LUMABAS NA AKO ng kotse nang maigarahe iyon saka mabilis na pumasok sa bahay. Pag-apak ko pa lamang, nakita agad ng mga mata ko ang nakatapis na si Anthony. Gulat siyang nakatingin sa akin. Napairap na lamang ako saka naglakad na para pumunta sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? I thought may meeting siya? "W-what are you doing here, Angelie?" tanong niya. Sasagot na sana ako nang may bigla akong napansin sa kaniyang leeg. Isang pulang marka iyon na parang nakagat ng kung ano. Out of curiosity, lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang pulang markang iyon. "Pasa ba ito, Anthony?" naguguluhan kong tanong. "Nakagat ako kanina ng lamok. By the way, what are you doing here?" Tumalikod ako sa kaniya sa umupo sa sofa. Pinakatitigan ko siya. Nakatuwalya lang siya at kitang-kita ng mga mata