CHAPTER 1

2409 Words
I feel so numb to the point that I can't feel anything. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Mugto ang mga mata na lumabas ako ng kotse. I took a deep sighed before stepping outside my car. Inayos ko rin ang sarili. Tulalang pinindot ko ang elevator at pumasok sa loob no'n. I still can't believe what happened today. Theo was mad at me and I can't even tell that Thea is his daughter. Iyon ko ang plano sa pagpunta sa meeting kanila. Nagsimulang tumulo na naman ng luha ko. I have so many questions in my head. Parang sasabog ang ulo ko dahil sa mga nangyari ngayong araw. It was very impossible for Theo not to know that we had a daughter when I told him that I was pregnant. Nagmakaawa pa ako sa kanya dahil kailangan ko siya ng mga panahon na 'yon. I was so young when I got pregnant and I have no one that day. Si Trevis at Chelseah lang ang mayroon ako nang mga panahon na 'yon. Hindi pa ako handa noon kaya kinailangan ko ang tulong niya, kaso wala. After I sent him my email, saying I was pregnant, a day after, I got a reply from him. Saying he don't want me and our baby anymore, because he's getting married to my sister. Alam kong galit siya dahil nasaktan ko rin siya, pero kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa kanya! I was so dumb, young and very fragile when I decided to leave him. Ayokong mawala sa kanya lahat. I wiped my tears using my thumb when I finally reached my floor. Mabilis akong naglakad palabas ng elevator. Kinuha ko ang key card ng unit ni Trevis. We're staying here for a while. Ang balak ko babalik pa kami ng Los Angeles pagkatapos kong sabihin kay Theo ang tungkol sa anak namin, ngayon mukha matatagalan pa kami rito dahil sa gusto niyang pakasalan ako. When I opened the door I already saw Thea together with her Tito Trevis and Tita Lauren. Nang makita ako ay mabilis siyang tumakbo papalapit sa'kin. "Mama!" she said while smiling as she hugged. Yumukod pa ako para magka-level kaming dalawa. Napapikit na lang ako nang mayakap ang anak. After everything that happened to me, she's the reason why I didn't give up. She's the reason why I'm still fighting because she needs me. "Baby..." mahigpit ko siyang niyakap. Nang maghiwalay kami, hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. Her blue eyes reminds me of him. "Mama, did you see Papa? When can I meet him? Is he here?" she asked so many questions again that I didn't know how to answer. Tumaas ang kamay ko para hawakan ang magkabilang pisngi niya. "Baby, I did meet your Papa today but he's busy to his work so you can't meet him for now." From smiling from ear to ear, her smile faded. "He didn't want to meet me? But I'm his daughter, Mama. Ang sabi ng teacher ko, mas mahalaga dapat ang pamilya keysa sa trabaho." Halos panghinaan ako ng loob ng makita ang anak na malungkot. She's very excited to see her Father today. Sa sobrang excited niya, siya pa ang naunang nagising sa'min ngayong araw. Nagtaas ako ng tingin kanila Trevis at Lauren. Asking them for help, but I know I am the only person who can help myself right now. Pilit akong ngumiti sa anak. "Anak, hindi naman sa gano'n. He's just busy, but he says that he wants to meet you too when he's not busy anymore." iyan lang ang mabibigay kong sagot sa kanya. Si Theo naman talaga ang nagsabi na gusto niyang makita si Thea. Maybe when that day comes, that's when I'll tell him everything. "Kailan, Mama? Gustong-gusto ko na po siyang mayakap." may bakas ng pananabik ang boses niya. "I'll talk to him about that, okay? Don't worry, I promise you'll meet him soon." Ayoko nang nagsisinungaling sa anak ko. I can't keep lying to my daughter that he's going to see her Father. Lalo pa ngayon na medyo komplikado ang lahat. Bigo man, tumango ang anak ko. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Kaunting tiis lang, Anak. Makikita mo rin ang Papa mo," wika ko. Nakangiting tumango siya bago ako niyakap sa leeg. Hindi nakatakas sa'kin ang pagtaas ng kilay ni Trevis. Then, he whispered something to Lauren. Lauren smiled before went towards us. "Come on, Thea, let's buy some food outside," nakangiting saad niya. Thea giggled before nodding her head. "Okay, Tita!" "Naiwan ko muna kayo," ani Lauren sa'kin bago binuhat ang anak ko at lumabas ng unit. "I know you have a lot of things to say to me," wika ni Trevis bago umupo sa mini bar niya. "come here and let's talk." Napangiti na lang ako bago sumunod sa kanya. I sat down beside him. Kumuha niya ng isang shot glass na may laman ng liquor bago binigay ito sa'kin. "Here," he handed me the glass. "tell me everything because you can't lie to me, Celeste. Sa mata mo pa lang, alam kong umiyak ka." Kinuha ko ang baso bago inubos ang laman no'n. Rumagasa sa lalamunan ko ang matapang na lasa ng alak. "Theo wants to marry me instead of my Sister." simula ko bago tumingin sa kawalan. "Don't tell me, you agreed?" Tumingin ako sa kanya. "Anong magagawa ko, eh 'yon ang gusto niya." He scoffed. "Celeste, marupok ka pa rin pagdating sa Ravonte na 'yan!" "Trevis, galit siya at alam kong ginagawa lang niya 'to para maghiganti sa'kin. I hurt him before," may dumaan na kirot sa puso ko nang maalala ang gabing 'yon. Him, kneeling in front of me. Ang sakit, pero wala akong magawa ng panahon na 'yon. "he wants to meet Thea too. Pero Trevis, galit siya dahil ang alam niya ikaw ang ama ni Thea." pagpatuloy ko. Natigilan siya bago hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. "God damn it, Cel! Paano niya nasabi 'yon!? You sent him an email saying your were pregnant! Baliw na ba siya?" Napailing na lang ako. "I don't know, Trev. He was fuming with madness earlier, that's why I didn't have a gut to tell him about Thea. I've tried to explain to him, but he's just mad!" Uminom siya ng alak bago tumingin sa'kin. "So, what's your plan now? Get married to him and tell him about Thea?" "Hindi ko alam. He wants us to get married within three weeks but he wanted to see Thea first." "Then, that's good! Don't ever lie to me, Cel! I know, you still love him so don't deny it. Maganda rin 'yan para mabuo ang pamilya niyo." Umiling ako. "Trevis, he wants to take revenge on me! Sinabi niya na sisirain niya ako pati ikaw. Galit na galit siya at sa tingin ko mali na makita muna siya ni Thea ng ganito! Baka kung anong mangyari. I can't risk it!" Trevis held my hand. "I just wish you to be happy, Celeste. Kayo ni Chelseah, dahil kayo ang kaibigan ko. Take a risk and tell him everything. Explain to him why you left him. Sa tingin mo ba, ipagpapatuloy pa niya ang sinasabi niyang paghihiganti kung malalaman niyang siya ang tunay na ama ni Thea?" Ewan. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako para sa anak namin. Sa sobrang galit niya ngayon sa'kin baka pati si Thea idamay niya talaga. Hindi ako papayag! May sakit ang anak namin. Thea has an asthma and psoriasis. The last time I checked na tinatake siya ng asthma niya, isang linggo siya sa hospital. Ayokong makita ang anak na nahihirapan. "Mama, please tell Papa I need to see him as soon as possible. I want to hug and kiss him, Mama. You said we have the same eye color, it means he's very handsome," mahinang wika ni Thea habang nakahiga na kami sa kwarto. Iisa lang ang kwarto namin. Ngumiti ako sa anak ko. Halatang inaantok na siya. Her hair is messy and her blue eyes look fascinating in darkness. "Yes, baby, I'll tell him when we see each other again, okay?" I convinced her. Tumango siya bago yumakap sa'kin. "Tell Papa that I missed and love him too." Malungkot akong ngumiti. Namumuo na naman ang luha sa mata ko. Paano ko sasabihin 'yon kung galit siya sa amin? How can I tell him that I missed him too, when he's mad at me. I can't lie anymore. He's the only man that I've ever loved in my life. At tanga ako kung sasabihin ko na hindi ko na siya mahal ngayon, dahil walang pinagbago ang nararamdaman ko sa kanya. Sa dumaang limang taon, hindi siya nawala sa sistema ko. Kahit na noong sinabi niya na hindi niya ako pananagutan at wala na siyang pakialaman sa'kin, umasa ako na darating siya para alagaan ako noong buntis ako. Sa limang taon, 'yong pagmamahal ko sa kanya hindi nagbago. I still love him. And my love for him hasn't changed. Siya pa rin hanggang ngayon. But my love for him is not the point here. I need to explain to him everything. I need to tell him everything. I need to tell him that Thea is his daughter and not Trevis'. Kaya nga siguro natagpuan ko na lang ang sarili sa opisina niya. My hands were trembling as I looked at him. He has this cold aura. Very serious and hard to read. Umiling ako sa mga sinasabi niya. "Theo, I can't! You're supposedly married to Ate Farah, not me!" He scoffed and looked at me in the eyes. His cold dark expression sent me shivers down to my spine. "Kahit na sa mga ganitong panahon, talagang pipiliin mo ang lalaki 'yon kesa sa kompanya