking marine transportation sa kanilang bansa. After their marriage, iniisip ng ibang mga tao na hindi magiging maganda ang buhay ni Wilma sa pamilya ng Sevilla lalo na’t ang taong pinakasalan nito ay isang baldado at isama pa na hindi pa gano’n katagal na sawi sa pag-ibig ang kanyang kapatid. Bago pa naikasal si Wilma, may nobyo ito noon. Balak ni Wilma na tumakas kasama ang nobyo nito ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ni Wilma ang pinagtaksilan ng nobyo at kaibigan nito. Isa iyong malaking dagok para Wilma. Samu’t sari ang naramdaman nito matapos itong pinagtaksilan, siguro isa na rin ito sa dahilan kaya hindi na ito tumutol ng ipakasal ito ng kanilang ama sa bunsong anak ng pamilyang Sevilla. Ngunit, sinong mag-aakala na mali ang akala ng ibang mga tao? The two of them getting along well. Wilma’s relationship with her husband is much better than their other sisters. Subalit, kahit na maganda ang buhay nito sa piling ng asawa, naging malayo ang loob nito sa kanilang ama. “Ano naman kung biyudo si Mr. Solas? Aanhin mo naman `yong bata at hindi ka naman mabibigyan ng maalwan na buhay?” binaba ni Don Manuel ang kubyertos at seryosong tiningnan si Wilma. Natawa si Wilma sa narinig at sinabing, “naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anong problema? Everything is wrong from the beginning!” “Shut up, Wilma.” Naging delikado na ang boses ng kanilang ama. “I know what I’m doing. Hindi ba’t maganda naman ang buhay ninyong magkapatid sa mga taong pinili ko para sa inyo?” “Anong magandang buhay pinagsasabi mo? Itanong mo sa iba kong kapatid kung anong buhay nila?” Nang banggitin ni Wilma ang iba ay tiningnan nito ang iba pa nilang kapatid. Nanatili man tahimik ang mga ito pero makikita sa ekspresyon ng mga ito na hindi sang-ayon ang mga ito sa sinabi ng kanilang ama. “Mga suwail! Matigas na ba ang mga pakpak ninyo kaya kinakalaban na ninyo ako?!” Sa sobrang galit ay hindi nito napigilan ang sarili na ihampas ang kamay sa mesa na dahilan para mapakislot ang mga ito. Habang si Ayeth naman ay nanginginig sa takot rito. Gayunman, kahit na natatakot siya sa kanyang ama sa mga oras na iyon, naglakas loob pa rin siyang magsalita. Hindi naman pwedeng hayaan na lang niya na magpatuloy ang sitwasyon na `to lalo na’t siya ang dahilan kaya napagalitan si Wilma. “Dad, huwag mong pagalitan si Ate Wilma. Tama naman iyong sinabi niya eh.” Napalunok siya ng isang beses bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Huwag mo naman ipilit sa akin na ipakasal ang matandang intsik na `yon. Hindi ko siya gusto, Dad.” pagmamakaawa niya rito. Subalit walang silbi ang pagmamakaawa niya kay Don Manuel. Napakatigas ng ulo nito at kapag nakapagdesisyon na ito ay mahirap ng baguhin iyon. “Hindi ba’t nangakot ka sa akin na hindi mo ako pipilitin na magpakasal?” “Kailan ko sinabi `yan?” Biglang nanlamig si Ayeth nang marinig niya iyon. “Last year, no’ng birthday ko.” “I did promise you, kaya nga hindi natuloy ang binabalak kong ipakasal ka sa anak ng kumpare ko noon.” How could that be… “Naku, tigilan niyo ako, hindi na magbabago ang plano ko at huwag niyo rin sagarin ang pasensya ko ha lalo ka na Wilma. Narinig ko na nagkaroon ng problema sa negosyo ng biyenan mo.” Pinaalala nito na kapag nagpatuloy si Wilma na sagut-sagutin ito ay hindi nito tutulungan sa problemang kinakaharap ng pamilya ng asawa nito. “Ikaw naman, Ayeth.” Muling bumaling si Don Manuel sa kanya. “Biyudo man si Mr. Solas, wala naman siyang anak at maganda rin ang kanyang ugali. Kaya hindi mo kailangan mag-alala na may aapi sa `yo kapag naikasal ka sa kanya.” Kaysa magsalita, minabuti niyang tumahimik na lang. Nang makitang hindi na siya nagsalita ay kinuha nito ang puting panyo sa mesa at pinunasan ang labi nito bago tumayo sa kinaupuan nito. “Buo na ang desisyon ko. You don’t have to persuade me anymore,” aniya tsaka iniwan silang magkapatid sa harap ng hapagkainan. HIndi nakatiis si Ayeth at sinamantala niyang umalis ang matanda para tumakbo pabalik sa kanyang kuwarto. “ATE WILMA, anong gagawin ko? Ayokong magpakasal sa matandang intsik na iyon.” Mangiyak-ngiyak na wika ni Ayeth. Pasalampak na umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Windang pa rin siya sa narinig niyang balak ng kanyang ama na ipakasal siya sa matandang biyudo. Nasa loob silang dalawa ng kanyang kwarto. Matapos ang hapunan nila ay dumiretso na siya bumalik sa kanyang silid at sinundan siya ng kanyang Ate rito sa loob. “Ayeth…” mahinang tawag ni Ate Wilma sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. “Hindi mo pa rin ba kilala si Dad? He is a ruthless man. For personal gain, he will not hesitate to sell his daughters. Huwag kang mag-alala, Ayeth. Hindi ko hahayaan na magpakasal ka sa matandang iyon.” “Pero paano?” She was helpless. She did not know what to do. She’s only 21 years old and has a bright future ahead of her. Ayaw niyang masira iyon dahil sa plano ng kanyang ama. Huwag tingnan na parang malaya si Ayeth at nagagawa niya ang kanyang ginagawa pero ang totoo niyan ay mahigpit na binabantayan siya ng kanyang Don Manuel. “Lisanin ang pamamahay na `to at magpakalayo,” pabulong na sabi nito sa kanya. Siniguro nito na siya lang ang nakarinig sa sinabi nito dahil sa takot na baka naglagay ng spy cam ang kanilang ama para subaybayan si Ayeth. “Hayaan mo, tatawagan kita sa plano ko.” “Pero… paano ka? Paano kapag nalaman ni Daddy ang binabalak natin?” Hindi maiwasan na tanungin ang kanyang kapatid, naalala kasi niya na na may problemang kinakaharap ang biyenan nito at kailangan ng mga ito ng malaking pera para maresolba iyon. “Ano ka ba? Huwag mong masyadong alalahanin ang tungkol doon. Kaya namin ng bayaw mo na solusyunan iyon.” It was not like she had never thought of ways to escape, however, those tricks were useless. Her other elder sisters were also sought to escape from their marriage but ended up a failure. Dahil din sa nasaksihan niya kung paano isa-isang nabigo sa pagtangkang tumakas sa kasal ay hindi mapigilan na makaramdam ng discouragement. Pakiramdam ni Ayeth ay imposible talaga niyang matakasan niya ang kanyang ama. If she failed to escape, her future will doom to be miserable.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook