When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Kinaumagahan, wala na naman si Mr. Shein sa tabi ko ngunit ramdam ko ang pag-alis niya kanina. Hindi ko nalang siya inintindi at natulog ulit. Hindi ko na ipipilit na makita siya dahil ayos naman ang ganitong set up namin. Kesa umalis siya at hindi na magpakita pa. Agad akong naligo saka bumaba. Pagbaba ko ay hindi na rin ako nagulat nang makita si Harold na naghihintay sa akin sa ibaba. Agad niya ‘kong sinalubong at ngumiti ng pagkalaki-laki na animo’y nanalo sa lotto. “Ngiti-ngiti mo diyan?” “May ibibigay ako sa ‘yo,” nagtaka ako at hinintay ang ibibigay niya. May kung anong kinuha siya sa likuran at bahagya pa akong nagulat nang makita isang tangkay ng rosas sa kaniya. “For you, babe.” Kinuha niya ang kamay ko ay binigay sa akin ang bulaklak. Wala na ang tinik tinik nito. Kinuha niy