niyo?" mapakla siyang tumawa. "your company needs me. What will happen to your parents if you choose that man over your company?" "Hindi kasali dapat dito si Trevis!" madiin na sambit ko. Ayokong idamay niya si Trevis dito na walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako. May dumaang galit at sakit sa mga asul niyang mata na kinakunot ng noo ko. Mariin siyang pumikit at nang idilat niya ang mga mata, there's a longing written on his face. Pagod siyang tumingin sa 'kin. "Why are you still defending him?" Natigilan ako sa sinabi niya. Nawala lahat ng galit niya sa mukha at tila ba pagod na pagod siyang tumingin sa'kin habang nakaupo sa upuan. "Because he's my friend, Theo," simpleng sagot ko. Nag-iwas siya ng tingin sa'kin. I saw how his adams apple moved and he became cold again. Nakakatakot ang aura niya ngayon. His jaw clenched as he stared at me attentively. Napalunok ako. Nag-iwas ako ng tingin bago may pumasok sa loob ng office niya. I saw my sister walking towards me. Galit na galit ang mukha niya. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Sa sobrang lakas no'n halos tumabingi ang ulo ko. Ramdam ko ang hapdi ng sampal niya. "How dare you steal everything from me!" she shouted from the top of her lungs. "ako dapat ang papakasalan niya, not you! Lahat na lang, Celeste! Kinuha mo na siya sa'kin noon, pati ba naman ngayon!" dumapo ulit ang kamay niya sa kabilang pisngi ko. Hindi ako makagalaw agad dahil hinila niya agad ng buhok ko. "A-Ate!" my voice trembled when she pulled my hair with her full force. "t-tama na!" my tears started to slid from the corner of my eyes as she still pulled my hair. Sobrang lakas na tila ba matatanggal ang anit ko. "Theo is mine, Celeste! Isa ka lang basura! Sinaktan mo siya noon tapos ngayong nandito ka na naman para sirain ang relasyon namin!" "Farah! Stop!" sigaw ni Theo. I don't know what's happening because she was dragging me as she pulled my hair. Tumulo na ang luha sa mata ko. Sobrang sakit! "No! And I will not stop until she is gone again!" "I said stop!" malakas na sigaw ni Theo bago tinulak ang kapatid ko. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Here am I again. Crying and hurting by the same people who hurt me before. Akala ko hindi na mangyayari ulit sa'kin na masaktan at latiin ng mga taong nanakit sa'kin noon. Hindi ko man lang mapagtanggol ang sarili ko at mahinang umiiyak. "Stop defending her, Theo! She hurt you before and I still don't know why you wanted to marry her after all she had done to you!" galit na sigaw ng kapatid ko. "Get out of here, Farah!" "I can't believe you! Malandi ang babaeng 'yan! Pinagsabay kayo ng kaibigan niya! She has a child for god sake!" "One more word you say something to her, I'll make sure I won't help your family until your company goes down," his jaw clenched. "tingnan natin sinong maghihirap." Lumapit ang kapatid ko kay Theo pero tinulak lang siya nito. "Don't come near me, Farah. And get out here before I call my security and drag you outside my company!" Umiling ang kapatid ko bago nagmamartsang lumabas ng opisina ni Theo. When Ate Farah got out, he kneel in front of me. Mahina akong humikbi nang lumuhod sa harapan ko si Theo. He cupped my face. "Are you okay?" he asked. Hindi ako sumagot at tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. "K-kailangan ko nang umalis." I was about to stand up when he pulled me to him. Napaupo ulit ako sa sahig habang inaayos niya ang buhok kong sumabog dahil sa sabunot ng kapatid ko. "T-Theo—" "Shut up!" madiin niyang wika. Tumulo ang luha ko at mabilis niyang pinunasan 'yon. I've seen this scene before. Noong akala ko, okay na 'yong salitang pagmamahal para sa aming dalawa. Wala namang nakapagsabi sa'kin na masakit pa lang magmahal. Na pag nagmahal ka, kailangan mong magsakripisyo para sa inyong dalawa. Ang sakripisyo na ginawa ko na akala ko mapo-protektahan ko siya, 'yon pa ang dahilan bakit kami ganito ngayon. If I just knew that this will happen, then I'll go back to that day when I hurt him. When I say that I didn't love him, but god knows how much I loved him. "Stop crying," he said, softly. "Y-you need..." I sobbed. "you need to know so-something." I whispered while still sobbing. Umiling siyang "Shh!" "No, Theo!" malakas na wika ko. "kailangan mong malaman ang tungkol kay Thea. She—" "Let's get married today," he said, making my world stop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD