bc

Seducing The Blue-Eyed CEO

book_age16+
976
FOLLOW
2.9K
READ
one-night stand
arrogant
heir/heiress
comedy
bxg
humorous
city
small town
sassy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

***JORDAN AND PATRICE LOVE STORY WILL NO LONGER BE UPDATED.

I DECIDED NOT TO PURSUE THIS STORY. Thank you for your understanding.

If you come across a drop-dead handsome tricycle driver with the most mesmerizing wild blue eyes. Would you ride his tryke?

Nagtagpo ang landas nila Patrice at Jordan sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang sosyalin, suplada at maarteng anak mayaman at isang suplado at mayabang na tricyle driver. Paano kung mahulog ang loob nila sa isa't isa? Matanggap kaya ng magulang ni Patrice si Jordan na inakala nilang isa lamang dukha?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 | Suplado vs Suplada
Tila bumabagyo sa lakas ng ulan at pagaspas ng hangin ng makarating si Patrice sa Makati galing Quezon City where she will meet up with her friends. Patrice Sarmienta is just a couple of blocks away sa disco bar kung saan sila magkikita-kita ng mga sorority friends niya. Katatapos lang ng appointment niya sa spa nang magyaya ang mga kaibigan niyang mag-dinner sa isang disco dinner sa Pembo, Makati. Umayon naman agad si Patrice dahil on the way naman iyon pauwi sa bahay niya. Ngunit kapag tinamaan nga naman ng malas ay mamalasin talaga. Malakas na nga ang ulan ngayon pa siya iniwan sa ere ng sasakyan niya. "Great just great!" sigaw ni Patrice habang patabog na pinalo ang manibela ng kaniyang kotse. Ngayon pa talaga tumirik ang kaniyang teal blue 1969 Corvette na minana niya pa sa lolo niya. Halos isang oras na ang nakalilipas ay wala man lang ni isang taxi napadaan sa kinaroroonan niya. Patrice decided to get off the car at magsimula na lamang maglakad patungo sa disco bar na hindi naman na kaluyaan. Her phone doesn’t stop ringing and messages flood her inbox from her friends asking where she is. If she could only tell them na tumirik ang pinagmamalaki at pinagmamayabang niyang mamahaling sasakyan. But, she couldn’t. Pagtatawanan siya ng mga ito at ayaw niyang mapahiya kanino man. Nagdadalawang isip si Patrice na maglakad because she was wearing a Michael Kors mini-skirt and a hanging halter neck blouse na kita ang kaniyang belly button. She partnered her trendy look with a denim jacket and black high cut Gemini Tory Burch boots. Her hair is naturally curly at dahil umuulan ay nabasa na iyon. Giving her hair a telephone curl wet look na bumagay sa kaniyang balingkinitan at pang-model na pangagatawan. Nagsimula na si Patrice maglakad ng may bumisina at tumigil na tricycle sa kaniyang tagiliran. Nagulat pa siya at almost stumble on the paddle of water na iniiwasan niyang maapakan. “Miss sakay. Saan ba ang punta mo?” “No, I don’t need a ri—.” Hindi na natapos pa ni Patrice ang sasabihin because she was mesmerized with the tricycle drivers seductive blue eyes. Umawang pa ang kaniyang mga labi in disbelief. Why is he driving a tricycle if he is that freakin’ gorgeously drop dead handsome? ‘Yong makalaglag panty ang kaniyang kagwapohan. Tinamaan na yata si Patrice sa Adonis na kaharap niya because she stood frozen with her eyes locked on him. “Miss alam ko gwapo ako. Pero, puwede mo nang isara ‘yang bibig. Tulo laway ka pa.” Bigla naman natutup ni Patrice ang kaniyang bibig. “I’m not drooling!” sigaw niya rito. Hindi napigilan ni Jordan bumingisngis. “What’s nakakatawa?” Maarteng tanong nito kay Jordan. She looks so cute being teased. “Ano sasakay ka ba? Sa . . . akin?” “No way! It’s so filthy . . . so luma and looks so kadiri!" “Hindi ko naman sinabi sa tricycle ko. Sabi ko sa akin.” Nanlaki ang mga mata nito at namula ang pisngi. Kahit na madilim sa kinaroonan nila at mumunting sinag lamang ng poste kuryente ang nagsisilbing liwanag sa daan. Bakas sa dalaga na kutis porcelana ito at ‘di alintanang anak mayaman. “Bastos!” “Marunong ka naman pala mag-Tagalog. Pa-Ingles-ingles ka pa riyan.” “What’s your paki ba? Diyan ka na nga!” Pinandilatan ito ni Patrice at tumaas baba ang perpektong hugis na kilay nito.Malalago ang pilikmata at napakagandang pagmasdan ang maliit ngunit matangos nitong ilong. Mapula ang manipis na labi nito at almond shape ang tila pinaghalong bughaw at abong kulay na mga mata. Bumagay sa kutis niya ang blonde na kulay na buhok nito. Hindi katulad sa iba na hindi kaaya-ayang tingnan. Kinapa nito ang cellphone sa maliit na Louis Vuitton backpack na nakasukbit sa likuran nito. “Yeah! I’m on my way. Just got a little stranded here. Ye-yes. Be there. . . Mm-hmmm. Five minutes.” Binaba nito ang cellphone at isinilid muli sa munting brown bag nito at nagsimulang maglakad palayo sa binata. Mga sampung metro ang layo nito nang sumigaw si Jordan. “Miss! Paalala lang may nagpapakitang white lady sa puno ng balete na madaraanan mo bago ang ikatlong poste! Biyernes pa naman ngayon. Tiyak magpapakita ‘yon pag sapit ng ika-siyam ng gabi.” Nataranta si Patrice at pinangtakutan. Tumaas ang mga balahibo niya. She glanced at her watched. A minute before 9PM. She had goosebumps, immediately, she ran back to where the guy was na nakasunod pala sa kaniya. Nahulog ang denim jacket niya sa kalsada at basang-basa ito. Maputik ang kalsada kaya naman naging kulay tsokolate ang kaniyang blue denim jacket. “Oh, my god! Darn it! I can’t wear this anymore," usal ni Patrice. Maarteng pinulot ni Patrice ang jacket na gamit lamang ang dulo ng kaniyang mga daliri. Hinablot iyon ni Jordan sa dalaga at binigay ang black leather jacket niya rito. “Heto gamitin mo! Baka-magkasakit ka. Konsensya ko pa.” “I’m not asking you to give me your jacket.” “Hindi ko binibigay. Pinapahiram. Iba ang pinapahiram sa binibigay. Ibalik mo ‘yan sa akin kapag nagkita tayong muli." Taktika iyon ni Jordan para may dahilan para masilayang muli ang dalaga. “Are you kidding me? I don’t even know you. How would I know where you live?” “Mukha ba akong nagbibiro?” Seryosong pabalang na sagot ni Jordan dito ngunit sa loob niya ay tawang-tawa na siya sa reaksyon ng dalaga. Lalo pang pinaigting ni Jordan ang pagkaseryoso ng kaniyang mukha. Pinagmasdan ni Patrice ang binata. Ang gwapo nito sobra! Ngunit nakakadismaya ang suot nitong kupas na maong at butas butas pa. Malinis naman ang suot nitong puting t-shirt ngunit turn off ang white sneakers nitong lumang-luma na at butas-butas rin. “Cellphone mo.” “I don’t like to give it to you. Maybe you’re budol-budol and you make takas my iphone." Maarteng sagot ni Patrice rito. “Miss mukha ba akong magnanakaw? Sa gwapo kong ‘to hindi ako mangagantso! Ako'y isang driver. Sweet lover.” Wika nito sabay kinindatan siya nito na nagpalukso ng kaniyang puso. Patrice maghunos dili ka! Yes, he's so hot but he doesn’t belong to the society you’re living in.Hindi lang lakas ng dagondong ng puso niya ang naririnig niya pati na rin ang kampana. Bells are ringing on her ears. “How did it happen?” He looks so darn handsome. Too bad he's a poor guy. Her parents wouldn’t like him and her friends will belittle him and insult her if she befriends a boy from the swamps.” “Ano miss sasakay ka na ba?” “Yes! You are so makulit! But drop me off a few buildings away from the disco bar. I don’t want my friends to see me riding on your so kadiring sasakyan.” “Public transportation tawag rito miss. Pero puwede ko namang gawing private para sayo.” Tinaasan lang ito ni Patrice ng kilay at pumasok at naupo na sa loob ng tricycle. “Hurry! I’m so late with my gimik.” “Sasakay ka rin naman pala ang dami mo pang arte.” Alam ni Jordan sa sarili sa unang tingin pa lamang niya rito ay gusto niya na ang dalaga. Magustohan rin kaya siya nito? ‘Di hamak na tricycle driver lamang siya. Imposibleng magustohan siya ng isang mayamang princesa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook