BILLIONAIRE SERIES #4 The Prisoner

BILLIONAIRE SERIES #4 The Prisoner

book_age18+
579
FOLLOW
7.3K
READ
kidnap
badboy
billionairess
drama
bxg
heavy
city
virgin
punishment
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Katya Jones- isang masayahin at madaldal na secretary. Nagsusumikap siyang magtrabaho para matulongan ang ampunan na kanyang kinalakihan. subalit ng makilala niya ang asawa ng kanyang boss at tinulongan ito, ay hindi niya akalain na ang kapalit nito ay ang kanyang kalayaan. makatakas kaya siya sa kamay ng taong walang awa sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
C1 TP Hindi ko mapigilang mainis ng makita kung malapit ng mag alas sais na ng umaga. Natagalan akong matulog kagabi dahil sa utos sa akin ni Sir Caleb. Simula ng maging secretary niya ako ay nag-umpisa ng guminhawa ang buhay ko, sa ampunan na ako lumaki at nang matapos ako sa pag-aaral ay umalis na ako roon. Mabait naman ang mga madre na umampon sa akin kaya kahit wala na ako roon ay nagbibigay pa rin ako sa kanila para sa mga bata na sa ampunan. Mabuti na lang at nakapasok ako bilang isang secretary ni Sir Caleb Miller. Kahit masungit na boss si Sir ay galante naman ito lalo na sa sahod ang laki ng sahod ko sa kanya, kaya kahit araw-araw niya akong sungitan at hindi ko ito pinapansin at pinagbutihan ko na lang ang aking trabaho. “Kainis naman!!” sigaw ko habang pumasok ng banyo, simula ng lumipat ako rito ay palagi na lang akong nagsasalita mag-isa para naman umingay ang apartment ko. Nang maayos ko na ang aking sarili ay nagmamadali na akong sumakay ng jeep papunta sa office. Hindi ako pwedeng ma-late dahil alam kong magagalit si Sir Caleb. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa office sa tamang oras. Agad kong inayos ang aking mesa habang hinihintay ang pagdating ni Sir. Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Caleb, bumati ako sa kanya at napatingin sa kasama niyang babae, maganda ito at mukha siyang Korean. Nagulat ako ng sabihin sa akin ni Sir na bagong secretary niya si Jezz. Ang akala ko ay tatanggalin na niya ako sa trabaho dahil may bago siyang nakuhang secretary, pero nakahinga ako ng malaman na dalawa kaming mag assistant niya. Mabait naman si Jezz at tahimik, napapansin ko rin na palagi siyang tinatawag ni Sir sa loob ng office nito, siguro may gusto sa kanya si Sir Caleb. “Jezz, sabay na tayo kumain,” yaya ko sa kanya habang inayos niya ang kanyang mesa. “H-ha, s-sige,” sagot niya at agad nagyuko. Napansin ko naman ang pasa sa kanyang labi kaya nilapitan ko siya. “Okay ka lang ba?” takang tanong ko habang tumango siya sa akin. “Bakit ka may pasa?” tanong ko habang tiningnan ang kanyang mukha. “N-nabangga lang ako,” aniya habang hindi makatingin sa akin. alam kung nagsisinungaling lang siya kaya niyakap ko siya. Ramdam ko naman ang pagyugyog sa kanyang balikat kaya hinagod ko ang kanyang likod. Alam kong may mabigat siyang problema kaya hindi ko na lang siya tinatanong pa. hinayaan ko na lang siya na siya ang magsabi nito sa akin. Lumipas ang ilang linggo na magkasama kami ni Jezz at unti-unti na siyang nagsasabi sa akin ng mga problema niya. Napapansin ko rin na takot siya kay Sir, at kapag tinatawag siya nito ay iiyak siya kapag lalabas siya sa office ni Sir. “Jezz okay ka lang?” tanong ko sa kanya ng mapansin na balisa siya. “Kat, b-buntis ako,” hindi ko mapigilang magulat dahil sa kanyang sinabi. “A-ano? A-alam na ba ng nobyo mo na buntis ka?” Umiling siya habang umiiyak. “Bakit hindi mo sasabihin sa kanya?” ani ko habang hindi mapigilan ang mag-alala sa kanya, alam ko kasing lagi siyang umiiyak at baka makakasama ito sa dinadala niya. “H-hindi pwede, b-baka sasaktan niya ang anak ko a-at ipalaglag niya,” iyak niyang sabi sa akin. naalala ko naman ang mga magulang ko na iniwan lang ako sa ampunan matapos nila akong isilang, kaya niyakap ko siya. “Maswerte ang anak mo Jezz, dahil kaya mo siyang ipaglaban,” iyak ko ring wika sa kanya. “Gusto ko nang makawala sa kanya Kat,” Kumalas ako sa pagyakap sa kanya ng marinig ang kanyang sinabi. “Sino?” hindi ko mapigilan na magtaka sa sinabi niya at sino ang taong tatakasan niya. “S-si C-Caleb ang a-ama ng anak ko,” nagulat ako sa kanyang sinabi, dahil paano’ng nangyari na ang boss namin ang ama ng dinadala niya, ang alam ko may girlfriend si Sir. “Jezz, totoo ba ang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya habang tumango siya sa akin. “Kat, please tulungan mo ako, kapag malaman niya na buntis ako, b-baka ipalaglag niya ang baby ko,” aniya sa takot na boses, hindi ko mapigilang maawa sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Kilala ko rin si Sir Caleb alam gagawin niya ‘yon dahil may nobya siya at siguro katawan lang ni Jezz ang gusto niya. “Huwag kang mag-alala Jezz, tutulungan kita.” ani ko at niyakap siya. yumakap din siya sa akin habang umiiyak pa rin. “Huwag ka ng umiyak makakasama ‘yan sa baby mo,” wika ko at kumalas ng yakap. Pinunasan ko ang kanyang pisngi habang ngumiti sa kanya. Habang nasa bahay ako ay hindi ko mapigilang isipin si Jezz, gusto ko sana siyang tawagan dahil nag-aalala ako sa kanya pero wala raw siyang phone. “Ahh! Ano ang gagawin ko!!” sigaw ko habang hinawakan ang aking ulo. “Tama! Alam ko na ang gagawin ko!” napangiti ako sa naisipi ko, siguro hindi na siya makilala ng mga guard kapag ipapasuot ko sa kanya ang mga damit ko. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at hinahalungkat ang aking wardrobe malawak naman ang ngiti ko ng makita ang damit na binili ko dati. Bago pa lang ito at hindi ko pa nasusuot. Ito na lang ang ipasuot ko sa kanya. Kinuha ko ang paper bag at nilagay ito. “Huwag ka na mag-alala Jezz, dahil makakatakas ka na,” ngiting wika ko sa aking sarili. KINABUKASAN ay maaga akong nagising, hindi na ako kumain ng almusal dahil sa cafeteria na lang ako kakain. Excited din akong ibigay kay Jezz ang damit na dala ko para makakatakas siya. Nang makarating ako sa office ay agad akong kumain, dahil mamaya pa darating si Jezz kasama si Sir. Ilang minuto ang lumipas ng makita ko si Jezz. “Halika ka, may ipapakita ako sa’yo,” hinawakan ko siya at dinala sa banyo. “Ano ‘to Kat?” tanong niya sa akin ng iabot ko sa kanya ang paper bag. “Isuot mo ‘yan para hindi ka nila makilala,” ngiting wika ko sa kanya. “Salamat Kat,” iyak niyang sabi habang niyakap ako. “Bilisan mo na, habang wala pa si Sir,” ani ko dahil ito ang magandang pagkakataon na makaalis siya dahil umalis si Sir Caleb kasama ang girlfriend nito. Lumabas ako ng banyo habang nagbibihis si Jezz. Matapos siyang magbihis ay nagpaalam na siya sa akin. labis din ang aking panalangin na sana ay hindi nila makita si Jezz. Ibinigay ko rin sa kanya ang address ni Manang Flor, dahil sabi niya wala siyang mapuntahan kaya roon ko na lang siya pinapunta. Alam kong tatanggapin siya ni Manang Flor dahil mabait ito at isa siya sa nag-alaga sa akin sa ampunan. “F*ck! Where is Jezz?” galit na tanong sa akin ni Sir Caleb, hindi ko naman mapigilang matakot sa kanya. “H-hindi ko p-po alam Sir,” mahinang sagot ko sa kanya. “Find her! At ‘wag kayong babalik hanggat hindi niyo siya nakita!” galit niyang sigaw sa mga bodyguard. Hindi naman ako mapakali ng maalala ang mukha ni Sir na galit na galit hindi ko akalain na ganun ka-importante sa kanya si Jezz. Nakahinga ako ng maluwag ng sumapit ang hapon at uwian na namin. Hindi na rin ako pinatawag ni Sir dahil busy siya sa paghahanap niya kay Jezz. Nang makarating ako sa aking apartment ay agad akong nagluto at naligo. Kampanti rin ako na hindi malaman ni Sir Caleb na ako ang tumulong kay Jezz na makatakas kanina. Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng katok. Wala naman akong inaasahan na besita at wala rin namang bibisita sa akin maliban sa may-ari nitong apartment. Palakas naman ng palakas ang katok kaya tumayo ako para buksan ito. Nang mabuksan ko ito ay bigla akong kinabahan ng makita ang mga lalaking nakatayo sa harap ng pinto. “S-sino kayo? A-anong kailangan niyo?” utal kong tanong sa kanila. biglang namilog ang aking mga mata ng makitang pumasok ang iba sa kanila sa loob ng apartment ko. “Hoy! Anong ginagawa niyo?! Alam niyo bang bawal ang ginagawa niyo!” sigaw ko sa kanila. pero bigla akong hinawakan ng isang lalaki sa aking kamay at tinakpan ang aking bibig. Hindi ko maiwasang mahilo dahil sa nalanghap ko mula sa panyo na itinakip sa aking ilong. “Bi..tawan..niyo..ako.” mahinang wika ko habang unti-unting pumikit ang aking mga mata. “Ahh!!” napasigaw ako ng nakaramdam ako ng lamig sa aking katawan. Agad akong nagmulat ng aking mga mata at nakita ang aking sariling basang-basa. Napatingin naman ako sa lalaking may hawak ng timba at sa tingin ko siya ang bumuhos sa akin ng tubig. “Where is Jezzel?!” Napa-angat ang aking katawan ng sakalin ako ni Sir Caleb at inangat ang aking leeg. Sinubukan ko naman tanggalin ang kanyang kamay para makahinga ako, dahil pakiramdam ko mawawalan na ako ng hangin. Bigla niya naman akong hinagis kaya habol ko ang aking hininga habang napahawak sa aking likod na tumama sa sahig. “I said where is Jezz?!” sigaw niya ulit habang papalapit sa akin. “S-Sir, h-hindi k-ko po alam,” iyak kong wika sa kanya, pero lalong dumilim ang kanyang mukha at nanlilisik ang kanyang mga mata na tumingin sa akin. agad niya akong nilapitan at sinuntok sa aking tiyan. “Ahhh! tama na …po Sir, p-parang awa mo na,” iyak kong pag-mamakaawa sa kanya, pero lalo lamang siyang nagalit at patuloy pa rin sa pagbugbog sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
154.1K
bc

His Obsession

read
97.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.1K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
17.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook