"HAROLD CAN HANDLE that problem. I'm busy so stop calling me, I'm here at my farm in Laguna so I can't fix the problem in my company..."
Hindi na hinintay ni Anthony na sumagot ang kausap dahil sa iritasyon. Hindi niya ba alam kung bobo ang mga empleyado niya. Basta't kapag may problema at wala siya, Harold, his secretary could fix the problem.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya sa kaniyang bibig saka inilapag sa lamesang kahoy ang kaniyang cellphone saka tumingin sa kabukiran.
Fresh air could make his life impossible.
Bukod sa bukid siya lumaki, nakasanayan na rin niya ang buhay dito. Actually, nanghihinayang siya dahil hindi na siya ganoong interesado. Kapag may kailangan lang siya napunta sa mga farms niya na ipinamana sa kaniya ng kaniyang namayapang lolo at lola.
"Sir. Anthony, gising na po iyong babae na nasa kubo!"
Napatingin siya sa kaniyang kanan nang biglang may nagsalita. It was Mang Tani, ang nagbabantay ng sakahan niya ng pinya.
Ngumiti siya saka tumayo sa kinauupuang bench at dinampot ang cellphone. "That's good, Mang Tani. Puwede bang humingi ng favor?" tanong niya.
Tumango ang matanda. "Oo naman po, kayo pa," nakangiti nitong sagot.
"Puwede ho bang bumili kayo ng gamot sa bayan?"
"Oo naman po, Sir. Anthony, alam niyo naman po na loyal ako sa inyo kaya gagawin ko po iyan!"
"Kayo talaga, napakagalang sa akin. Huwag na ho kayong mag-po sa akin dahil mas matanda kayo." Nagkamot ng ulo ang matanda na ikinangiti na lang niya. Inilabas niya ang kaniyang pitaka saka naglabas doon ng isang libo. "Ito ho, bumili ho kayo ng gamot para sa sakit at kung may matira man, ibili niyo na lang po ng pagkain niyo!" saad niya saka abot ng isang libo rito na kaagad namang tinanggap ni Mang Tani.
Tumango lang ito at nagpaalam na sa kaniya. Napabuga na lang siya ng hangin sa bibig saka tinahak ang isang kubo kung saan nandoon ang babaeng tinulungan niya kagabi.
Nang makarating, nakita niyang nakaupo ito sa papag.
"How's your feeling?" tanong niya na ikinatingin nito.
"S-sino ka? Anong ginagawa ko rito?" sunod-sunod na tanong ng babae sa kaniya na para yatang natatakot pa.
Ngumisi lang siya at hinarap ito. "Hindi mo ako kilala?" naguguluhan niyang tanong. Tanging iling lang ang isinagot sa kaniya nito.
"S-sino ka ba? At nasaan ako?"
"Kung hindi mo ako nakikilala, ako si Anthony Dela Vega, ako ang asawa ng kapatid mo. Hindi mo naaalala? Kasama ka pa nga sa kasal namin. Bakit hindi mo ako kilala?"
Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin lalo na't nangunot ang noo nito. Bakit kaya ito nagkaganito? Hindi naman ganito ang kapatid ng asawa niya dati. Hinding-hindi ganito si Diana dati.
"Sorry dahil hindi kita kilala. K-kailangan ko nang umalis!"
Tumayo si Diana mula sa papag at nilagpasan siya. Hinayaan niya lang iyon at nang malapit na palabas ng kubo, nagsalita siya.
"Alam kong gutom ka, maraming pagkain dito sa lamesa!"
Natigilan si Diana at napaharap sa kaniya. "Pagkain? M-may pagkain ka? Nasaan?" animo'y gutom na gutom na turan nito sa kaniya.
Itinuro lang niya ang lamesang puno ng pagkain. Dahil doon, agad na nagtatakbo si Diana at nagsimulang kumain.
Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Ano kayang nangyari kay Diana at nagkaganito? Bakit ibang-iba siya noon? Ibang Diana ang kasama niya ngayon.
Umupo siya sa papag at pinagmasdan lang itong kumain. Mukhang ilang araw na hindi nakakain, mukhang ilang araw ding hindi nakaligo.
Kagabi, nang makita niya ito sa kalsada ay warak-warak ang dress nito kaya naman nanghiram siya ng dress sa asawa ni Mang Tani. Bakit ba nagkaganito si Diana? Bakit parang pulubi siya?
Naiiling siya sa kaniyang mga iniisip. No, it can't be. Mayamaya pa, tuluyan nang nakaisip siya ng sasabihin dito habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito.
"Anong nangyari sa iyo kagabi? B-bakit sira iyong dress mo? Bakit ang dungis-dungis mo?" sunod-sunod niyang tanong dito.
Tumingin sa kaniya si Diana. "Pinalayas kasi ako ni Lance, ang asawa ko. W-wala akong matirhan at wala akong pambiling pagkain kaya naman palakad-lakad lang ako kahit walang laman ang aking tiyan..." Nagsimula ulit itong kumain matapos sabihin ang gusto niyang malaman.
Sunod-sunod siyang napatango at ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Mang Tani habang dala-dala ang gamot na pinabili niya.
"Sir. Anthony, ito na po iyong pinabibili niyo."
Kinuha niya ang maliit na supot na hawak nito. Nagpasalamat na rin siya kaya umalis na ang matanda. Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit kay Diana.
"Pagkatapos mong kumain, inumin mo ito para lumakas ka. Kung may kailangan ka, nasa labas lang ako!" Ngumiti siya saka ipinatong sa tabi nito ang supot na may lamang gamot.
Hindi na niya hinintay pa itong sumagot at lumabas na siya para magpahangin. Sobrang init kasi sa loob ng kubo. Umupo siya sa isang bench na nasa ilalim ng puno at kinuha ang cellphone sa bulsa upang tawagan ang asawa na alam niyang nag-aalala na ito sa kaniya.
Pero nakailang tawag siya ay hindi man lang siya nito sinasagot kaya nakaramdam siya nang pagkadismaya. Ibinaba na niya ang cellphone at tiningnan ang sakahan.
Ang gaganda ng mga pinya. Ang gagandang pagmasdan. Walang oras siyang hindi nami-miss ang buhay bukid kaya kapag nagtutungo siya sa mga sakahan niya ay nilulubos-lubusan na niya dahil iba ang sa siyudad kaysa sa probinsya.
"Anthony pala ang pangalan mo."
May umupo sa tabi niya, si Diana.
Ngumiti siya. "Oo. Nga pala, ininom muna ba iyong ga—" Natigilan siya nang hinawakan siya nito sa kaniyang kamay na nakapatong sa kaniyang hita. Gulat na gulat siya sa ginawa nito.
"Salamat, Anthony dahil inalagaan mo ako kahit hindi kita kilala. Salamat dahil dumating ka," nakangiti nitong usal.
Napangiwi siya at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya sa kamay nito.
"No need to thank me, kung sino man ang kailangan ng tulong, I'm willing to help dahil hindi naman ako ibang tao."
"Sa tingin ko nga." Ngumiti ito sa kaniya at pinagmasdan ang napakaraming mga pinya sa harap nila. "Ang ganda-ganda talaga sa lugar na ito, Anthony. Ikaw ba ang may ari nito?" rinig niyang tanong nito.
"Ako nga," tanging naisagot niya.
"Siguro mayaman ka, no? Ang dami-daming mga pinya ang binebenta mo."
"Hindi ko binebenta iyan biglang pinya talaga. I have an alcohol beverages company na nagawa ng iba't-ibang klaseng alcohol like wine. Ginagawa naming wine ang pinya."
"Big timing ka rin naman pala, Anthoy kaya siguro ay mahal na mahal ka ni Angelie!"
Natigilan siya sa sinabi nito sa dulo. Hindi niya masyadong narinig iyon dahil humina ang boses nito.
"A-anong sabi mo?" naguguluhan niyang tanong.
"W-wala, huwag mo nang pansinin iyon." Humarap ito sa kaniya at ngumiti.
Napatango na lang siya at muling itinutok ang atensyon sa mga pinyang nasa harapan nila.
---
MATAPOS ANG GABING hindi na naman kapiling ang asawa kong si Anthony, hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Tumawag nga siya kanina at hindi ko sinagot dahil nagseselos ako. Gustong-gusto kong sagutin pero may kung ano rito sa loob ko na ayaw. Hindi naman ganoon kung magalit si Anthony kaya malakas ang loob kong hindi sagutin ang tawag niya.
Napatingin na lamang ako sa pintong nakasarado, hinihintay na bumukas iyon at iluwa ang asawa ko pero wala. Ilang minuto na akong nakamasid doon. Marahil ay hindi talaga siya uuwi ngayon, baka bukas, sa makalawa, o sa isang linggo!
Naiiling ako sa aking mga iniisip. Mali itong nasa utak ko dahil hindi iyon totoo. Hindi magagawa sa akin ni Anthony na lokohin ako... na mambabae behind my back, I swear, he wouldn't do that for our sake because I know, if he would do that, he might ruin our family... he might broke our happy family.
Muli na naman akong napa-iling sa mga negatibong aking iniisip. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko sa aking bibig at hinayaan ang aking utak na mag-isip ng kung ano-ano, may kuwenta man o wala.
I'm just sitting here, waiting for his coming!
Mga ilang segundo pa ang lumipas ay biglang tumunog ang aking cellphone. Nang silipin ko kung sino iyong tumatawag at nakita ko na si mama, walang pag-aalinlangan ko iyong sinagot.
"Ma, napatawag ka?" wala sa emosyon kong tanong.
I heard her deep sighed. "Gusto ko lang sanang kumustahin ka. Kumusta ka na nga ba?" tanong niya.
Hindi kaagad ako naka-imik dahil natutop ko ang aking bibig, nakain ko yata ang dila ko dahil hindi ko masagot ang sarili kong nanay.
"Angelie..." Tumaas ang boses niya sa ikalawang pagkakataon kaya napalumod ako ng aking laway.
"A-ayos lang po ako, mama!"
I don't know why she's so over protective with me. I already have a husband that could protect me from any danger, hindi na niya kailangang mag-alala dahil palagi naman akong okay.
"Iba iyang boses mo. May problema ka ba, anak? May problema ba kayong mag-asawa?" sunod-sunod niyang tanong.
I shrugged and answer her. "Wala po akong problema at wala rin po kaming problema ni Anthony. Medyo masama lang po iyong pakiramdam ko."
"Sure ka? Kung kailangan mo ako ay pupuntahan kita sa bahay niyo. Teka, inaalagaan ka ba ni Anthony diyan? Nasaan siya? Kakausapin ko siya!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon sa kabilang linya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sofa at sinagot siya.
"Ma, maayos lang ako, medyo okay na ako. Wala po rito si Anthony dahil nasa farm po sa Laguna. Huwag po kayong mag-alala dahil maayos lang po ako at kaya kong alagaan ang sarili ko," masaya kong wika kahit na hindi naman talaga ako masaya, ni hindi ko makuhang ngumiti, ngingiti nga, peke naman, e'di wala rin.
"Basta mag-ingat ka riyan, ha? Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ako. Ingat ka, Angelie. I love you..."
"I love you too, mama. Ingat din po kayo riyan!" sagot ko at tuluyan nang ibinaba ang cellphone at bumalik sa puwesto ko kanina.
Hindi ko na talaga alam ang aking gagawin dahil sa lalim ng aking iniisip. Kasing lalim ng balo na hindi makita ang pinaka-ibaba.
Nang makaramdam ng uhaw, tumayo ako at nagtungo sa kusina para uminom. Nang ibalik ko sa ref ang pitchel ay bigla ko na lamang narinig ang pagbukas ng pinto.
Inaasahan kong si Anthony iyon.
Dali-dali akong lumabas sa kusina at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siyang nakatayo sa pintuan habang... habang may kasamang isang babae. Isang babae na matagal ko nang hindi nakikita... si Diana, ang ate ko.
"Anthony?" Lumapit ako sa posisyon nilang dalawa. "B-bakit mo kasama ang ate ko? B-bakit kayo magkasama?" tanong ko.
"Nakita ko siya sa kalsada kagabi. Hindi ako nakauwi dahil nag-aalala lang ako sa kapatid mo. Hindi totoong emergency ang sinabi ko kagabi. It was her," aniya sa mababang tono.
Sunod-sunod akong napa-iling at binaling ang atensyon sa ate ko. Nakayuko siya at ang dalawa niyang kamay ay nasa likod. Hindi ko maisip na bakit ganoon siya? Ibang-iba siya.
"A-ate Diana," panimula ko at lumapit sa kaniya. "A-ate Diana, na-miss kita!" Akmang yayakap na ako nang bigla siyang lumayo.
"Sino ka? Bakit mo ako yayakapin?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Ate, ako ito, si— si Angelie," nakangiti kong sabi at naluluha pa.
Hindi ko tuloy maisip na baka kinalimutan na niya ako. Matagal-tagal din kasi kaming hindi nagkita at nagka-usap, mga limang taon na siguro dahil sumama siya sa asawa niyang kano... hindi ko alam, bakit siya nandito sa Pilipinas? At— at bakit ganito ang hitsura niya?
"Pasensya na pero hindi kita kilala. Aalis na ako, Anthony!"
Humarap siya sa asawa ko kapagkuway ay tumalikod na paalis. Hindi pa man siya nakakalayo ay kaagad ko siyang hinabol at pinigilan sa braso niya
"Huwag kang umalis... dito ka na muna tumira sa bahay dahil welcome na welcome ka rito, Ate Diana!"
"P-puwede ba?" nahihiya niyang tanong nang humarap sa akin.
Nakangiti akong tumango at humarap kay Anthony. "Oo naman lalo na't kapatid kita, hindi ba? Dito ka muna tumuloy. Payag naman ang asawa ko!"
"P-puwede ba, Anthony?" tanong niya.
"Oo naman, sinabi na ni Angelie, it's fine for me." Ngumiti sa akin si Anthony. "Ikaw na muna bahala sa kapatid mo, Angelie, magpapahinga lang ako." Binigyan niya pa ako ng matamis na halik sa labi saka tuluyan nang umalis.
Ako naman ay humarap kay Ate Diana.
"Halika ka na sa magiging kuwarto mo, ate!" Tumango lang siya kaya hinablot ko ang kaniyang braso at marahang hinila patungo sa guest room. Doon ko muna siya patutuluyin.
Pero... isang tanong ang hindi mawaglit dito sa aking utak. Bakit siya ganito? Ibang-iba siya sa Diana noon. At bakit hindi niya ako kilala?
At iyon ang kailangan kong malaman!