POSESSION Entry # 3

1300 Words
Possession Entry # 3 " Damn!! damn it!! I am f*****g late!! " sigaw ko habang nagmamadaling bumabangon sa kamang aking kinahihigaan. Tiningnan ko pa ng isang beses ang oras sa alarm clock nasa side table ng aking kama.. 10: 30 am.. 10:30 am.. goddammit!! nasaan ba ang babaeng iyon at hindi ako ginising ng maaga? Alam na alam naman niya ang oras ng pasok ko tuwing byernes.. shet!! patay ako nito sa tatay ko!! ngayon pa naman ang monthly meeting ng kompanyang pagmamay ari namin.. " T**ng ina, Sariiiiiii!!!!" galit na galit na sigaw ko habang nagmamadaling magpunta sa kanyang silid. Talagang ginagalit ako ng babaeng iyon, wala na ngang silbi!! wala pang kwenta!! iyon na nga lang ang papel niya sa pamamahay na ito hindi pa niya magawa ng maayos!! lagi na lang palpak!! tatanga tanga!! gaga!! shet!! kung mamalasin ka nga naman!! peste!!! ring...ring..ring.. daddy's calling------------ Ito na nga ba ang sinasabi ko.. Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag na iyon. [ W-where the hell are you, Jeremy!? Kanina pa kami naghihintay sayo, ilang beses ka ng tinawagan ng sekretarya mo pero hindi ka sumasagot. You better got a goddamn good reason para magkapeste peste ang meeting natin ngayon. ] Shit!! think fast.. think fast Jeremy, alam mong pagdating sa trabaho hindi ka makakaalpas sa pagkastrikto ng tatay mo.. think.. shet!! patay talaga sa akin si Sari, makikita niya. [ D-Dad, pasensya na.. m-may s-sakit k-kasi si S-Sari.. k-kagabi pa mataas ang lagnat niya, napuyat ako sa pagbabantay sa kanya at nataranta na ako kaya hindi man lang ako nakapagpasabi .. Ngayon ko lang napansin ang mga missed calls at tawag sa akin ni Marie.. p-paki -------------- [ Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo Jeremy. Dahil sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka. Alam mo na ang mangyayari. Ipapabago ko ang schedule ng meeting, inaasahan kong bukas makakarating ka na. Alagaan mo ng mabuti si Sari, wag ka ng pumasok. ] [ S-Salamat, Dad. ] toot..toot..toot Walang sabi sabing ibinato ko ng buong lakas sa pader ang cellphone ko dahil sa sobrang galit at gigil. Kitang kita ko kung papaano magkapira piraso iyon sa aking harapan. Kasalanan itong lahat ng babaeng iyon! kasalanan niya!! " Sariiii!!!! Sariiiii!! Peste kang babae ka!! Nasaan ka ba?!! Nasaan ka?!!" Ilang segundo pa ang aking hinintay bago ako nagpasyang hawakan ang door knob ng kanyang kwarto at binuksan ko iyon.. kunut noong pumasok ako sa loob pinagmasdan ang paligid. Yung kama maayos ni walang kagusot gusto na tanda ng walang natulog doon, dahan dahan akong lumapit doon.. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid, napansin kong bahagyang nakabukas ang pintuan ng banyo, naglakad ako papalapit doon pero kahit anong tunog wala akong marinig. Saan ba nagsusuot ang babaeng iyon.. Puno ng pagmamadali akong lumabas sa kanyang silid at pabagsak kong isinarado ang pintuan. Binagtas ng aking mga paa ang daan patungo sa kusina, dahil usually kapag ganitong oras alam kong maghahanda na siya ng tanghalian.. wala kasi akong kinuhang katulong dahil gusto ko siyang pahirapan.. tutal gusto niyang maging asawa ko kahit pa nga isinusuka ko siya, ginantihan ko siya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanya.. siya ang naglilinis ng buong bahay, naglalaba ng mga damit namin, nagluluto at marami pang iba.. pero hindi pa iyon sapat na pahirap sa kanya.. hindi pa.. kaya itinodo ko na.. nagsasama at nag aakyat na rin ako ng babae sa aming bahay na alam kong ikinasasama ng loob niya talaga.. ang bawat iyak, hikbi niya mistula iyong musika sa aking tainga.. ang bawat luhang pumapatak sa kanyang mga mata.. nakakapagpasaya iyon sa akin.. Masama na akong asawa.. talagang masama.. pero wala akong pakialam.. dahil pilit at ipinilit ang aming kasal.. " Sari!! Sariii!! Ano ba?!! punyeta kang babae ka!! sinasadya mo bang magbibingi bingihan!! Sinasadya mo ba talagang ipahamak ako!! Sumagot ka!! " pero para lang akong nagsalita sa hangin dahil ni kaluskos at ingay sa kusina wala akong narinig.. Nang makarating ako doon, kung ano ang dinatnan ko doon kagabi, ganoon pa rin ang ayos. Para akong sira ulong nagkakamot sa ulo sa sobrang frustrations ko.. kagat labing tinungo ko ang sala.. pero wala.. walang Sari na nandoon.. Puno ng inis at galit akong umupo sa loveseat na nandoon.. Saa-------- Wag mong sabihin na ng pinalabas ko siya kagabi dahil nakakaistorbo siya sa amin nung babaeng iyon na hindi ko na maalaala ang pangalan.. hindi na siya nakabalik? hindi na siya umuwi? Saan naman magpupunta ang babaeng iyon eh ni tsinelas walang suot iyon.. Ang buong akala ko nandoon lang siya sa labas ng pintuan at naghihintay na matapos kami.. hindi kaya may nangyari ng masama sa kanya? hindi kaya kung napaan----------- teka!! pakialam ko naman kung anong mangyari sa kanya!! Mas mabuti ngayon para tuluyan na akong makalaya sa mala impyernong bahay namin na ito! sa nakakasawang pagmumukha niya!! Pero hindi ko maintindihan yung kabog ng puso ko.. ang lakas lakas.. kinakabahan ako ng hindi ko maintindihan.. Wala namang ibang pupuntahan iyon? Saka---------- s**t!! s**t!! hindi ako pwedeng tubuan ng konsensya para sa kanya.. dahil una sa lahat.. siya ang sumira ng buhay ko!!! ------------------------------------- " M-Manang Lydia!! Manang!! " sigaw ko ng malakas ng makapasok ako sa aking bahay. Humahangos naman lumapit sa akin si Manang at puno ng pagtatakang pinagmamasdan niya ako habang buhat buhat ko ang babaeng nasa aking bisig. " Leandro, teka sino ba yang babaeng buhat buhat mo? Saa--------- " Manang, hindi ko po siya kilala, bigla na lang siyang nawalan ng malay ng lapitan ko siya kanina sa kalsada, parang wala sa sariling nakatayo sa gitna ng daan at nagsisisigaw. Mas mabuti pa ho, tulungan niyo . Ilalapag ko sa siya sa kama ko at kayo na po ang maghubad at magpalit ng mga damit niya. Baka po magkasakit siya dahil mukhang kanina pa nagbabad sa ulan ang babaeng ito." mahabang paliwanag ko habang naglalakad paakyat sa aking kwarto. Si Manang na mismo ang nagbukas ng pintuan ng aking silid at nauna na siyang pumasok doon. Buong ingat kong inilapag ang babaeng walang malay sa aking bisig. Dali dali akong tumalikod at tinungo ang closet ko para maglabas ng tshirt at jogging pants na alam kong hindi naman kakasya sa payat na pigura niya.. pero wala na akong choice.. kailangang pagtyagaan niya iyon.  " L-Leandro? B-bakit p-puro p-pasa ang babaeng ito? Tingnan mo ang mga b-braso niya oh.. nangingitim at may b-bakas pa ng mga kamay.. at y-yung pisngi niy----------- hindi ko napatapos si Manang sa pagsasalita dahil nilapitan ko sila at ako na mismo nakakita ng mga sinasabi ni Manang.. may mga pasa ito sa magkabilang braso, hinaplos ko iyong ng bahagya pero hindi ko kayang ipaliwanag yung kilabot na tumulay sa aking buong katawan.. para akong nabatubalani sa mga nangyayari.. Tinanggal ko ng mabilis ang aking mga kamay sa kanyang braso at iniangat ko ang aking mga mata sa kanyang mukha na bahagyang natatabunan ng kanyang mga buhok.. at halos malulon ko ang aking dila sa kagandahang aking nakikita.. napaka ganda niya.. k-kanina h-hindi k-ko iyon napansin dahil sa galit at inis ko sa kanya.. pero ngayo-------------  " Leandro" " Leandro" " Lean---------- " J-Je-Jeremy.. p-please d-do--dont h-hate m-meee------------ ungol niya .. na talaga namang nakapagpatayo ng aking mga balahibo sa batok.. napatayo ako ng mabilis.. dahil hindi ko kayang ipaliwanag yung pagkakarambola ng aking mga bituka sa tiyan.. yung paninikip ng aking dibdib.. yung galit na unti unting namumuo sa aking isip..  Sinong Jeremy? Siya ba ang dahilan ng mga pasang iyon? Shit!! At ano namang pakialam ko?!!  " M-Manang kayo na po ang b-bahala sa kanya. " bago ko pa marinig ang sagot ni Manang.. mabilis na akong nakalabas ng aking kwarto at hingal na hingal kong isinandal ang aking katawan sa saradong pintuan.. Sino siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD